Friday
Dear DIARY,
Ngayon na ang araw Diary.
Ngayon na ang araw na kakausapin ko siya.
Ngayon na nga yun Diary.
Pero
Wait
Bakit ganun?
Nagising ako Diary ng masaya!
Alam mo kung bakit? Kasi ngayon ko na nga kakausapin si payatot!
Tumayo na ako sa bed at sinabi ko sa aking sarili na . . .
"AJA! Fighting!"
Mukha akong tanga Diary, noh?
Pero ayos lang!
Maaga akong nakapasok sa aming paaralan Diary. Pang-apat ako sa pinakamaagang pumasok.
Di naman ako excited noh Diary?
Unti-unting nadadagdagan ang mga pumapasok sa room namin.
Dumating na rin si Ria. Nagtaka pa nga siya dahil ang aga ko pumasok.
"Hey Matty! Why so early ka pumasok ngayon?" Sabi niya habang ibinababa ang kaniyang bag sa desk.
"Ang arte mo naman magsalita! Gusto ko lang Ria na pumasok ng maaga. Aangal ka? Haha xD joke."
After kong sinabi sa kaniya yan. Tumingin-tingin ako sa paligid para tingnan kung si Mark Thin ay dumating na.
Pero sadly.
Wala pa siya.
"Mukhang may hinahanap ka ah?" Takang tanong sa akin ni Ria.
"Wala naman." Pagsisinungaling ko.
"Ah. K."
Malapit na mag umpisa ang klase. Isa na lang ang wala sa amin.
Si Mark Thin.
Hinintay ko siya ng hinintay hanggang dumating na ang teacher namin.
Baka late lang yun Diary.
Hindi ako makapagfocus sa klase. Hinihintay ko lang siyang dumating.
Pero tapos na ang first, second, third and last subject, wala pa rin siya.
Lunch break na. Kumain na kami. Di nga ako nakakain ng maayos.
Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa room.
Tumingin-tingin ako sa paligid.
Pero
Wala pa rin siya.
Nagdaan ang oras, uwian na namin. Umuwi ako ng malungkot.
Bakit absent siya?
Ayaw ba ng tadhana na maging magkaibigan kami?
Kahapon. Diba gumawa ako ng deal? Pag di ko siya nakausap ngayon, titigil na ako.
Kagagawan ba ito ng tadhana?
Ayaw ba niya kaming pagtagpuin?
Titigilan ko na ba siya talaga?
Oo o hindi?
Diary, please help me.
Ang Matabang NAGPAPATULONG,
MATH CHAVAH A. KOH###########################################
Mga readers! Tulungan niyo si Matty kung titigil na ba siya o hindi!Comment lang kayo kung oo o hindi. Kung gusto niyo lagyan ng dahilan pwedeng pwede.
Wag niyo kalilimutang magVOTE!!!
Please VOTE and COMMENT.
THANK YOU!
