SUNDAY
Dear DIARY,
Linggo ngayon Diary, obvious naman diba? Kasi nakalagay na sa taas.
Pero Diary Linggo ngayon kasi kahapon Sabado.
Pasensiya pala Diary kung hindi ako nakapagsulat kahapon kasi alam mo na si MR. AUTHOR ang tamad i-update ang buhay ko.
"HoyMATTY! Umayos ka diyan!"
Aayos na nga!
Peace Mr. GWAPONG Author ✌✌✌!
"Good."
Nagpa-uto naman. Haha! Uto-uto.
"May sinasabi ka pa ba diyan?"
Wala. Wala Mr. HANDSOME Author.
(∩_∩)
Back to the topic tayo Diary, kahapon nga sabado. Alam mo ang ginawa ko kahapon?
Nagdiet at nag EXERCISE lang naman ako Diary!
5 AM ako nagising kahapon Diary. Nagjogging ako mga 1 kilometer yun Diary. Pagkatapos ko magjogging, 10 sit-ups naman ang ginawa ko. Nagtalon talon din ako Diary!
Tapos Diary habang nag eehersisyo ako, narinig ko ang sigaw ng tita ko mula sa loob ng bahay.
"AH MATTY! LUMILINDOL! LINDOL!"
Paulit-ulit niyang sabi yan. Hanggang sa lumabas siya at nakita niya akong tumatalon. Tinitigan ko siya ng masama. Tapos sinabi niya na "Ayos ba ang acting ko Matty?" Acting daw? Obvious naman na nagsisinungaling siya at akala niya naman talaga niya lumilindol.
Ganun na ba talaga ako kataba Diary para makapagcreate ng earthquake?
Tinuloy ko ang pag-eehersisyo ko, hindi na lang ako nagtalon-talon. Puro sit-ups na lang ginawa ko.Hoooh. Napagod ako dun Diary.
SOBRANG NAPAGOD.
╮(╯▽╰)╭
After ko nag-exercice Diary, kumain na ako ng breakfast. Alam mo kinain ko?
Saging.
Oo SAGING Diary.
Effective daw yung saging sa pagpapapayat eh.Kaso Diary yung saging na kinain ko ay siguro mga 20 pieces.
Hindi naman na siguro ako tataba dun noh Diary?
Saging naman eh.
Yan lang naman Diary ang importanteng nangyari sa akin kahapon.
(^▽^)
Ngayong Linggo naman ang pag-usapan natin Diary.
Kaninang umaga nagsimba ako Diary. Oo Diary nagsisimba ako haha!
After ng simba, siyempre kakain ako sa labas with me, myself and I.
Papasok na ako sa Jollibee nanh may naisip ako. Magjojollibee ba ako? Wag na lang DIET eh.
Pero pupunta akong McDo! Mas maganda dun eh!
KAKAIN NG AKO FRIES AT BURGER!
MY HAPPINESS!
Ayan nga Diary. Kumain nga ako. Haha! Sharap.
(^v^)
After ko kumain Diary. Umuwi na akong bahay.
Natulog.
Nanuod.
Kumain.
Ayan lang naman ang ginawa ko sa bahay kanina Diary. :D
Hindi ako masyadong nakapagDIET ngayon ah.
Di bale.
BUKAS MAGDADIET NA AKO!Ge Diary. Hanggang dito na lang. Haha!
Monday na pala bukas.
I hate Mondays kasi back to school ulit.
Ang NAGPAPAYAT,
Math Chavah A. Koh#############################
WRITER'S NOTE
Dedicated to Jessizzle22, anh dami niyang comment at nagvovote siya! Nakakatuwa sobra. Sana pagpatuloy mo pa haha!
VOTE and COMMENT pleaaaaaaaaaasssssssseeeeeee!!!!!!!!