Entry # 23

918 52 25
                                    

Happy Birthday to ssuoiretsym !!!

×~×~×~×~×~×~×~×~

July 24, 2015
Friday

Dear DIARY,

Yes! Sa wakas Friday na. Hooooh! Tapos na ang aming exam. Happy ka na ba ngayon Diary dahil sinusulatan na kita?

Grabe lang, medyo nahirapan ako sa mga exams lalo na yung English. Pero kering-keri ko naman ang lahat. Sana lang maging okay ang result.

May itatanong pala ako, naniniwala ka ba Diary sa quotation na "Promises are meant to be broken."? E' kayong mga nagbabasa sa Diary ko, naniniwala ba kayo?

Kung ako tatanungin niyo, sa totoo lang na-gi-guilty ako. Gusto kong mag-sorry sa iyo Diary dahil nabigo ko ang PRAMIS ko sa iyo. Natatandaan mo pa ba ang pramis kong mag-da-diet na ako nung Monday? Diba sabi ko diet-diet na? Kaso nung mga panahong nagrereview ako, kain ako nang kain ng chocolates. Kaya feeling ko tumaba na naman ako. Promises are meant to be broken talaga Diary.

Sa ngayon, ayoko munang magpromise sa iyo Diary. Nabibigo kasi ako. Pero gagawin ko na ang lahat para pumayat na ako. Hihi xD

May mga ilang ikukwento ako sa iyo Diary. Unahin na natin ang tungkol kay Ria. Namimiss ko na siya. Sana ganon din ang nararamdaman niya sa akin. Pero may mga napapansin ako sa kaniya. Nararamdaman kong lumalapit na siya sa akin. Sign na ba iyon para sa kapayapaan namin? Nginitian niya kasi ako tapos nararamdaman kong sinasabayan niya ako pag lumalabas na kami. Halimbawa 'pag BREAK Time. Kapag lumabas ako lumalabas na rin siya. Gusto ko nga siyang kausapin e. Kaso baka naman mapahiya lang ako sa kaniya.

Sa tingin mo Diary, tama bang kausapin ko siya? O hintayin ko muna siyang kausapin ako?  (Pasagot. Please. XD Thanks.)

Pangalawa naman ay ang tungkol kay Thin. Hayyy. Ewan ko sa lalaking yun. One time kasi nahuli ko siyang nakatingin sa akin. E' sa mga panahong yun, nangungulangot ako. Grabe nahiya ako dun ng sobra. Namula ako sa kahihiyan at di na siya tinignan. Baka sa mga panahong yun pinagtatawanan na niya ako. -_- Gusto ko na ngang lumubog sa lupa nun e.

Pero sa mga panahong iyon, naramdaman ko na naman ang mga ipis sa tiyan ko. Kaya ko siguro naramdaman ulit yun dahil sa hiya. Sa hiya lang talaga at wala ng iba pa. Paano ba mapapaalis ang mga ipis? Uminom kaya ako ng pesticide?

Change topic na nga tayo. Pumunta naman tayo sa susunod na topic natin at sa totoo lang last na ito. Hayyy. Pasensiya ulit kung last na. Wala naman na kasing ibang nangyayari sa akin e.

Siguro ngayon alam mo na Diary kung sino ang pang-last na topic ko. Tsaka sino pa ba ang iba nating pag-uusapan? Kundi ang isang DRAGON!

Ang weird niya sobra. Di ko alam kung matatakot ba ako sa kaniya o matutuwa. Stalker ko yata yun e. Hirap talaga kapag maganda. Chos! Hindi ako maganda, mataba lang hihi. XD

Pero thanks to him, kung di ko siya nakilala baka puro kadramahan at kalungkutan na lang ang isulat ko sa iyo Diary. Hulog talaga siya ng langit.

So, pag-usapan na natin ang tungkol sa pagiging stalker niya.

Simula nung Tuesday hanggang ngayon, nakakaramdam ako ng goosebumps sa kanya. Everytime na pumapasok ako, tinetext niya ako ng "Aga mong pumasok!" at minsan naman "Malelate ka na Baboy. Ba't ngayon ka lang papasok?" Ayan ang mga tinetext niya pero hindi ako nagrereply, snob ako sa kanya e. Sa umpisa, di ko muna yun pinapansin. Tinatatak ko na lang sa isip ko na maghuhula siya.

Hanggang sa sumunod na mga araw, nahuhulaan niya pa rin kung anong oras ako pumapasok at umuuwi. Sa panahong yun, nakaramdam na ako ng takot dahil alam niya rin kung ano ang mga sinusuot ko. Nakakagrabe lang siya Diary.

Bakit niya kaya alam? STALKER talaga siya.

Dumating ang time na tinext ko siya ng . . .

"Hoy Dragon. Bakit mo alam ang ginagawa ko at mga sinusuot ko?"

Hindi naman siya nagreply nun. Hanggang sa tinadtad ko na siya ng "STALKER!" 100 times ko yata siyang tinadtad. Nagreply naman na siya sa panahong yun.

"Secret. :D"

Hindi ko na siya nireply-an nakakaasar kasi e.

Pero nakakakilabot talaga siya dahil sa mga pinagtetext niya sa akin. Ang kulit niya pero kahit ganun siya, okay na sa akin yun at least close na talaga kaming dalawa.

Hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung bakit siya naging manghuhula. Kaya tawag ko na sa kanya ngayon ay "DRAGON NA STALKER NA KAMUKAIN NG APOY!" Pero may bagong tawag na rin siya sa akin. "FEELINGERANG BABOY!" naman.

Mas okay na maging feelingera kaysa maging STALKER. Diba Diary? Hihi xD

Ayan lang naman ang kwento ko sa kanya ngayon Diary.

Ay WAIT. Meron pala!

Kanina nagtext siya sa akin.

"Oy Baboy. Jogging tayo bukas nang pumayat ka!"

Hindi ko siya nireply-an kasi snob ako at masungit ako sa kanya. Makalipas ang ilang minuto nagtext ulit siya.

"5:30 AM. Punta na ako sa bahay niyo. K. Bye. Wag ka nang magreply Baboy!"

Bigla naman akong kinabahan sa kaniya. Paano niya nalaman ang bahay ko?

I conclude that STALKER ko siya. -_-

Hindi na ako nagreply gaya ng sinabi niya. Snob kaya ako at masungit. Pero palusot ko lang yan kasi wala naman talaga akong load. :D

Sige Diary. Bye na. Nasiyahan ka sana sa mga kwento ko sa iyo. :D

Pupunta kaya ako bukas para mag-jogging?

Matatanggap ko bang makasama ang Matsu Ngit na yun sa pagtakbo ko? Kung ikaw Diary ang nasa sitwasyon ko, papayag ka bang makasama mo siya sa jogging? Hayyy.

May sasabihin pa pala ako Diary. Muntik ko nang nakalimutan. Sa last entry ko, nabasa mo ang PS ko. Yung 23 days to go na iyon ay BIRTHDAY KO!

Sa August 12 na ako magbe-birthday! Yehey! XD Pero wag ko munang isipan yan, isipin ko muna ang mangyayari bukas.

Bye na talaga Diary. :D Salamat sa pakikinig.

Ang Matabang Feeling,
MATH CHAVAH A. KOH

~×~

VOTE and COMMENT PLEASE! :D

Thank you!

AUTHOR's NOTE:

Congrats sa mga nakasagot ng tama sa last entry. XD Comment nga yung mga nakasagot! DM ko na lang sa inyo ang prize.

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon