HAPPY 40K READS MGA MADLANG READERS!!!
SALAMAT SA INYO! XD
---------------
July 20, 2015
MondayDear DIARY,
Hindi ko alam kung bakit kita sinusulatan ngayon Diary. Wala naman akong ibabalita sa iyo.
Sige. Bye na nga.
Hanggang sa muli! XD
HAHA! :D Niloloko lang kita ngayon Diary! Meron akong ibabalita sa iyo. Actually bad news ito. At yung isa hindi ko alam kung good news yun.
Una ko munang sasabihin sa iyo ay ang BAD NEWS.
I'm so very sad kaninang morning. Do you know ba Diary kung bakit? Before ko sabihin, may pinagtataka lang me. Bakit ba me nagcoconyo? Sige I'll ayos-ayos na nga baka kasi magalit ka to me Diary e!
Ayun nga Diary, kaninang umaga bigla kong nakita ang timbangan sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit nandun yun, siguro pinakaelaman ng tita ko. Pagkatingin ko sa timbangan na yun bigla naman akong nacurious kung ano na ang timbang ko. Kaya agad akong pumatong dun and alam mo ba kung ano ang resulta? Isang tumataginting na 99.5 KILOS lang naman Diary! Ibig sabihin TUMABA na naman ako! Kain kasi ako ng kain. Kaya nung breakfast konti lang kinain ko. Actually mga fruits nga lang ang nilamon ko. 3 bananas, 2 apples, 1 orange, and grapes. Diba ang konti Diary?
Tsaka tandaan mo Diary, ngayong araw na ito, uumpisahan ko na ULIT ang DIET ko. PRAMIS!
Ang pangalawang bad news ay ewan ko ba kung bad. Preliminary Exam na kasi namin sa Thursday and Friday kaya kailangan ko nang mag-aral at mag-review ng mabuti. Kaya baka after exam na lang ako makakasulat sa iyo. Pagpray mo na lang ako Diary na sana makapasa ako sa exam.
Ayan lang naman ang bad news. And this time good news naman ang sasabihin ko pero hindi ko naman alam kung good ba ito kaya tatawagin ko na lang itong NORMAL NEWS.
Tungkol kasi ito sa isang DRAGON na kumakain ng APOY. Ang saya ko kasi kaibigan ko na siya kahit wala naman siyang sinasabi na "Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Basta feeling ko magkaibigan na kami.
Nu'ng isang gabi kasi diba sinulatan kita nun Diary. After kong magsulat, tinext ko siya ng . . .
"DRAGON!"
And then, after few minutes imbis na nagreply siya, tumawag na lang. Ito pa nga ang sabi niya.
"Hoy Baboy! Malalim na ang gabi. Matulog ka na diyan nang pumayat ka naman. Wag ka nang magsalita. Good night Baboy!" In-end niya na ang call.
Nireply-an ko siya after ng pangyayaring yun.
"Hoy Dragon! Mapayat na ako noh. Di mo lang maappreciate 'tong kagandahan ko! Sige. Salamat sa pagpapasaya ng araw ko! Wag ka na magreply kung magrereply ka SUSUNUGIN kita!"
Makalipas ang ilang minuto, hinihintay ko ang reply niya. Bakit ko nga ba hininhintay e' sinabihan ko na siyang wag na magreply! Pero biglang tumunog ang phone ko at nagreply siya. Binasa ko iyon agad-agad.
"As if namang masusunog mo ako! Kumakain kaya ako ng APOY!"
And that night, nung nabasa ko ang reply niyang iyon pinikit ko na ang mga mata ko at may namuong mga ngiti sa aking labi. :D
May bago na naman akong kaibigan! Ang saya ko sobra!
Sana huwag na siyang mawala gaya ni Ria.
Ayan lang naman ang normal news Diary. XD May bago na akong kaibigan.
Nga pala nagtetext siya sa akin kahapon, every hour yata yun. Puro kababuyan mga sinasabi niya. Di ko nga siya nirereply-an e. Diba masungit ako sa kanya!
Sige, hanggang dito na lang ako. :D Matatagalan na naman ang pagsusulat ko sa iyo Diary. Kailangan ko pang magreview! Pasensiya kung konti lang ang nasulat ko. :)
Ang MATABANG May Bagong Kaibigan,
MATH CHAVAH A. KOHPS: 23 DAYS to go . . .
~*~*~*~*~
May idea ba kayo kung anong mayroon sa 23 Days to go ni Matty?
CLUE: August 12, 2015
ICOMMENT na ang sagot at idea niyo! :D May ibibigay akong prize/s kapag may nakasagot ng tama.
~*~*~*~*~
Pasensiya kung SHORT UPDATE! :D Bibilisan ko na ang update. :)
Vote and Comment please.