Entry #21

1K 57 13
                                        

July 18, 2015
Saturday

Dear DIARY,

Limang araw na naman ang lumipas. Ang bilis talaga ng araw Diary. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Onti-onti ko na ring natatanggap ang mga nangyari pero 'di pa ako nawawalan ng pag-asa na magiging okay rin ako. Sa totoo lang Diary, medyo okay na ako sa ngayon. Alam mo kung bakit?

Una sa lahat, nakakayanan ko ng walang kasamang kaibigan nitong mga nakaraang araw kahit na medyo nakakadama ako ng lungkot.

Pangalawa, pinapabayaan ko muna si Ria na magalit sa akin. It takes time na mawala ang mga ito sa kaniya. Sana maging okay na kami. Tanging ayan lang ang mga pinapalangin ko gabi-gabi. Tsaka kung tunay niya akong kaibigan, babalik siya akin. Sana talaga bumalik siya.

Pangatlo, si ano. Kilala mo na siguro kung sino siya. Ayaw ko banggitin ang pangalan niya kasi . . . Malay ko. Basta. Hihi. XD Basta ang alam ko payat pa rin siya. Samantalang ako mataba.

Speaking of mataba, hindi na ako masyadong nakakadiet. Pagkain na lang kasi ang tanging kasama ko ngayon. Ipagkakait ko pa ba ang kasiyahan ko?

Sabi ni Bruno Mars "Happiness will find me." Naniniwala ako riyan. Pero bakit ganun? Ako ang humahanap ng kasiyahan ko?

Actually nitong mga nakaraang araw, medyo malungkot ako Diary. Kaya ngayong Sabado, hinanap ko ang kasiyahan ko. And alam mo kung ano ang nahanap ko? Hulaan mo nga Diary!

Kung hindi mo mahulaan, sige ikukwento ko na lang sa iyo ang nangyari ngayong araw. . .

-

Nagising ako ng may mga muta sa aking mga dalawang mata. Magtaka ka Diary kung may mga bato. Hihi. Joke lang. xD Pero seriously Diary, meron nga. Tinanggal ko ang mga muta ko at tumingin sa salamin.

Nakita ko lang naman ang face ng isang maganda at matabang babae ma kulang na lang maging isa siyang baboy. Naalala ko tuloy ang pag-da-diet ko. Kailan ko kaya yun maitutuloy? Kain kasi ako nang kain lalo na ngayon kasi malungkot ako.

Napansin ko rin ang mga mata ko na matatamlay na. Lagi na lang kasi akong malungkot. Kaya pati ang mga ito ay naaapektuhan na. Hayyyyy. Ano kaya ang gagawin ko?

Biglang may pumasok na mga impormasyon sa utak ko. At sa 'di inaasahang pagkakataon, bigla na lang itong lumabas sa bibig ko.

"Kailangan ko nang sumaya."

Ayan ang sinabi ko. Pero paano naman ako sasaya? Bago ko isipin yan, biglang tumunog ang tiyan ko. Ibig sabihin nun, nagugutom na ako. Pumunta na ako sa kusina at kumain na. Ang sarap ng mga niluto ng Tita ko. Bacon, boiled egg, at hotdog. Yummmyyyyy.

Nabusog ako sa mga kinain ko. Ang sarap kasi ng mga pagkain! Hinugasan ko na ang pinagkainan ko at naglinis na ng bahay. Ang sipag ko talaga.

After ko maglinis, mag-e-exercise sana ako kaso bigla akong tinamad. Kaya yung ginawa ko, nag-isip na lang ako kung paano sasaya. Una kong naisip ay ang kilitiin ang sarili ko. As if naman mapapasaya ako nun. Pangalawa, manood ng movies na nakakatawa. Ayoko naman yun. Masyadong corny. -_- Pangatlo ay ang magpunta sa mall. Bigla akong napangiti ng naisip ko ang mall! Kita mo, ngumiti na ako nung naisip ko na ang mall. Paano pa kaya kung nandoon na ako? Edi hahalakhak na! Pero mukha naman akong tanga pag humahalakhak ako sa mall mag-isa. Magmimistulang baliw ako pag nagkataon.

Ayun nga Diary, nag-ayos na ako ng sarili ko. Naligo, nagbihis, at nagready na ako. Then, pumunta na ako sa MALL!

Nakapunta naman na ako ng safe. Kaya lang nun nandun na ako. Wala naman akong maisip na gawin. Naglakad-lakad na lang ako Diary hanggang mapadpad ako sa isang bookstore. Pumasok ako doon and tumingin ng mga books! Hanggang tingin lang ako sa mga Wattpad Books. Ayoko bumili, nagtitipid ako e.

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon