Entry #5

3.1K 136 17
                                    

Monday

Dear DIARY,

 

Magandang gabi Diary! :D May magandang ibabalita ako sa’yo, for sure MATUTUWA ka!

Alam mo Diary, kaninang umaga nagising ako tapos tinimbang ko sarili ko.

Yung timbang ko nung before na nagpapapayat ako ay 97 kilos. Diba di naman ako masyadong mataba Diary? Bakit kaya ako tinatawag na baboy?

By the way, ang timbang ko na ngayon ay tumataginting na 96.4 KILOS!

Tagumpay ang pag-eehersisyo ko! Ayos lang kahit 0.6 KILOS ang nabawas. Ang mahalaga, nagWORK!

Galing ko talaga Diary!

(^v^)

Masayang-masaya akong pumasok sa school Diary, napansin pa nga ni Ria ang tungkol dito eh!

Habang nasa room kami bigla siyang tumabi sa akin at kinausap niya ako.

“Bakit ang saya mo yata ngayon Matty my friend?”

“Tagumpay. TAGUMPAY ako Ria!” Ayan ang sinabi ko sa kanya. Napaisip nga siya yata dahil sa sinabi ko.

“Tagumpay? Anong sinasabi mo? Nanalo ka bang lotto?” Takang-taka niyang tanong sa akin.

“Hindi ah! Tagumpay akong nabawasan ang timbang ko!” Buong galak kong sinabi sa kaniya yan!

“Weh? Parang wala namang pinagbago!” Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko!

“Nabawasan ako ng 0.6 KILOS Ria!!!”

“Wahahahah! Wahahahahaha! 0.6 KILOS? Wahahahah! KAYA PALA! WAHAHAHAHA”
Tawang-tawa naman siya sa akin Diary.

“Nice try FRIEND! Proud ako sa iyo.” Sinabi niya yan pagkatapos niya tumawa.Ewan ko kung totoo niyang sinabi yan o sarcastic lang.

PERO DIARY PROUD NA PROUD AKO SA SARILI KO DIARY! WAHAHA! :D

O(≧∇≦)O

Dumating na ang class adviser namin Diary, siya pala ang first subject namin tuwing Monday. Yung time niya ngayon ay free time! Pero may sinabi siyang announcement.

“Good morning class. May sasabihin lang ako. Bukas pala may bago kayong kaklase. Transferee siya. Bukas pa lang siya makakapasok.”

Sari-sari ang mga side comments ng mga classmates kong bully sa mga anunsiyong ito.

Like:

“May bagong ibubully.”

“Sana lalaking gwapo, para MALANDI ko! Gosh.”

“Hay. Ang dami-dami na nga natin dahil kay Matty, madadagdagan na naman.”

What! Walang hiyang kaklase yan. Nananahimik na nga ang tao eh!

“Hoy Frederico, alam kong mataba ako pero di ako madami. BALANG ARAW PAPAYAT AKO!” Napasigaw na lang ako sa kanya!

“In your dreams Matty Piggy! Wahahahahahah!”  Singit naman ni Susanna, ang Mean Girl sa klase!

“Haha! Taas pangarap ni Matty ah!” Sigaw ni Frederico.

Tawang-tawa naman ang mga kaklase ko sa sinabi niyang yan.

Tanging si Ria lang ang tanging hindi tumatawa.

“Don’t mind them Matty.” Pagcocomfort niya sa akin.

“Oo Ria. Thank you.”

Buti na lang naging kaibigan kita Ria.

(^~^)

Naging maayos naman na ang daloy ng araw ko Diary, pagkatapos ng pangbubully nila.

Bakit pa kasi lumaban pa ako sa kanila. Alam ko naming talo ako eh.

Pero OKAY na ako Diary.

(^ω^)

Sa ngayon, parang mayroon akong kakaibang nadarama dahil sa transferee na sinabi ng adviser namin.

Lalaki ba siya o babae?

Ano kaya name niya?

Gwapo? Maganda? O Pangit?

Mataba rin ba siya o Mapayat?

Sana maging kaibigan ko siya. :D

SANA!

 

 

 

 

Ang taong pursigidong pumayat,
MATH CHAVAH A. KOH

#######################

WRITER'S NOTE

Dedicated to Badz21_detchy ang gaganda ng comments niya! Ang hahaba pa! Thanks sa pagvovote haha! :D

Vote and comment! Comment ka na baka next entry ikaw na ang maidededicate ko!

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon