Bakasyooon naaa!
Vote and comment please!
Mas madaming comment, mas mabilis ang update! Thank you.
-
August 9, 2015
Sunday
Dear DIARY,
A very berry very nakakapagod na weekend, Diary. Madami kasi akong ginawa. Sa totoo lang, mas marami akong nagawa kaysa sa nakaing mga pagkain. May motto kasi ako ngayong weekend, Diary.
"The more you work, the less you eat."
Alam mo ba, Diary! I'm on a diet-diet weekend! Siyempre hindi ko makakalimutan ang "Operation: Diet" ko kahit na marami na ang nangyayari sa akin, maraming happenings, maraming drama.
Inspired nga akong magdiet, kasi may pinanghuhugutan ako. Una sa lahat, kailangan kong magbawas ng timbang dahil may deal kami ni Dragon na bumubuga ng apoy. Remember Diary? May deal kami ni Dragon (nasa Entry #24)? Kailangan kong magbawas ng timbang! Bakit ko pa kasi ito kailangang gawin, Diary? Iisipin mo palang ang salitang "Diet" pinaghihinaan ka na ng loob.
Nga pala, Diary. Alam mo ba na ipinunta si Tita ko sa Hospital dahil sa labis na pagtatae at pananakit ng tiyan? Kapag naaalala ko yun, natatawa pa rin ako. Paano naman kasi nakain niya ang pupo ni Bagon sa Toblerone! Hindi ko nga alam, Diary kung ano ang uunahin ko sa mga panahong iyon eh, kung tatawa ba o tatawag ng ambulansiya.
Dahil sa sobrang bait ko, Diary.
Tumawa...g.
Tumawag muna ako ng ambulansya habang tumatawa sa labas ng bahay namin Diary.
"Ambulansya! Ambulansya!" Todo sigaw pa ako niyan.
"Ambulansya!" Pag-uulit ko.
Ilang beses akong tumawag ng ambulansya sa labas ng bahay namin pero wala pa ring nagpupunta. Bakit ba naman kasi kailangan pa ng ambulansya? Pwede naman maglakad na lang yung Tita ko papuntang Hospital. Choosy pa?
Sigaw pa rin ako nang sigaw kahit alam ko namang walang pupuntang Ambulansya dito, Diary.
"Ambulansya! Ambulan---," naputol ako sa sinabi ko dahil may biglang nagsalita. "Wala ka talagang matatawag na ambulansya rito."
Nilingon ko ang nagsalita. "Dra-dragon?" Utal kong sabi.
Nagulat ako dahil nandito pa siya. Akala ko wala na siya sa istorya ko. Akala ko kabilang na siya sa grupo ng mga lalaking mamahalin mo pero sa huli iiwanan ka.
"Oo ako 'to. Ang nag-iisang Dragon sa buhay mo." Saad niya.
Pinisil-pisil ko siya sa mukha. Tinignan ko kung totoo nga siya. Baka kasi multo siya. Tinusok ko rin yung abs niya. Naramdaman ko naman yun. Therefore, si Dragon nga siya. Nakachansing tuloy ako sa kanya.
Nagtaka siya sa ginagawa ko. "Bakit mo hinawakan ang abs ko?" Sabi niya.
Dahil doon namula ako at the same time masaya kasi bumalik na siya at nahawakan ko pa ang abs niya! Ang landi ko na naman!
Nawala ang paglalandi ko ng biglang may sumigaw. "Uunahin niyo pa ba ang landian bago ako isugod sa Hospital!?" Dahil doon na-bad trip ako! Panira ng moment si Tita!
Tinulungan ako ni Dragon na magtawag ng ambulansiya. Pero ang walang hiya inuna pa ang pag-se-cellphone kaysa gayahin akong sumigaw ng "Ambulansiya!"
May kinontak siya sa cellphone niya at sinabing "Hello. We need ambulance here." Sinabi niya ang address. Ilang minuto lang dumating na ang ambulansya.
