Vote and comment please. XD
-
July 31, 2015
FridayDear DIARY,
Ano ba ang meron sa araw na ito? Hindi ko alam kung bakit naguguluhan na naman ako! Everyday na lang yata ako naguguluhan? Ano ba ang nangyayari sa akin? Explain mo nga Diary!
Grabe! I don't know what to feel! Magiging masaya ba ako o hindi? Hindi ko talaga alam! Tulungan mo ako Diary! Pero paano mo ako matutulungan kung hindi mo pa naman alam ang mga nangyari? Parang tang@ lang, diba? Kaya ngayon, magkukwento muna ako para hindi tayo maging mukhang tang@.
Friday morning, rain is falling. Umuulan na naman ngayong umaga. Ang sarap sanang matulog maghapon kaso ang problema may pasok ngayon. -_- Di bale wala namang pasok bukas kaya MATUTULOG ako magdamag! Teka? Parang may appointment yata ako bukas? Natatandaan mo ba Diary? Ako kasi hindi ko na matandaan. Hindi ko na matandaan na may pupuntahan kami bukas ni Dragon na kumakain ng apoy at hindi ko na rin matandaan na pupunta kaming Mall bukas dahil inaya niya ako. Hindi ko talaga maalala kung anong meron bukas. HAHA XD
Naghanda ang Tita ko ng aking makakain. Ang sarap nang niluto niya! Alam mo kung ano yun? Champorado lang naman at Tuyo! Hindi normal ang niluto niyang Champorado at Tuyo dahil SPECIAL ang pagkakaluto niya! Yung Champorado na niluto niya ay walang chocolate powder samantalang yung Tuyo naman ay basang-basa sa mantika at hindi maalat! Ang special, diba? Gusto mo tikman Diary? Sorry, hindi ako nag-she-share! Madamot kaya ako kapag FOODS na ang pinag-uusapan.
Sa sobrang sarap ng niluto ng Tita ko. Nakalimutan kong diet pala ako. So ngayon NASIRA lang naman ang aking diet. Huhu D: Ang sarap kasi ng Champorado na walang chocolate powder! Paano ko ba maaayos ang diet ko, Diary? Alam mo ba kung pa'no? Share mo naman!
Hinanda ko na ang sarili ko sa pagpasok. Mabilis lang naman akong natapos. Kaya ngayon, pupunta na ako sa school.
"Tita! Punta na akong school." Pagpapaalam ko. Lumingon siya sa akin habang nagwawalis. Bigla siyang tumayo at kinuha yung umbrella.
"Dal'hin mo 'tong payong." Sabi niya. "Tita 'wag na." Ayoko namang magdala ng payong kahit na umuulan ngayon!
"Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong. Napa-buntong-hininga ako dahil sa tanong niya. "Dal'hin mo na." Inabot na niya yung payong. "Tita ayoko po." Sagot ko. Ayoko naman talagang nagdadala ng payong! Nakakasira kaya ng beauty! Joke lang. Wala naman akong beauty. FATS lang ang meron. HIHI XD
"Bakit ba ayaw mo?" Ang kulit naman kasi ni Tita.
"Ayoko talaga Tita," Napabuntong hininga ulit ako. "Bakit nga?" Huminga ako ng malalim at sinabi ko ang rason.
"Baka kasi pagkamalahang akong si Rihanna kapag naka-UMBRELLA ako!" Biglang napatawa ang Tita ko. Hindi ko alam kung bakit siya tumatawa. Totoo naman ang sinasabi ko! May nakakatawa ba Diary sa sagot ko? Kung meron sabihin mo kung ano! Hihi XD
"Hindi ka pagkakamalahang si Rihanna, Matty!" Tawa pa rin siya nang tawa! "Bakit naman po?"
"Ang payat kaya ni Rihanna." Pabulong niyang sabi pero ang totoo narinig ko naman!
Umalis na ako ng bahay at pinabayaan ko na si Tita ko na tawang-tawa sa sinabi ko. Hindi ko na dinala ang umbrella dahil baka nga pagkamalahan akong si Rihanna.
Pumunta na akong school. Sa kabutihang palad, nakarating naman ako ng ligtas. Pagkapasok ko sa room namin, as usual walang pumapansin sa akin. Tinignan ko ang upuan ni Ria kaso hindi pa siya dumadating. Bakit niya kaya ako pinagtanggol kahapon? Siguro makikipagbati na siya sa akin. Gustong-gusto ko nang makipagbati siya sa akin. Kailan niya kaya gagawin yun?