July 1, 2015
WednesdayDear DIARY,
Nilagyan ko na ng date 'tong entry ko ngayon. Bigla kasing may bumulong sa akin kanina habang kumakain ako.
"Sa susunod na magsulat ka sa Diary mo, lagyan mo na ng date."
Diba ang creepy? Pero imbis na matakot ako, sinunod ko na lang!
May aaminin pala ako Diary, sana 'wag magalit. Yang mga pinagsasabi kong yan ay hindi totoo!
Una sa lahat, walang bumulong sa akin!
Pangalawa, hindi ako kumain!
HALER! Diet kaya ako! Ayoko nang madagdagan pa ang timbang ko!
Speaking of timbang ko, kaninang umaga pala nagsit-up ako. Kaso 5 lang na beses. Ayoko namang magmukhang pagod sa school pag pumasok ako. Gusto ko fresh!
At saka hindi ako kumain ng rice. Pinapak ko na lang ang ulam kong 3 hotdogs. Bitin na bitin nga ako eh! Pero ayos na 'to, for the sake of my diet-diet.
Tiis-tiis lang.
Kaninang umaga rin,napagdesisusyanan ko nang gawing mag-isa ang scrapbook namin ni Mark Thin. Bahala na siya. :(
Pero sana tulungan niya pa rin ako. Kaso mukhang ayaw niya talaga.
Gagawin ko na lang talaga ito mag-isa Diary. Tutal sanay na ako mag-isang gumagawa ng project.
Ako kaya si Matty, basta may tiwala sa sarili nagagawa ang lahat!
AJA!
Pumasok na rin akong school Diary. Gusto ko sanang maglakad na lang kaso medyo malayo at isa pa male-late na ako. Pero next time gagawin ko, para naka-excercise ka na, nakatulong ka pa sa nature!
Pagkapasok ko kanina, iba-iba yung pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Mayroong about sa ginawa nila kagabi, about sa scrapbook at about sa nangyari sa Forevermore.
Pinag-uusapan nila kung saang Team daw sila. Team Superman ba o Team Batman.
Kung ako tatanungin, Team Foods ako eh! HAHA xD
Pumunta na ako sa upuan ko at kakausapin ko pa si Ria.
"Hi Ria! Kamusta na yung scrapbook niyo?" Sabi ko sa kanya.
"Ayos naman. Uumpisahan na namin mamaya. Sa inyo kamusta?" Pagtatanong niya sa akin.
"Sa amin? Ayaw nga akong tulungan ni Mark Thin! Pero mamaya kakausapin ko siya." Ika ko.
Biglang hinanap ng mga mata ko si Mark Thin. Nakita ko naman siya na walang ginagawa.
"Bakit? Grabe naman siya." Sabi niya.
"Wait lang Ria. Pupuntahan ko lang si Mark Thin."
"Sige."
Iniwan ko na si Ria at agad kong pinuntahan si Payatot sa kinauupuan niya. Sana magbago ang isip niya na tulungan ako.
"Oi Mark Thin. Sure ka na ba talaga na hindi mo na ako tutulungan?"
Medyo nahihiya kong sabi sa kaniya yan. At saka parang okay na siya ngayon. Hindi mo na rin makikita yung galit at lungkot sa mukha niya na naroon kahapon.
"Hindi at ayoko." Maikli niyang sabi.
Medyo may konting kilig akong nadama nang sinabi niya yan. Abnormal na ata ako. Tsaka yung boses niya ngayon ay hindi na pagalit.
"Ayaw mo talaga? Ang sama mo." Ika ko.
"Kaya mo yan mag-isa." Naniniwala ba siyang makakaya ko?