BUHAY PA BA KAYO? Comment kayo para mapatunayan kong nandiyan pa kayo. Baka kasi iniwanan niyo na ako! XD
AFTER 4 MONTHS, MAY UPDATE NA! SORRY KUNG NATAGALAN!
ENJOYYYYY!
O..O
August 1, 2015
Saturday
DEAR DIARY,
Malamig ang simoy ng hangin ang dumadampi sa aking matabang katawan, Diary. Nandito kasi ako sa aming bakuran. Umaga pa lang ay gulong-gulo na ang aking utak. Sino nga ba ang pipiliin ko sa kanilang dalawa, Diary?
Si Thin na aking GUSTO pero hindi ko KAIBIGAN?
O
Si Dragon na aking KAIBIGAN pero hindi ko GUSTO?
Pinipilit kong paganahin ang aking isip ngunit parang ito'y litong-lito rin sa sitwasyon ko ngayon. Sa bawat pagpili ko ay may isang taong masasaktan.
Kapag si Dragon ang pipiliin ko tiyak na mapapasaya niya ulit ako ngunit hindi ko malalaman ang sasabihin ni Payatot at maaari ring masaktan siya.
Kapag si Payatot naman, may posibilidad na magalit sa akin si Dragon dahil pinangakuan ko siya, Diary. Pero nalaman ko naman ang sasabihin ni Thin.
Kung titimbangin ko sila, pantay lamang sila. Pero Diary alam kong ako ang pinakamabigat dahil ako ang pinakamataba sa kanila.
Ilang oras kong pinag-isipan Diary kung sino sa dalawa ang pipiliin ko. Mabuting-mabuti kong pinag-isipan ang lahat. Alam kong matutuwa ang pipiliin ko pero alam kong yung isa malulungkot. Pinag-isipan kong ito ng buong-buo, Diary.
Pumasok na akong bahay, ihahanda ko na ang aking sarili para mamaya. Ako'y naligo na at nag-ayos. Sa katunayan, nahirapan akong pumili ng aking masusuot. Gusto ko kasing maging maayos sa kanyang harapan mamaya. Minsan lang mangyayari ang araw na ito, Diary. Kaya kailangang magpaganda ng sobra!
Handa na akong umalis sa aming bahay. Nagpaalam na ako sa aking Tita na may pupuntahan ako. Pinayagan naman niya ako basta huwag lamang daw akong magpapagabi baka raw ma-lechon ako ng de-oras. Pinabayaan ko na lamang si Tita ko. Alam ko namang mataba ako. Proud to be me, diba Diary? :D
Habang naglalakad ako Diary, labis akong kinakabahan sa mga mangyayari. Sana maintindihan ako ng taong di ko mapipili. Sana huwag siyang magagalit. Sana maintindihan niya ako.
I'm sorry Dragon, si Thin muna ang pipiliin ko sa ngayon.
Nakalabas na akong bahay at nag-aabang na akong masasakyan. Nang biglang may biglang nagsalita.
"Hey Baboy! Saan ka pupunta? Tara na ba ngayon sa mall?"
Pagkarinig ko ng salitang Baboy, kilala ko na agad kung sino siya.
"Dragon?"
"Parang nagulat ka yata? Yeah, it's me your stalker! Hindi pala ako stalker, magkapitbahay tayo kaya alam ko ang mga ginagawa mo." Nag-abang na rin siyang masasakyan namin. Di ako makapagsalita sa harap niya dahil nakokonsensiya ako sa hindi ko pagpili at nagulat ako dahil magkapitbahay lang pala kami.
"Sorry," sabi ko.
"Bakit ka nagsosorry? Dahil tinawag mo akong stalker?"
"Hindi yun Dragon,"
