Entry #24

1K 49 25
                                    

July 25, 2015
Saturday

Dear DIARY,

Hey yow Diary. :D

Nakakapagod ngayon grabe! Feeling ko ang payat ko na. Kaso feeling lang yun di naman totoo. Mataba pa rin ako. Hihi xD

Alam mo ba Diary kung ano ang ginawa ko? Natulog lang naman ako magdamag.

Kung tatanungin mo ako kung nag-jogging kami ni Dragon. Isang malaking HINDI ang sagot ko sa iyo Diary.

Disappointed ka ba? Ayan naman ang gusto kong mangyari sayo ang ma-disappoint! Ahahahaha. Ang sama ko. Pero kahit masama ako Diary, loves pa rin kita!

Joke ko lang ang mga pinagsasabi ko sa iyo Diary. Niloloko lang kita ngayon. Actually nag-jogging talaga kami ni Dragon. Si Dragon na ang nag-aya, TATANGGI pa ako? Siya na nga lang ang kaibigan ko, aartehan ko pa siya?

Gusto mo malaman kung anong nangyari ngayon Diary? Tanungin mo na lang yung Dragon, kasama ko naman siya kanina e'. XD Joke ko lang ulit, sige na nga ikukwento ko na . . .

Kaninang umaga, ang aga ko nagising. 3:30 AM pa lang yata gising na ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagising ng ganyang oras basta ang alam ko nag-ayang mag-jogging si Dragon at pupunta siya rito sa bahay mamayang 5:30.

Medyo naguguluhan nga ako sa kaniya. Una sa lahat, paano siya pupunta rito sa bahay e' di naman niya alam kung saan ang bahay namin. Pangalawa, anong nakain niya at gusto niyang mag-jogging kami, gusto niya ba talaga akong pumayat? Pangatlo, PUPUNTA BA SIYA RITO? Di ko alam kung nag-jo-joke lang siya kagabi. Pupunta ba talaga yun? Baka naman pinapaasa niya lang ako?

Nag-iisip ako ng mga gagawin ko kaninang madaling araw. Ba't ba naman kasi nagising ako ng ganung oras? Di rin naman ako sure kung pupunta ba talaga yun. Pinilit kong matulog ulit kaso ayaw naman ng mga mata ko. At saka gumugulo pa rin sa isipan ko si Dragon. Pupunta ba talaga yun?

Isip talaga ako ng isip sa mga panahong yun Diary. Di ko na rin namalayan ang oras dahil sa kakaisip ko. Sa sobrang kakaisip ko ng gagawin ko, nakita ko na lang ang wall clock namin na 5:00 AM na. Nakatulong din pala ang pag-iisip ko ng mga gagawin ko para makonsumo ang oras ko. Haha. XD

Naghilamos na ako sa mga oras na yun. Nagsapatos at nagpalit na rin ako ng outfit ko. Lumabas na ako ng bahay siguro mga 5:15 AM yun Diary. Kung hindi siya pupunta, mag-isa na lang ako tatakbo. Kung hindi rin siya pupunta, 'di ko siya papansinin.

"Good morning Baboy!" Biglang may nagsalita. Halata ko naman na kung sino yung lalakeng yun. Sino pa ba ang taong nagtatawag sa akin ng Baboy?

Hinanap ko siya kaso di ko naman siya mahanap.

"Asan ka Dragon?"

Hindi na siya nagsalita. Pero nararamdaman kong nandito ang aura niya. Makalipas ang ilang minuto lumabas na rin siya. Alam mo kung saan siya galing Diary? Nagtago lang naman siya sa garden namin. -_-

Pinagpag na niya ang damit niya at nagsalita ulit. "Diba sabi ko sa iyo 5:30? 5:15 pa lang a!" Sabay tingin sa relo niya.

"Pake mo ba?" Pagsusungit ko ulit sa kanya. Komportable kasi akong sungitan yang Dragon na yan.

"Miss na ako noh?" Kapal ng mukha niya.

"Your face!" Ang taray ko talaga! Ahahaha. XD Hindi na siya nagsalita at bigla na lang tumakbo. "Hoy Dragon! San ka pupunta?" Hinabol ko siya.

"Diba mag-ja-jogging tayo?" Sabi niya pero masungit na rin siya.

"Oo mag-ja-jogging. Ba't ka tumatakbo?" Tumatakbo kami habang nag-uusap. Grabe, takbo talaga 'tong ginagawa namin. -_-

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon