Entry #10

2.4K 86 22
                                    

Saturday

Dear DIARY,

Magandang gabi sa iyo!

Wala kaming pasok ngayon kasi Sabado.

Alam mo Diary, 2 nights na akong walang tulog. Ang pangit na ng itsura ko! Gravity!

Kainis kasi si Mark Thin eh. Simula kasi nung tinulungan niya ako, nagugulo na ang mga gabi ko at utak ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

Tapos alam mo kapag walang tulog, mas lalo kang tataba. Galing yan kay Mr. Google Diary kaya paniwalaan mo. Search mo pa kung gusto mo. Hihi xD

Pero seriously titigil na ba ako? Titigilan ko na ba ang aking gusto na kausapin siya para kami ay maging magkaibigan?

Yang tanong na yan Diary ay nasagot na. OO nasagot na. Alam mo kung bakit? Nasagot na yan dahil sa nangyari ngayong araw.

Ang daming mga nangyari ngayon!

Kaya uumpisahan ko na ikwento!

Kaninang umaga, habang naglilinis ako ng bahay (sipag ko noh?) biglang tumawag si Ria. Actually magkatext na kami.

"Magandang buhay my Matty! Tarang mamasyal ngayon." Ayan ang sabi niya sa akin.

"Huh? San naman?" Taka kong sagot sa kaniya. Anong nakain niya at niyayaya akong mamasyal?

"Sa Mall! xD" masigla niyang tugon.

"Wala akong pera ngayon Ria." Sabi ko. Pero joke lang yun may pera ako. Natatamad kasi akong maglibot.

"Papautangin kita. Sige na. Please." Pagpapaawa niya.

"Sige try ko. Text na lang kita kung pupunta ako."

"Hmp. Pupunta ka. Kitakits tayo sa tapat ng school 10 AM."

In-end niya na ang call Diary. Wala na akong magawa. Pupunta ako haha. Yung mall dito ay sa kabilang bayan pa pero malapit lang naman yun. 20 minutes ang biyahe.

Mabilis lumipas ang oras Diary. Mga 9:45 pumunta na ako. Saktong pagdating ko sa skul nandun na rin si Ria. Halos kakarating niya lang din. Kaya nag-abang na rin kami ng jeep.

Nakarating naman kami ng maayos sa mall. Medyo kakabukas pa lang nito kaya mabibilang pa lang ang mga tao.

First destination namin ay sa National Bookstore. Mahilig kami ni Ria sa books lalo na ang mga galing sa wattpad.

Ang daming mga books sobra. Pero yung gusto namin ni Ria na book ay wala na. Naubos na. Kaya luhaan kaming lumabas sa bookstore.

Gusto mong malaman kung ano iyon Diary? Secret ko na yun. hehe.

Ang tagal din naming naghanap ng books. Siguro mga 30 minutes.

Next namin na pinuntahan ay sa tindahan ng pen o mas kilala sa tawag na Penshoppe! Ang waley ko grabe. HAHA xD Joke lang yun ah.

Pumunta rin kami sa shop ng mga damit, shoes at kung ano pa. Wala kaming binili haha. Lilibot lang.

Naiinis pa nga kami sa babaeng sunod nang sunod sa amin. Sales lady ba sila? Tama ba haha. Tapos tanong pa sila nang tanong kung anong kailangan namin. Gusto ko sanang sagutin ng "Pagmamahal po. Meron po kayo?"

Pero sa kabila nun. Enjoy na enjoy pa rin kami.

Mga 1:30 PM na kami kumain. Di namin namamalayan yung oras. Ganun ba pag nag-eenjoy?

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon