Entry #20

1K 47 10
                                    

July 13, 2015
Monday

Dear DIARY,

Isang linggo na ang lumipas.

Ang dami nang nanyari.

Nabibilib nga ako sa sarili ko Diary. Alam mo ba kung bakit? Kasi nakakayanan ko pang mag-aral. Siguro kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon baka magpapakamatay ka na lang o kaya naman baka mapapabayaan mo na pag-aaral mo.

Haha. :D Ang OA ko lang sobra Diary.

Pero seriously Diary, alam mo na siguro ang nararamdaman ko ngayon. Kung sasabihin ko kung okay ako. Malamang sa malamang niloloko kita at malamang sa malamang niloloko ko rin ang sarili ko. Kaya ngayon sasabihin ko na ang tunay na nararamdaman ko.

Malungkot.

Masama ang loob.

Galit.

Ayan ang tatlong nararamdaman ko sa ngayon. Sana bukas makalawa mawala na ang mga ito at mapalitan na ng aking inaasam-asam na kasiyahan.

Sa huli kong entry, nagtanong ako kung ano ang aking mga gagawin. Maraming salamat sa iyo aking Diary dahil may nakuha akong mga sagot. Dahil sa sagot na iyon, natulungan mo ako.

Halos lahat ng nabasa ko ay nagsasabing i-let go si Thin. Dahil daw hindi ko pa siya lubusang kilala. Tama ka naman Diary. Mas magandang i-let go si Thin dahil kapag ginawa ko yun baka mauwi lang ako sa wala. Baka hindi rin naman ako ang tinitibok ng puso niya. Sayang naman ang pagpili ko kung iyon ang gagawin ko.

Kaya ayun ang ginawa ko, ang ilet go si Thin at mas piliin na lang si Ria.

N'ong nakaraang Martes, masaya akong pumasok. Hindi ko nga alam kung bakit ako masaya. Basta ang alam ko lang ay ang ilet go si Thin at piliin si Ria.

Pumunta agad ako kay Ria upang kausapin siya kaso di napigilan ng mata kong hagilapin si Thin kaya nung nakita ko siya nagsimula na namang gumapang at lumipad ang mga ipis sa tiyan ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Kaya sa mga oras na yun bigla akong nalungkot. Tama ba Diary na ilet go ko si Thin? Oo tama siguro yun Diary. Pero bakit ako nasasaktan? Siguro normal lang ito sa una pero sa mga susunod na araw makakalimutan ko rin siya. Oo TAMA. Makakalimutan ko rin siya. Ang tanong . . .

Makakayanan ko ba?

Haayyy. Ang hirap. Pero kakayanin ko ito para kay Ria na aking best friend.

So ayun nga pinuntahan ko si Ria at okay pa rin naman kami. Nagkukwentuhan ulit, nag-uusap ng kung ano-ano, magkasama sa canteen, sabay na nag-aaral at lahat nang ginagawa namin, nagagawa na namin ulit. Kainis kasi yung scrapbook eh! Dahil dun bihira na lang kami nagkakausap. Dahil sa scapbook na yun, pinagulo niya pa ang buhay ko. Pero n'ong Martes bumalik na ang dati naming samahan ni Ria.

Sa tuwing mag-uusap kami ni Ria, pilit kong iniiwas ang tungkol kay Thin. Sa tuwing ita-topic niya iyon agad ko rin namang iniiba. Ayoko kasi pag-usapan si Thin eh. Di ko alam kung bakit.

Dumating ang isang araw, nakahalata na si Ria na iniiwas ko ang topic tungkol kay Thin. Wala na akong magawa nun. Kaya sa mga panahong yun, napasabi na lang ako kay Ria ng . . .

"Ria parehas tayo nang nadarama. Gusto ko rin si Thin."

Nag-umpisang pumatak ang mga luha ko. Ganoon rin kay Ria. Ang ganda naman ng story namin pangMMK. Dalawang mag bestfriends na-in-love sa isang lalaki.

Nakadama ako ng lungkot sa mga panahong yun. Iniwan ako ni Ria sa school mag-isa. Umiiyak siya. Pinagmasdan ko siya habang tumatakbo.

Ano ang gagawin ko Diary? Kasalanan ko bang ma-inlove sa taong kinaiin-love-an niya rin?

Umiyak ako nang umiyak sa kwarto ko magdamag. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tama ba ang ginawa kong pagpili? Galit ba sa akin si Ria? Siguro sa gabing yun nagdadalawang isip rin siya kung ano ang gagawin niya. Ilelet go niya ba si Thin o ipagpapatuloy niya ang pagkakaibigan namin.

Gusto ko nang mag-umaga para malaman ang gagawin niya. Sino kaya ang pipiliin niya? Ako o si Thin. Pero sana pumipili siya ngayon at sana matanggap ko ang resulta.

Lumipas ang araw at Friday na. Kinakabahan akong pumasok nun at di alam ang gagawin. Bakit ba kasi ako na-in love sa lalaking yun?

Dumating ako pero wala pa si Ria. Saglit lang naman akong naghintay dahil dumating din siya agad.

Pinagmasdan ko siya hanggang makarating sa upuan niya na kung saan katabi ko lang. Nang nakalapit na, kakausapin ko sana siya ngunit hinila niya ang upuan niya at lumayo na sa akin.

Sa ginawa niyang yun, biglang pumasok sa isip ko na hindi ako ang pinili niya. Ang sakit. Ang sakit palang maranasan 'to. Pinili niya si Thin at hindi ako.

Nilapitan ko siya at kinausap.

"Sorry Ria. Sorry."

Paulit-ulit kong sinasabi yan. Di ko alam kung bakit ako nagsosorry. Wala naman akong nagawang kasalanan. Pero ang alam ko, ginagawa ko ito para sa pagkakaibigan namin.

Tinitingnan na rin kami ng aming kaklase. Alam kong kahiya-hiya ang ginagawa ko. Hindi niya pa rin ako pinapansin.

Umiiyak na ako sa harapan niya. At sa wakas kinausap na niya ako.

"Don't cry Matty. Good luck na lang sa atin."

Ayan ang sinabi niya. At sa mga salitang yan natapos na ang pagkakaibigan namin.

Masakit mang tanggapin. Nawala na ang dalawang mahalagang tao sa akin.

Namili ako na ilet go si Thin. Pero bakit ganun? Akala ko isa ang mamawala pero bakit nawala silang dalawa? Ang sakit. Bakit ba ako nagkakaganito?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala na si Ria. Siya kasi ang unang naging best friend ko. Tapos mawawala lang siya ng ganun ganun lang? Hayyyy. Back to normal ulit kagaya ng dati. Di bale nakayanan ko naman na ng 3 years. Eh ngayon graduating na ako. Konting push na lang.

Makakayanan kong mag-aral kahit wala na akong kaibigan.

AJA!

Kung tatanungin mo kung ano na ang kalagayan ni Payatot. Hindi ko na alam. No'ng nagdecide na akong i-let go siya, nagpalit na rin ako ng sim. Baka kasi kapag nagtext siya baka mas lalo ko siyang di makalimutan. Pero tanga rin ako. Alam mo kung bakit? Kasi paano ko siya makakalimutan kung araw-araw ko siyang nakikita sa school?

Pero ngayon, napag-isip-isip ko na wag na lang siyang kalimutan. Kaso paano na ang gagawin ko?

Hayyy. Nakakalungkot talaga.

Pagpupursugihan ko muna mag-aral Diary. Aral muna.

Kaso gusto kong maging magkaibigan ulit kami ni Ria. Paano ang gagawin ko? Pwede mo ba akong tulungan Diary kung paano niya ako mapapatawad?

Nakakasama rin ng loob si Ria Diary. Kasi ganun niya lang i-balewala ang pinagsamahan namin. Pinagpalit niya ako kay Thin.

Pwede mo ba akong tulungan Diary? Konting advice naman diyan kung anong gagawin ko.

Bakit ba naman kasi ako na-in-love kay Thin?

Sige Diary. Hanggang dito na lang. Hindi ko alam kung kailan ulit kita susulatan. Pero promise magsusulat pa rin ako.

Ang Malungkot na Mataba,
MATH CHAVAH A. KOH

~*~

Sorry kung matagal ang update. PROMISE bibilisan ko na. xD Dami kasing ginagawa -_-

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon