Entry #12

2.1K 72 15
                                    

Monday

Dear DIARY,

Ito ang unang araw para sa "Operation: Alamin ang KATOTOHANAN" na gagawin ko para malaman talaga kung sino ang babaeng kasama ni Payatot sa Mall.

Bago ko ikwento sa iyo ang first day of operasyon na yan. Sasabihin ko lang sa iyo na medyo okay na ako Diary.

Alam mo kung bakit?

Kaninang umaga, lantang gulay akong gumising. Wala akong balak pumunta sa school pero kapag naiisip ko yung operation thingy about kay Payatot parang may something na nagpupush sa aking pumasok.

Nagising akong gutom na gutom Diary. Pansin ko nga gumaan ako eh. Hehe joke lang. XD

Malungkot akong bumangon sa higaan ko. Parang ang bigat ng dinadala ko. Namumugto pa rin yung mata ko. Ang pangit ko na talaga Diary.

Paglabas ko sa kwarto ko, may NAAMOY ako!

May naamoy akong JOLLIBEE spaghetti, burger at fries! Sinundan ko ang amoy, aso ba ako Diary? Baboy na nga ako magiging aso pa!

Sinundan ko nga ang amoy, sa kusina nanggagaling yun. Nagningning ang mga mata ko nung nakita ko ang spaghetti, burger at fries! Pero para saan yun? Gusto ko na yung sunggaban!

Nakita ako ng Tita ko Diary. Natatawa pa nga siya kasi naglalaway na ako!

"Mukhang kailangan mo yan Matty. Inorder ko yan para sa iyo. Pansin ko kasing may problema ka. Ayan lang ang bagay na alam ko para mapasaya at matulungan kita."

Ang sweet naman ni Tita. May namuong kasiyahan sa aking mukha. Nilapitan at niyakap ko siya Diary.

"Thank you po tita. Huwag niyo po sabihin kay Mom and Dad ang tungkol dito ah?"

Nasabi ko na ba ang Mom and Dad ko ay nasa States? Nasabi ko na pala yun dati.

"Sige. Di ko sasabihin. LAMUNIN mo na yan!"

Nilamon ko na nga ang pagkain ko Diary.

Wala pa sigurong 1 minute naubos ko na ang lahat ng yun.

Dahil sa mga pagkaing iyon medyo naging okay na ako.

YEAH! :D Okay na ako kaso MEDYO pa lang.

Nagready na ako Diary para sa school pagkatapos ko lumamon.

Nalate akong pumasok ngayon.

Ang tagal ko kasing naligo at saka traffic pa.

Mabilis akong pumunta sa room. Alam kong pagagalitan ako ng teacher namin.

Naaalala niyo pa ba yung nangyari kay Mark Thin dati? Nalate siya saka pinagalitan.

Ganon ang mangyayari sa akin.

Habang papalapit ako sa room, kinakabahan ako. Paano na ito? Ayokong mapahiya.

Pagkarating ko, luckily wala pa yung teacher.

Buti na lang at nakikisama ang mga bagay sa akin.

Habang papunta ako sa upuan ko, pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko? Pumayat ba ako kaya sila nakatitig?

"First time mong nalate Matty ah! Ang dami mo sigurong kinain kanina!" Sigaw ng isa kong kaklase. Tapos nagtawanan naman ang iba.

"Tingnan niyo ang mata niya, lumaki. Umiyak ba yang matabang yan? Siguro naubusan siya ng pagkain!" Mas lalo namang lumakas ang tawanan nila.

Natapos lang sila sa kakatawa at kakaasar nang dumating na ang teacher namin. Di ko na sila pinansin. Bukod sa wala akong mood, masasayang lang ang oras ko kapag pinansin ko ang mga immature na yan.

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon