Entry #26

925 43 29
                                    

Author's Note:

Sorry kung natagalan ang UPDATE! XD Busy kasi eh. Bibilisan ko na ang update. PRAMIS.

Thank you sa naki-join sa #AskMATTY . . .

VOTE & COMMENT, please.

~*~

July 30, 2015
Thursday

Dear DIARY,

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko rin alam kung paano ko isusulat ang mga nangyari sa akin.

Naguguluhan na ako Diary!

OA ba ako at ganito ang nararamdaman ko?

Upang malaman mo Diary ang sitwasyon ko ngayon, mas magandang ikwento ko muna sa iyo ang mga nangyari.

N'ung umaga, tinatamad akong bumangon dahil tinatamad akong pumasok. Hindi ko alam kung bakit bigla akong tinamad. Siguro malamig sa mga oras na yun. Alam mo naman Diary na sa panahon ngayon ay tag-ulan na. Pero pinilit ko pa rin ang makakaya ko para bumangon. Ayoko namang um-absent. Never pa kaya akong lumiban sa klase!

Nag-coffee lang ako kanina at kumain ng dalawang pandesal. Diet kaya ako kaya dalawang pandesal lang. Nagtaka pa nga ang minamahal kong Tita kanina dahil naninibago raw siya sa akin. Dati raw 8 pieces ang kinakain ko, ngayon dalawa na lang! In-explain ko naman sa kanya na DIET ako. Alam mo kung ano ang sinabi niya?

"Good luck Matty." With thumbs-up pa yan at naka-smile pa.

Hindi ko nga alam Diary kung nang-iinsulto ba ang Tita ko o hindi. Sana talaga maka-diet ako. Kasalanan ito ni Dragon 'e. Ginawan pa ako ng challenge! Pero I'm so thankful pa rin sa kanya dahil hindi ko alam. Hihi XD Natatamad ako mag-explain Diary! Saka ko na lang sasabihin kung bakit ako thankful.

Proceed na tayo sa school Diary. Hindi ko naman na kailangang ikwento kung paano ako naligo, nagbihis, at sumakay ng tricycle upang makapunta sa eskwelahan.

So ayun nga, ikukwento ko na ngayon ang mga nangyari sa school. Importante lang ang mga sasabihin ko sa iyo Diary. XD

Na-i-distribute na ang ilang mga exams namin. Unang na-distribute ay ang Filipino Exam. I'm so happy lang Diary dahil ako ang highest. Congrats sa akin. XD Itinago ko agad ang exam ko para kung may nagtanong sa akin sasabihin kong mababa ang nakuha ko. Ayokong ipinapaalam sa kaklase ko ang nakukuha ko. Ewan ko ba kung bakit. Habang busy ang lahat sa pag-re-recheck ng exam biglang nagsalita ang Ma'am namin.

"Congrats pala sa nakakuha ng highest score natin," Natuon ang mga atensiyon ng kaklase ko kay Ma'am. "Palakpakan natin si Math!" Pagpapatuloy niya. Nagpalakpakan naman ang iba at yung iba naman parang insecure. Pinabayaan ko na lang sila Diary. Tama naman yun, diba? Mas magandang 'wag na lang silang pansinin.

Nagpatuloy ang klase namin. Pina-distribute na rin ng teacher namin sa Math ang aming exam. Kinakabahan ako sa mga panahong yun Diary. Alam mo kung bakit? Kasi kapag natatanggap ng mga kaklase ko ang exam nila parang disappointed sila tapos ang baba ng mga nakuha nila. Kinakabahan kong hinintay ang exam ko. Sa huli, wala akong nahintay. Lahat na ng kaklase ko ay meron na, sa akin na lang ang wala. Anong ibig sabihin nito Diary?

Pinuntahan ko ang teacher ko para tanungin ang nawawala kong exam. "Sir nasa'n po ang exam ko?" Tanong ko. Bigla namang tumayo ang teacher ko at may sinabi siya. "Hey everyone! For the first time may nakaperfect sa klase niyo," Nagtaka naman ang mga kaklase ko samantalang ako, hindi ko alam ang gagawin ko. "Tingnan niyo si Math. Siya lang naman ang taong nakaperfect ng exam!"

Hindi ko talaga alam ang naramdaman ko sa panahong 'yan Diary. Kapag ikaw Diary ang nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin mo?

Namangha ang mga kaklase ko sa narinig nila samantalang yung iba naman parang galit pa. Hindi ko alam Diary kung bakit sila ganyan. Huwag ko na lang sila ulit pansinin.

Lumipas ang oras at lunch break na namin. As usual mag-isa lang akong kakain dahil isa akong dakilang loner.

Habang busy akong kumakain, may isang grupo na balak yatang lumapit sa akin. Ang grupong 'yun ay kilala sa tawag na Mēān G!rlx na pinangungunahan ni Sussanna. Palapit sila nang palapit sa akin samanatalang ako naman ay busy lang na kumakain.

"Hey ugly pig!" Sabi ni Sussanna. Di ko na lang siya pinansin. Bahala siya magsalita. "Alam mo you are so selfish!" Nabigla naman ako sa sinabi niya! Hindi naman ako isda! Hindi ko pa rin siya pinansin.

"Alam naman namin na mandaraya ka. Dinaya mo ang mga exams natin kaya mataas ang mga scores mo!" Ano ba ang mga sinasabi niya? Hindi ko na 'to kayang tanggapin. Ang lakas pa ng boses niya kaya naririnig siya ng mga ibang estudyante.

"Pwede bang tumigil ka na?" Kalma kong sabi. "Bakit mo ako pinapatigil? Ayaw mo bang malaman nila na ninakaw mo ang answer sheets ng mga exam?" Napupuno na ako sa mga sinasabi niya. Hindi naman ito totoo.

"Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo?!" Galit na ako sa mga panahong' yan. Kahit sino naman siguro magagalit kapag sinabihan ka ng mandaraya at magnanakaw.

"Ayaw mo bang malaman nila ang mga ginagawa mo?" Sabi niya.

"Hindi ako mandaraya. Hindi ko kasalanan kung bakit mataas ang mga nakuha ko." Sagot ko. Napupuno na talaga ako. Kung wala lang kami sa canteen baka sinabunutan ko na siya!

"Hindi ko rin kasalanan na mababa ang nakuha mo! Alam kong ginagawa mo ito dahil INGGIT ka sa lang akin." Dagdag ko sa sinabi ko.

"How dare you!" Nagalit si Sussanna dahil sa sinabi ko. Tama naman ang ginawa ko, diba Diary?  Prinotektahan ko lang naman ang sarili ko sa mga sinasabi niya. Ayoko nang natatapakan ako kaya this time lalaban na ako!

"Alam mo Sussanna, baka ikaw ang mandaraya? At saka paano mo naman nasabing nagnakaw ako? Aminin mo na kasi na INGGIT ka lang sa akin! Kaya mo ginagawa ang mga ito kasi INGGIT ka!" Punong-puno na ako kaya ko nasasabi ang mga yan. Nakakainis na siya 'e.

Hindi na siya nagsalita. Pulang-pula na ang mukha niya dahil siguro sa hiya at galit. Gusto kong umalis sa harap niya pero ayaw ng mga paa ko. Hinintay ko na lang ang gagawin niya. Hanggang sa nakita ko ang kamay niya na dadampi na sa pisngi ko.

Hinintay ko na lang ang kamay niya na la-landing sa mukha ko. Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

Lumipas ang ilang segundo, walang dumampi sa pisngi ko. Anong nangyari? Bakit 'di na niya ito tinuloy?

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko SIYA na hinahawakan ang kamay ni Sussanna. Hindi ako nakapagsalita dahil sa nakita ko. Bakit niya ito pinigilan? Bakit siya nandito?

"Sussanna huwag mo nang uulitin ito." Ayan na lang ang sabi niya at umalis na. Naguluhan ako dahil sa sinabi niya.

Malayo na ang nalakad niya. Pero hinabol ko pa rin siya. Nang nalapitan ko na siya, sinabi ko sa kaniya na "Sa...salamat Ria." Nagulat siya sa sinabi ko. Bakit kaya siya nagulat?

"Huwag mo akong pasalamatan. Huwag mo sanang bigyan ng meaning ang ginawa ko Matty." Ayan ang sinabi niya. Kahit sabihin niyang huwag ko siyang pasalamatan, papasalamatan ko pa rin siya.

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Pinagmasdan ko na lamang siyang naglalakad palayo sa akin.

Bakit kaya ginawa ni Ria ang bagay na iyon Diary? May meaning ba yun? Ano sa tingin mo Diary?

Gusto niya na bang makipagsundo sa akin?

Please help me Diary. Ano ang gagawin ko?

Ito ang dahilan kung bakit naguguluhan ako ngayon. Magiging masaya ba ako Diary dahil sa ginawa niya o malulungkot dahil sa sinabi niyang huwag kong bigyan ng meaning ang ginawa niya?

Ang Matabang Naguguluhan Kay Ria,
MATH CHAVAH A. KOH

~*~

TANONG OF THE DAY:

Matatanggap niyo pa ba si Ria bilang maging kaibigan ulit ni Matty?

NOTE: Kailangan sagutin. Ang mga sagot niyo ay makakatulong sa mga mangyayari kay MATTY.

~*~

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon