SCW 27

77 8 13
                                    

"Hoy, Amara."

flinched in my seat when someone shook me on the shoulders. Napabalik ako sa realidad at napatingin kay Vien na nakakunot ang noo.

"Hmm?" I asked her and tried to smile.

She looked at me, full of confusion. "Parang may mali sa 'yo. Ang pangit-pangit ng ngiti mo," lait niya pa.

I laughed a little, pretending everything was fine. "Guni-guni mo lang 'yon. May kailangan ka?"

"Magkaibigan pala si Gahala at yung muse natin noon?" she asked and put some popcorn in her mouth.

We were watching a movie in our condo, but I had lost track of what was happening, kasi napalalim ang isip ko. Kala and Dolly weren't around, nagbar silang dalawa.

I stopped looking at the TV and turned to her again, "Bakit?"

"Nakita ko sila noong nakaraan sa mall! Ang close nilang tingnan eh! Babatiin ko sana kaso naiihi ako!"

Napatahimik ako as I felt something struck me again. It twisted my heart painfully, to the point that I wanted to whimper a cry. I was having a hard time forcing my eyes not to water.

I gulped to clear the lump in my throat. "Oo, magkaklase sila," sobrang pait ng pagkakasabi ko.

Bakit hindi ko alam na pumunta sila sa mall?
"Silang dalawa lang ba?" I asked again, praying they weren't, but Vien's next words nearly killed me.

"Silang dalawa lang nakita ko e! Kung hindi lang 'yon si Gahala, iisipin ko talagang nagchecheat siya sa 'yo pero kilala mo naman jowa mo!" she laughed. "Patay na patay 'yon sa 'yo since high school kaya huwag kang kabahan!"

Napatahimik na lang ako at hindi nagsalita. Patay na patay noon tapos ako naman yung halos mamatay ngayon sa sakit.

"Pero balaan mo pa din si Gahala ha! Ingat siya sa babaeng 'yon! Mukhang hitad ei!" bash niya na naman.

"Umm," mahinang sambit ko and hugged my knees. I was forcing myself not to cry kahit sobrang bigat sa pakiramdam.

My vision is already blurry when I heard a rustle. Vien turned the tv off and looked at me.

"Ayan ka na naman Amara. Akala mo hindi namin napapansin?" iritang sambit niya. "Noong nakaraang buwan ka pa ha! Nalulungkot ka na lang bigla kapag pinag-uusapan natin si Gahala tapos matatahimik ka. You also kept making excuses about him. Napapadalas na din ng tulog mo dito sa condo. Ano? May problema ba kayo?" She asked that made my tears fall.

Hindi ko siya tiningnan saka napalingon sa kabilang side para hindi niya makita ang mukha ko kasi baka bigla na lang akong humagulhol.

"Bakit sinasarili mo? Andito kami oh! Gamitin mo kami. Ang pangit mo pang umarteng okay ka lang kahit halata namang hindi!" sermon niya. "Ano? Okay ka lang ba? Kaya mo pa ba?"

"Wala lang 'yon Vien." Iyak ko, pinilit kong pahiran ang luha ko pero tuloy tuloy sila sa pagtulo. Lahat ng sama ng loob kong naipon ay sumabog ngayong may nagtanong sa akin kung okay lang ako. " Kaunting problema lang." Parang hindi ako makahinga pero pinilit ko pa ding ngumiti sa kaniya. "Malalampasan din namin 'yon."

Her eyes stared at me, trying to read if I'm lying or not. "Kaunting problema lang? Pero bakit grabe yung pag-iyak mo, Amara? Grabe yung sakit na nakikita ko sa mata mo."

Mas lalo akong napahagulhol at napakagat ng labi. Umiling akong umiiyak. "Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin para maayos kami. Sobrang nahihirapan na ako. Sobrang nasasaktan na ako."

"Halika dito," malumanay na sabi niya at dinapa ang kamay para sa isang mahigpit na yakap. "Hindi ka dito masasaktan ninuman."

Bigla na lang akong naiyak nang tuloy-tuloy sa sinabi niya. Hinigit niya ako sa isang yakap at hinayaang ilabas ang labas. “Ang sakit-sakit, Vien. Ang sakit-sakit."

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon