Entry #25

933 45 64
                                    

July 28, 2015
Tuesday

Dear DIARY,

Grabe. Hindi ako makapagfocus sa pag-da-diet ko! May bumabagabag kasi sa akin e'.

Alam mo ba kung ano iyon Diary?

Hindi yun tao. Kundi isang sakit na wala pang lunas. Hindi naman ito malubha at hindi naman ito nakakamatay Diary.

Ito ay nagsisimula sa letter K at nagtatapos sa letter N.

9 letters siya Diary.

K _ _ _ _ _ _ _ n

Nahulaan mo na ba Diary kung ano ito? Sige bigyan pa kitang clue.

K _ t _ m _ _ _ n

Alam mo na siguro kung ano iyan? Kung hindi pa, ewan ko na lang. -_-

Kung hindi mo pa talaga mahulaan kung ano 'yan. Sige sasabihin ko na kung anong sagot.

K A T A M A R A N

Hindi pa ako lubayan ng katamaran na yan.

Gusto kong isipin kung paano ako magsisimulang mag-diet kaso tinatamad akong mag-isip e'.

Nararanasan mo rin ba yan Diary? Alam mo ba kung anong lunas nan? (Salamat sa sasagot!)

Maiba nga tayo ng topic, ayokong pag-usapan ang katamarang yan baka tamarin pa akong magkuwento sa iyo ngayon.

Actually wala naman nangyaring maganda sa 'kin ngayon. Normal lang naman ang mga nangyari. Pumasok akong school, nag-discuss ang mga teacher, nag-check ng exam namin, kumain sa canteen at marami pang iba.

Hindi na rin pala ako nabubully ngayon. Nagsawa na siguro sila Diary? Yehey. Buti na lang!

Kung tatanungin mo si Ria, maayos pa rin naman siya. Pero pansin ko wala rin siyang kaibigan. Loner din siya kagaya ko. Gusto ko sanang makipagbati na sa kanya kaso nahihiya ako. Na-realize ko na dapat siya ang magsorry sa akin kasi 'di ko naman talaga kasalanang gustuhin si Thin. Pero sana talaga bumalik na kami sa dati naming samahan.

Kung tatanungin mo naman si Thin, as usual payat pa rin. Pero gwapo pa rin sa paningin ko. Ano ba itong pinagsasabi ko!? Pero totoo namang gwapo siya, masama na bang magsabi ng totoo Diary? Loner pa rin naman siya, no friends pa rin gaya ng dati.

Pare-parehas pala kaming loner. Bagay kaming tatlo na mag-sama-sama. Kaso ang problema, dalawa kami ni Ria na may gusto kay Thin. Bakit ba naman kasi kami nagkagusto sa isang lalake?

Papayag ka ba Diary kung kaibiganin ko si Thin? Kaso ang iniisip ko paano si Ria?

Anong mas magandang unahin ko Diary, ang hintaying makipagbati sa akin si Ria o makipagkaibigan na lang kay Thin? (Pasagot ulit.)

Sana matulungan mo ako Diary.

Ayan lang naman ang sasabihin ko sa iyo ngayon Diary. Wala naman ng iba.

May balak pala akong sabihin, tungkol na naman ito sa isang Dragon. Sa sobrang busy kong ikwento ang mga nangyayaring maganda sa amin. Nakalimutan ko na siyang i-describe.

Sige, tutal wala naman na akong makwento. I-de-describe ko na lang lang siya.

Si Dragon ay matangkad pero I think mas matangkad si Thin ng kaunti.

Medyo mahaba ang buhok niya at kulay black ito. Kaya sa tuwing nagkikita kami lagi itong nakataas. Bagay niya ang nakataas ng buhok. Hihi XD

Gwapo naman siya. Kaya ko nga siya pinayagang makipag-share siya sa akin ng table sa mall dahil sa kagwapuhan niya. Siguro kahit ikaw Diary ang nandun papayagan mo rin.

May laman-laman naman siya hindi kagaya ni Thin na mapayat. Sa tingin ko, may abs yun. Itanong ko nga sa kanya kung meron siyang abs kapag nagkita kami.

Sa tingin ko rin na ideal boyfriend siya lahat ng babae. Mabait kasi siya at hindi pikunin. Masarap rin siyang kasama dahil hindi ka mabobored dahil sa mga jokes niya. :D

Sarap niyang maging kaibigan. XD

Ayan lang naman ang alam kong mga details niya. Wala ng iba. :D

Kung tatanungin niyo ako kung sino ang mas gwapo, si Thin ba o si Dragon? Ang sagot ko lang naman ay parehas silang dalawa.

Pero may isa silang pagkakaiba.

Si Thin ay GUSTO ko pero hindi ko siya kaibigan.

Samantalang . . .

Si Dragon ay KAIBIGAN ko pero hindi ko siya gusto.

Bago ko tapusin ang entry ko ngayon Diary. May sasabihin lang ako. Si Dragon pala ay nagtext sa akin kagabi.

"Oi Baboy! Pwede ka ba sa Sabado? Gala ulit tayo."

Ayan ang text niya. Di ko siya ni-reply-an dahil wala naman akong load.

Papayag ba akong maging kasama siya ulit? For sure papasayahin niya na naman ako! Papayag ba ako Diary? Yes or No?

Sige. Hanggang dito na lang. BYE! :D

Ang Matabang Tamad Mag-Diet,
MATH CHAVAH A. KOH

~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~

SINO ANG TEAM DraBoy?  Comment kayong "DRAGON XD"

SINO ANG TEAM MaThin? Comment kayong "PAYATOT <3"

Sana mag-COMMENT ka. Thank you!

VOTE please. Thanks. :D

DAHIL SHORT UPDATE NGAYON MAY NAISIP AKONG PAKULO PARA MAKABAWI. MAG #AskMATTY TAYO. COMMENT KAYO NG MGA TANONG NIYO AT SASAGUTIN NI MATTY. KAHIT ANONG TANONG BASTA MASASAGOT NIYA.

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon