SCW 28

66 7 15
                                    

"You what?"

I was laughing and crying at the same time. I found his words ridiculous. "You cheated? No, Gahala." I shook my head, trying to convince him but more like convincing myself. "Mahal na mahal mo ako. Hindi mo 'yon magagawa sa akin."

"I'm so sorry," he whispered, unable to look me in the eye. "Ayokong sabihin sa 'yo because I know it would hurt you."

I couldn't help but laugh sarcastically while wiping my tears.

"Fucking bullshit! Tingnan mo ako ngayon! Tumingin ka sa akin! Hindi ba ako ngayon nasasaktan ha?! Tangina mo! Ginawa mo 'yon kasi ayaw mo akong saktan?! I was hurting in the whole fucking process! Gabi-gabi akong umiiyak! Halos mabaliw ako kakaisip kung anong mali sa akin! Kung anong nagawa kong mali sa 'yo para tratuhin mo ako ng ganito! Kulang na lang dalhin ako sa mental hospital!" galit na sigaw ko. I was infuriated.

"Putangina." Lumuluha akong tumingin sa kaniya. I bit my lower lip to contain my cries but I couldn't. Pakiramdam ko paulit-ulit akong binubugbog sa dibdib. Sinubukan kong pahirapan ang mga luha ko pero hindi sila tumitigil. "Sabi mo sa akin mahal na mahal mo ako...Anong nangyari? Bakit biglang ganito? Bakit sobrang dali naman?" nangungusap na ani ko. "Does 4 years mean nothing to you? Saan ako nagkulang, Gahala?"

"Hindi ka nagkulang..biglang, hindi na lang talaga kita mahal. Isang araw nagising ako na... hindi na ikaw," sagot niya, sinusubukang ipaintindi sa akin 'yon.

"Bakit biglang hindi na ako?" umiiyak na tanong ko. "Possible ba 'yon? Mahal na mahal mo ako ei. Sabi mo pa nga sabay tayong gragraduate. Sabay tayong magkakatrabaho! Pinangakuan mo pa ako ng kasal! Pinangakuan mo ako ng lahat. Tapos ganito? Anong nangyari sa mga pangako mo?"

"Akala ko kasi sigurado na ako sa 'yo," he mumbled, as if he didn't want me to hear.

Hindi ko mapigilang hindi siya murahin. It hurts so much at hindi ko alam kung paano ilalabas lahat. "Pinagmukha mo akong tanga! Niloko mo ako!" galit na panunumbat ko sa kaniya. "Kailan pa?" nanginginig na tanong ko. "Kailan mo pa ako ginagago?"

He bit his lower lip. "Months ago. Hindi ko... sinasadyang mahulog sa kaniya."

"M-Months ago," I repeated with trembling lips. Mas lalo akong napaiyak. "Ilan buwan mo na akong niloloko! Tangina. Matagal mo na akong pinalitan. " Nanginginig buong kalamnan ko. Halos hindi na ako makahinga. "Sobrang tagal mo na pala akong pinagmumukhang tanga! Bakit pinatagal mo pa ha?! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin gago ka?!"

"Amara," he pleaded like he didn't want to hurt me any longer. Pero nasaktan niya na ako kaya sagarin niya na! Nahiya pa siya potangina!

"Ano ha?! Sabihin mo sa akin!"

Napalunok siya at naging malikot ang mata, "Kasi...naawa ako sa 'yo."

Tangina. Nagstay siya sa akin kasi naawa siya.

"Naawa. " Natatawang ulit ko. "Buti sana kung natakot ka kaya hindi mo masabi sa akin! Pero naawa!" Nababaliw ng tawa ko. " Naawa ka pa sa lagay kong 'to?! Putangina," parang baliw na tawa ko. "Kung naawa ka sa akin, sana hindi mo ako ginago! Ano?! Masaya kang makita akong tanga-tanga sinubukang maging maayos tayo?!" I inhaled to stop my tears from falling.

"Sana hindi ka na pumasok sa mundo ko kung sisirain mo lang din ako ng ganito!" I shouted while crying. "Nanahimik ako sa gilid ei! Tapos kakatok-tatok ka! Nangako-ngako ka tapos hindi mo tutuparin! "

I inhaled deeply, trying to calm myself down. I bit my lower lip when I couldn't help but cry again. "Ayaw mo na ba talaga sa akin?" halos nagmamakaawang tanong ko. "Ayaw mo ng subukan?"

"Amara," he pleaded, shaking his head. "Ayoko na talaga. Matagal na akong walang nararamdaman para sa 'yo. Si Yacey. I really... love her so much."

Hindi ko alam kung ilang beses akong namatay ngayon dahil sa mga salita niya. Sa tuwing pinamukha niya sa aking hindi niya na ako mahal, halos hindi ako makahinga.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon