Entry #6

2.9K 128 39
                                    

Tuesday

Dear DIARY,

DIARY! Grabe! Ang saya ng araw ko. Ewan ko kung paano ko sisimulan ang kwento ko sa iyo ngayon!

Magsimula na lang ako kung paano nag-start ang happy day ko Diary.

Nagising ako around 6:30 PM. Di na ako nakatimbang kasi late na eh. Siguro Diary pumayat ako? Choz! Pero sana!

Kumain ako ng 3 saging and uminom ng isang tasang milk. Kaso nakulangan ako sa saging, kaya kumuha ako ng bread at kinain ko Diary. Nakulangan ulit ako, pero hindi na ako kumain. REMEMBER? Diet-diet tayo ngayon.

After kumain, naligo na ako. Then pagkatapos, nagpaganda ako Diary kahit wala naman na akong igaganda. Kasi MAGANDA na ako.

Ang FEELING ko talaga! Pangit naman ako Diary.

(^v^)

Pumasok na rin ako sa aming paaralan. Nakita ko naman agad si Ria na nakaupo na sa upuan niya. Tumabi ako sa kanya at may sinabi siya sa akin.

"Matty, sino kaya ang bagong classmate natin?"

"Aba malay ko. Alam mong kararating ko lang. Pero, sino nga kaya siya?"

Bigla naman akong nakadama ng kaba ng naalala kong may bagong kaklase kami.

Ano kaya siya? Tao o alien?

Sana maging kaibigan ko siya! Wag din sanang bully.

Usap-usapan na rin pala siya dito sa room. Pinag-iisipan din nila kung sino siya. Kung lalaki ba o babae. Narinig ko pa ang sinabi ni Frederico na "May ibubully na naman."

╮(╯▽╰)╭

Di na talaga yun nagbago. Meron pa akong narinig galing kay Susanna, sabi niya "Lalaking gwapo yan for sure."

Kahit kailan talaga malandi.

╮(─▽─)╭

Yung ibang boys naman, walang pake, yung iba sinasabi na "Babae sana, kung lalaki yan ibubully lang talaga natin siya."

Isa rin pala yang mga yan.

╮(╯▽╰)╭

Dumating na si Ma'am Estrilita. Pero yung bago naming kaklase ay wala pa. Baka late.

Nag-umpisa nang magsalita  si Ma'am sa harapan.

"Good Morning class. I would like to introduce ang inyong bagong kaklase."

Pumunta siya sa labas at may tinawag siya.

"Halika na. Pasok ka na."

Pumasok na si Ma'am at nakasunod naman ang new classmate namin.

Nakita ko na siya. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa kakaibang aura niya. Yung iba naman ay tumatawa at may binubulong pa.

"Ang payat niya HAHA!"

"Gwapo sana kaso malnourished."

"Walang binatbat sa katawan ko. Ang payat niya."

Iba't iba pa ang narinig kong mga sakita. Iisa lang naman ang meaning nun.

MAPAYAT.

Oo MAPAYAT nga siya SOBRA! Wahahaha! Laugh trip Diary!!!

O(≧∇≦)O

"Quiet class. Iho ipakilala mo na sarili mo." Sabi ni Ma'am yan sa kanya.

"I am Mark Thin O. Payatas."

Walang dating niyang sinabi.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko dahil sa pangalan niya. Natawa din ako kasi nga THIN yung second name niya at surname niya pa ay PAYATAS parang payat haha!

(∩_∩)

Umupo siya sa vacant seat. Bakit hindi siya umupo sa tabi ko? Vacant naman ah? Kaso dun pa siya sa ibang vacant seat umupo.

Sayanggg. Gusto ko pa naman siyang maging kaibigan!

Pero ayos lang!

Natapos na ang klase at ang mga kaklase ko ay nagpunta kay Mark Thin. :D

Nangunguna na rito si Frederico. Baka ibubully niya.

"Ang payat mo naman Bro? Ready ka na ba sa pangbubully "

Binully nga.

(^~^)

Nabigla ang lahat ng nagsalita si Mark Thin Diary! Eto lang naman ang sinabi niya.

"Ang kapal mo naman na tawagin akong Bro? Di tayo close. Ibubully? Kung kaya niyo. Feeling mo bad boy ka? Oo BAD BOY ka. Kaso BAD BREATH ka!"

Nagsitawanan mga kaklase ko Diary. Haha! Napahiya si Frederico! Buti nga sa iyo.

Sumunod naman si Susanna.

"Hi there! I'm Susanna! How about you?" Malandi niyang sinasabi yan.

"Hindi mo ba narinig pangalan ko kanina? Ang bingi mo naman. Wala akong time makipalandian sa iyo. Hindi ako pumapatol sa mga malalandi like you."

W-O-W!!! Bilib na ako sa iyo Mark Thin!

(-^〇^-)

Nakakabilib siya SOBRA Diary!

Gusto ko sanang makipagkaibigan sa kanya kanina kaso huwag na lang baka mapahiya niya lang ako!

Pero, feeling ko parang pinagtatanggol niya ako.

Feeling ko haha. :D

Thank you God dahil pinadala mo siya sa room namin.

(^v^)

Sana maging close kami Diary.

Pero parang imposible HAHA!

Sige, hanggang dito na lang Diary!

PS Gwapo siya kaso payat.

Ang Feelingerang Baboy,
MATH CHAVAH A. KOH

#######################

WRITER'S NOTE

Dating gawi, vote and comment po! :D

 

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon