Entry #7

2.8K 115 19
                                    

Wednesday

Dear DIARY,

Hi Diary!

May isang bagay akong ikukwento sa iyo na tiyak na hindi mo magugustuhan.

Ganito kasi ang nangyari Diary, nagising ako kaninang morning tapos nagtimbang ako. Nagulat ako sa resulta, naging 96.7 kilos ang aking timbang. Tumaba ulit ako Diary dahil nadagdagan ng 0.3 kilo ang timbang ko. Diba kasi nung last last day 96.4 kilos ang weight ko.

I’m so sad and disappointed Diary. Kaya nung breakfast nag ENERGEN na lang ako. Kahit bitin na bitin yung kinain ko, tiniis ko na lang for the sake of pagpapapayat ko.

⊙︿⊙

Binalita ko ang pangyayaring ito kay Ria my friend pagdating ko sa school Diary.

“Ria. Why oh why? Bakit ako nadagdagan ng timbang?” ayan ang sabi ko sa kaniya with teary-eyed pa. Paawa effect lang haha!

“Di na ako magtataka Matty. Pinagbawalan kita kahapon na huwag ka nang kumain sa McDo.” Sagot niya sa paawa question ko kanina.

Ay. Oo pala Diary. NagMcdo ako kahapon ng hapon kasi nga nagparty-party ako dahil feeling ko nabawian ko ang mga asungot na sina Frederico at Susanna dahil kay Mark Thin. Hehe. Di ko nasabi yun kahapon sa’yo kasi baka hahadlang ka rin sa pagpaparty ko kagaya nang ginawa sa akin ni Ria yesterday.

“Sana sinunod na lang kita Ria.” Ayan ang sabi ko sa kaniya.

“Wag ka na mag-emote-emote diyan. Magsilbi na lang sanang aral yun sa iyo.” Pagcomfort niya sa akin.

Buti na lang kaibigan ko si Ria.

(⌒▽⌒)

Nagsimula na ang first period namin Diary.

Late pa ngang pumasok si Mark Thin eh. Kaya  ayun pinagalitan siya.

“Bakit ngayon ka lang pumasok? Alam mo bang bawal ang late sa klase ko?” Bungad ng teacher ko yan sa kaniya.

 “Hindi ko po alam Sir. Bago lang po ako dito.”  Ayan ang paliwanag niya.

“Walang bago-bago sa akin. Pumasok ka na. Wag mo nang uulitin yan.”

Habang pinapagalitan si Mark Thin Diary, naririnig ko namang tumatawa ng palihim ang iba kong kaklase. May sinasabi pa nga sila eh.

“Buti nga sa iyo.”

“Hihi. Yabang kasi kahapon. Bilis ng karma”

Hayy, kawawang Mark Thin.

╮(─▽─)╭

Mabilis lang natapos ang aming klase Diary. Hindi nga ako masyadong nakinig sa klase eh. Kasi alam ko na ang mga susunod na mangyayari. After nito, for sure bubully-hin si Mark Thin dahil nga pinagalitan siya.

Kawawa naman.

Teka bakit ba ako todo concern sa kaniya? Eh, hindi ko naman siya kaibigan. 

(^~^)

Nung umalis na ang teacher namin Diary.

Naging tama ang hula ko, binully siya. Ang dami-dami ngang sinasabi sa kanya.

“Buti nga sa iyo. Ang yabang kasi kahapon eh!”

“WAHAHA! Napahiya.”

“Payat na nga late pa.”

Ilan lang yan sa mga sinabi nila Diary. Marami pa silang sinabi. Nanahimik na lang siya sa kinauupuan niya Diary.

“TIGILAN NIYO NA NGA ANG TAO! ALAM NIYONG BAGO SIYA RITO! ANG SASAMA NIYO!”

Nasabi ko yan sa kanila ng pasigaw Diary. Medyo tumahimik sila at tinuon nila ang atensiyon sa akin.

“Feeling hero ka Matty? HAHA! Di mo bagay.  Ang bagay sa iyo maging baboy!”

“Close ba kayo? Feeling close!”

“Bakit mo siya pinagtatanggol? Ano ka ba niya?”

Teka ano ba niya ako? Ano na naman ang pinasok kung gulo?

Huhu. Di ako makasagot!

“KAIBIGAN KO SIYA!” Biglang sumigaw si Mark Thin!

Ano ang sabi niya?

K-A-I-B-I-G-A-N

Eh, di pa nga kami nag-uusap ah?

“TIGILAN NIYO NA KAMI!”Ayan ang sabi niya, tumayo na siya at umalis.

Lumipas ang mga oras, hindi na siya bumalik. San yun nagpunta?

Di man lang ako nakapag-salamat.

(^~^)

Naintriga ako kanina Diary, kaninang uwian. Inaasar ako ng mga kaklase ko.

“Ang swerte mo naman Matty kaibigan mo yung gwapo.”

Ayan lang ang tumatak sa isipan ko Diary.

Hindi ko naman siya kaibigan?

Pero bakit niya sinabi yun?

Siguro sinabi niya yun para di ako mabully?

Wow. Savior ko siya!

Pinagtanggol niya ba ako Diary?

Hindi siguro. Baka ginanti niya lang ang pagtatanggol ko sa kaniya kanina.

Dalawang araw pa lang pumapasok si Mark Thin, ang dami nang nangyayari.

Ano na naman kayang mangyayari sa akin bukas Diary?

(・∀・)

Nagugutom ako Diary. Kakain kaya ako? Kakain na lang muna gutom na ako eh. Konti lang kakainin ko ngayong gabi Diary!

Diet-diet haha :D


 

Ang Naguguluhang Babaeng Mataba,

MATH CHAVAH A. KOH

###############################

WRITER'S NOTE

Nagustuhan niyo sana! :D

Vote and comment please!


Ang PANG-UNA at PANGLIMANG magcocomment ay idededicate ko sa next two entries.

Paunahan na lang.

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon