Entry #15

1.9K 54 83
                                    

July 3, 2015
Friday

Dear DIARY,

First monthly exam is OVER! Lets party! Hehe joke. Ayoko magparty. Diet pa rin ako. Mahirap kaya magpapayat!

Di ako nakasulat kagabi. I'm so sorry Diary. Nagreview kasi ako buong magdamag para sa exam ko ngayon. Okay naman yung resulta ng paghihirap ko kasi medyo nadalian ako sa mga examinations.

Kung tatanungin niyo ako kung ano na ang lagay ng scrapbook namin, di ko muna sasabihin kasi may ikukwento muna ako.

May nangyari palang kahina-hinala nung gabi ng Miyerkules pagkatapos ko magsulat sa iyo Diary.

Bigla kasing may nagtext sa cellphone ko. Number lang siya kaya di ko kilala.

"Hi fUh."

Ayan ang text niya. Medyo jeje kaya hindi ko na nireply-an. I hate jejes kaya.

Lumipas ang limang minuto. Nagtext ulit siya.

"D0n't sn0b m3."

That time. Nireplayan ko na siya. Tsaka nako-curious na rin ako kung sino siya.

"X!n0 cKa fUh vaH?" (Sino ka po ba?) Textback ko.

Ganda ng style ng text ko noh? Gusto mo matutunan? Hehe.

"I'm MaRk Th!n."

Sino siya? Si MARK THIN! Waaaah! Nakakahiya.  Ano irereply ko sa kaniya? Di ako makaisip. Teka? Paano niya nakuha number ko? Halla! May gusto ba siya sa akin kaya nakuha niya number ko?

"I g0t ur nUmb3r sa I.D. mo."

I.D.? Wait? Nasaan pala yung I.D. ko? Hinanap ko muna ito sa bag ko. Kaso wala. Nasaan na siya? Paano ako makakapasok sa school kung wala yun!

"Ung I.D. m0 ay nAnd!t0."

Thanks God! Nasa sa kaniya! Pero paano naman napunta sa kaniya yun?

"Nak!Ta k0 I.D. m0 sA uPuaN k0h."

Teka? Mind reader ba siya? Kada may itatanong ako sa isip ko, irereply niya naman ang sagot! Ang creepy niya. Nakikita niya ba ako? Maitanong nga sa isip ko kung pwede ko ba siyang maging kaibigan.

Lumipas ang tatlong minuto, wala siyang reply. Mukhang hindi nga siya mind reader. -_-

Tinext ko na lang siya.

"Añ0 bHa cKelAnGan m0H?" (Ano ba kailangan mo?)

Wala pang isang minuto nagreply na siya. Mukhang hinihintay niya ang reply ko. Kinilig naman ako. Hehe. :)

"IteXt m0 s4 ak!n kUng aN0 mgA ka!LanGan sA xcRapbo0k."

Tutulungan na ba niya ako? Yes! Nagbago na isip niya. Siguro natauhan siya sa mga paawa effect ko. Yehey. I'm so very happy!

"Bibigyan kita ng 3 minutes para itext lahat. Kung di ka aabot. Pasensiyahan na lang."

THREE MINUTES! Paano yun? Nagtype na ako ng sobrang bilis. Hindi ko na ginamit ang favorite kong style na jejemon. So ayan ang kinalabasan sa kakamadali ko.

"Ksilanhan mg fanoly oictures tapis puctires ng bwat mrmbers sa fanilt. Explantipn din. Iship ka rim ng drsigns at mGs illafay."

Ang daming typo! Paano yan baka di niya maintindihan?  Kung uulitin ko baka di na ako umabot sa 3 minutes. Bahala na lang siya umintindi.

Lumipas ang segundo, minuto at oras hindi na siya nagreply! Nabasa niya ba yung text ko? Baka hindi naman ako umabot sa 3 minutes?

Ayan ang nangyari sa akin Diary nung gabi ng Miyerkules. Hindi na siya nagreply nung gabing iyon. Kaya nagreview na lang ako Diary.

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon