Thursday
Dear DIARY,
Hello there Diary!
Di ako masyadong nakatulog kagabi! Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari kahapon. Si Mark Thin kasi eh. Nakakainis siya! Kaibigan niya na ba ako? Di pa nga kami nakakapag-usap tapos kaibigan niya na ako agad. Feeling ata yung payatot na yun.
Mga 1 AM na siguro ako nakatulog Diary. Sa oras na yun, nagdecide ako na kausapin na lamang siya at pasalamatan.
Pagkagising ko ng umaga, nakita ko ang mukha ko sa salamin. Ang ganda ko Diary! Pumayat ako!
Siyempre kabaliktaran lang yun! Mataba pa rin ako at medyo maganda lang haha! XD Feeling din ba ako Diary kagaya ni Mark Thin?
Hindi na ako nagtimbang. Ayokong madisappoint ang sarili ko Diary. Baka kasi nadagdagan na naman ang weight ko. Kaya ayun, tumuloy na agad ako sa pagkain!
Masarap ang hinain ni Tita ko. Hotdog and eggs yun Diary. Pero pinapak ko na lang ang 3 hotdogs. Remember? Diet ako ngayon.
Enough na yung kinain ko. Then after kong kumain, ginawa ko na ang morning rituals ko and after nun pumasok na ako sa aking paaralan!
Pagkapasok ko sa room namin. Ayun nakita ko na naman ang mga kaklase ko! Pumunta na ako sa upuan ko at kinausap ako ni Ria.
"Oy! Good morning Matty! Musta?" Tumayo pa siya nan at full energy niya yang sabi sa akin. Napansin ng mga kaklase ko yun. Kaya tiningnan nila ako.
"May kaibigan pala si Matty? Akala ko loner siya dito. May nagtitiis pala sa kanya." Narinig ko ang bulong na yan Diary galing sa isa sa mga kaklase ko. Medyo nagtawanan pa ang iba. And luckily narinig ni Ria ang mga yan.
"Hoy kayo! FYI! Hindi ko pinagtitiisan si Matty! Kaibigan ko siya! Mga epal!"
Natahimik naman ang mga kaklase ko Diary.
Sa kanilang pagiging tahimik. Bigla namang dumating si payatot.
Umupo na siya sa kinauupuan niya. Lalapit na sana ako sa kaniya Diary para kausapin siya, pero bigla namang dumating ang teacher namin.
Ayyyy. Sayang. Mamaya na lang lunch ko siya kakausapin.
Lumipas ang English, Math at AP Subject namin Diary at lunch time na! Nilingon ko ang kinauupuan ni Mark Thin and sa kamalasmalasan wala na siya roon Diary.
Pumunta na kami sa canteen kasama si Ria. Habang naglalakad kami mayroon siyang sinabi sa akin.
"Bakit ang tamlay mo ngayon? May problema ba bestfriend?" Sabi niya sa akin.
"Ah. Wa....la. wala haha!" Pagsisinungaling ko yan sa kanya.
Umorder ako ng Afritada Diary. May kanin na akong dala. Ganun din si Ria. Umorder din siya gaya ng inorder ko .
Kainis yung payatot na yun! Gusto ko na siyang kausapin kaso nawawala naman siya. Pagdating ko sa room kakausapin ko na talaga siya! TOTOO na!
"Kain ka na Matty! Lalim nang iniisip ah!" Biglang sabi sa akin yan ni Ria. Napapansin niya yatang may problema ako!
So ang ginawa ko Diary, nilamon ko na ang pagkain ko para lang mapakita kay Ria na wala akong problema! Kaya napabilis ang pagkain ko!
"Kailangan mo ng water Matty?" Sinabi niya yan sa akin after kong lumamon ng pagkabilis-bilis.
"Meron na ako Ria! :)"
"May problema ka ba? Ha?" Pagkikilatis niya yan sa akin.
"Ah wala. :D Ang saya ko nga eh! Kumain ka na lang diyan." Pagpapalusot ko sa kaniya!
After niyang kumain, diretso na agad kami sa room.
Nung nasa room na kami. Kami ay nagpapahinga at aming nirereview ang mga notes namin para sa subject namin sa hapon. Baka may surprise quiz!
Hindi ako masyadong nakafocus sa pagbabasa Diary. Kasi iniisip ko pa rin si Mark Thin. Ang tagal niya pumasok!
Nung pumasok na siya. Nagningning ang mga mata ko! Ito na ang tamang oras para kausapin siya.
Umupo na siya at biglang dumukdol sa desk.
Kakausapin ko pa ba siya?
Oo?
o
Hindi?
Kapag kinausap ko siya sa mga oras na yun Diary. For sure, maiistorbo siya and baka magalit.
Pero kakausapin ko na siya ngayon! Kahit anong mangyari.
Nasa harap na ako ni payatot at akin na siyang kakalbitin PERO bigla namang dumating si Mr. Reyes, ang Filipino Teacher namin.
Wrong timing ang dating niya Diary. Sadly di ko siya nakausap. Mamayang hapon na lang! Sure na yun! Sure na talaga.
Natapos na ang mga lessons, at activities.
Ito na ang pinakahihintay!
UWIAN NA!
So nilingon ko ang upuan ni Mark Thin at paalis na siya!
Mabilisan kong inayos ang mga gamit ko at hinabol siya Diary!
Pero nung nasa labas na ako. Nawala naman siya bigla.
Hinanap ko siya Diary.
Pero sa kamalasmalasan ulit Diary. Nakita ko siya.
OO NAKITA KO SIYA!
Nakita ko siyang nasa gate na at lumabas na!
Umuwi akong depressed Diary. :(
Bakit ganun? Hindi ko man lang nagawang kausapin siya?
Ayaw ba ng tadhana na makilala ko siya?
Huhu. :'(
Pero. Kahit bigo ako ngayon. Meron pa naman bukas!
Oo! Bukas Diary! Bukas sisiguraduhin ko nang makausap siya.
Kapag hindi ko siya nakausap Diary bukas. Titigilan ko na siya. Titigilan ko na talaga.
Sana makausap ko siya bukas.
Para di ko siya tigilan.
Ang BIGONG Matabang Babae,
MATH CHAVAH A. KOH#########################################
Dedicated to lovelysantiago902 siya ang kauna-unahang nagcomment sa last entry at saka nagvovote siya! Thank you! Sana mabasa mo!
VOTE and COMMENT pleaseeeeeee!