Dear DIARY,
Friday na ngayon ibig sabihin it's PARTY time!!! Wala ng pasok bukas!!!!
(^v^)
But Diary, I'm so very very hungry na! Tinotoo ko kasi na magbabago na ako I mean magpapapayat na! Sa ngayon, hindi ko na kaya ang ganitong sitwasyon. As of now, nasa harap ko lang naman ang Pizza, 2 McDo Burgers, Fries, McFlurry, Chicken and Spaghetti and lastly my favorite softdrink ang COKE kasi dito happy ka! Ano naman ang konek Diary?
By the way, uunahin ko muna ang pagsusulat ko sa iyo Diary bago ko kainin ang mga hinain ko.
Ngayong araw pala nasaktan ako sa sinabi ni Frederico. Ngunit nabawi rin ito ng isang KASIYAHAN na kasalukuyang nadarama ko ngayon.
(T_T)
Si Ma'am Estrilita ay nagpaform ng 5 groups consist of 8 members. Then after na kaming nagroup. Biglang nagsalita si Frederico
"Ma'am unfair naman po ang groupings. Tingnan niyo po ang grupo nina Matty! 16 na sila kasi si Matty, grupo na as in walong tao na siya."
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko tapos umayon naman sila sa kagustuhan ni Frederico.
So ang ending, inihiwalay ako ng teacher namin at sa ngayon mag-isa na lang ako sa grupo. Tama nga sila HAHA 8 naman talaga ako HAHA! Ang sarap mabully lasang tanga!
Pero Diary kahit mag-isa lang ako sa grupo, gagawin ko ang makakaya ko. Nakakainis din ang ginawa ni Ma'am Estrilita, talagang pumanig pa siya sa kaklase ko. Siguro inggit lang siya sa fatty ko. Hmp. ( ̄^ ̄)
Yung pinagawa niya sa amin ay gagawa ng isang poster about poverty. So, sisiw lang yan sa akin. Ako kaya si Matty ang baboy sa kagalingan sa larangan ng pagdradrawing!
7 groups kami. Di bale ako yung pang 7 at ako lang naman ang natatanging nakatapos ng aming poster. Bleh! :P Kaya napaNGANGA mga classmates ko at pati na rin si Ma'am Estrilita! Kitams! I can do it by myself.
"Are you done Miss Fatty Matty?" Sabi ni ma'am habang tumatawa ang mga kaklase ko dahil sa pangalan na sinabi niya sa akin.
"Of course Ma'am!" Taas noo kong sabi!
"K. Explain."
"As you can see guys, maraming foods na naasasayang sa aking ginawang poster. Kagaya sa ating bansa, hindi tayo marunong magpahalaga ng mga bagay na nakakatulong sa atin. As a result tayo ay nalulugmok dahil sinasayang lamang natin ang mga bagay na ibinibigay Niya (Diyos)."
Woah! Galing ko! Pansin ko. Bakit biglang tumahimik mga kaklase ko? Bilib ba sila sa aking mga sinabi?
"Good job Matty. You may now take your seat." Good job daw? Yesh! :) Ano kayo ngayon mga kaklase ko? Sana naman na-appreciate niyo na katalinuhan ko.
Sana rin maappreciate niyo na ako bilang tao at hindi bilang baboy.
Tapos na ang time namin kay Ma'am Estrilita! So meaning recess na namin. Yung mga ibang grupo pala bukas na nila iprepresent yung meaning ng poster nila. Ako lang ang nakarecite!
(^v^)
Habang patungong canteen. May babaeng lumapit sa akin. Kaklase ko pala. Tapos may sinabi siya.
"Job well done Miss Matty." Sabi niya sa akin. Makamiss naman tong babaeng 'to. So formal.
"Salamat Alexandria! :)" masayang tugon sa kaniyang sinabi.
"Ria na lang. Para mas maikli. Pwede ba?"
"Pwedeng ano?" Naguguluhan kong sinabi sa kaniya. Labo niya ah.
"Friends. :D As in pwede bang makipagkaibigan?"
Oh? Tama ba ang narinig ko? For the first time yata to sa buhay ko. Magkakaroon na ba ako talaga ng tunay na kaibigan?
"Uy. Pede ba?" Paulit niyang pagtatanong sa kin.
"Pwede. Oo. Pwede."
"Bakit ka naiiyak? May nagawa ba akong mali."
"Wala wala. First time lang kasi sa buhay ko na may nag-alok na pwede bang makipagkaibigan sa akin."
"Ayy ganun? Ngayon, kaibigan mo na ako. :) Maasahan mo ako kahit saan."
May kaibigan na ako!
YEHEY! (^▽^)
So ayun nga Diary, may friend na ako. BEST FRIEND na pala diary haha!
Marami kaming pinag-usapan Diary. Pero pagod na akong magkuwento eh. Kaya pinuputol ko muna ang usapan natin sa ngayon.
BTW, bukas na lang pala ako magda-diet. Party time ngayon eh!
Sige Diary, kakainin ko muna ang ma nakahain sa harapan ko ngayon!
Bye bye!
o(^▽^)o
ANG BABOY NA MAY BAGONG KAIBIGAN,
Math Chavah A. Koh########################
WRITER'S NOTE
Vote please and comment na rin! Madededicate na ako sa next chapter, kukuha ako sa mga magcocomment hehe! :D