July 6, 2015
MondayDear DIARY,
This is the day! Ito na talaga ang araw na kung saan iprepresent na namin ang aming scrapbook.
Bago ko ikwento ang lahat sa iyo Diary, may mga ilang sasabihin ako. Una sa lahat, bakit ako kinakabahan sa gagawin kong pagrereport? Pangalawa, bakit excited akong magpresent? Ayan ang mga gumugulo sa isip ko kanina at nung natapos na ang reporting namin. Yang mga katanungan na yan ay nasagot na Diary. OO NASAGOT NA. Gusto mong malaman? Sige, isusulat ko na!
Ang pangit ng gising ko kaninang umaga, nakakainis hindi ako nakatulog kagabi! Siguro around 2 AM na yun? Alam mo ba kung bakit ako napuyat? Kasi nagbasa pa ako sa Wattpad! Hihi xD Excited at kabang-kaba kasi ang nararamdaman ko kagabi kaya para mawala ang mga yun nagbasa na lang ako. Effective naman kaso late naman na ako nakatulog. -_-
Binasa ko muna ang aking script para sa reporting bago maghilamos. Buti na lang saulo ko pa yung mga yun! Bigla ring pumasok sa isipan ko ang tungkol kay Ria at Frederico, kinikilig ako sa kanila. Actually bagay sila kaso ang problema bad boy si Frederico. Diba isa siya sa mga nambubully sa akin? Sana magbago siya para kay Ria!
Naghilamos na ako Diary after kong magpraktis then kumain na ako! Naparami ang kain ko kanina, sinadya ko yun kasi kailangan ko ng maraming energy mamaya. Naligo na rin ako at nagready na patungong school.
Habang papunta ako sa room namin, ramdam na ramdam ko ang kaba ko at tsaka sobra na ring akong naeexcite! I don't know the reason kung bakit ako nagkakaganito Diary.
Ligtas akong nakarating sa room. Wala pa si Thin nun. Wag naman sanang umabsent yung lalaking yun! Pero hindi siya aabsent tinext niya kaya ako kagabi! Ito ang text niya...
----------------------------------------
FROM: PAYATOT (THIN)
Tulog tayong maaga at God bless sa atin bukas. :)
----------------------------------------
Di ko alam kung anong naramdaman ko kagabi nung nabasa ko na yan. Pero yang text niya na yan ay isa sa mga rason kung bakit na ako nakatulog ng 2 AM.
Nakita ko si Ria na nakaupo at sobrang busy niya. Pumunta na ako sa upuan ko Diary at kinausap ko si Ria. :D
"Ria baka sa sobrang busy mo makalimutan mo nang huminga."
"Hehe. Hindi naman Matty." Tuloy pa rin siya sa ginagawa niya. May mga nilalagay pa siyang mga designs sa scrapbook nila.
"Musta na? Musta na kayo ni Frederico?"
Nabigla siya sa tanong ko Diary. Pero sinagot naman niya ito. "Okay na. Kaso awkward kasi. Basta!"
"Eh? Ayaw mo ba na gusto ka niya Ria?"
Napabuntong-hininga siya. Mukhang seryoso siya sa tanong ko. "Hindi naman sa ganun Matty. May problema pa kasi ako."
Pinabayaan ko na lang siya sa ginagawa ni Ria Diary. Naiistorbo ko kasi siya. Gusto ko ring tanungin kung ano ang problema niya kaso saka ko na lang yun tatanungin.
Nagpraktis na lang rin ako para naman masulit ko ang time na ito.
Lumipas ang ilang minuto, dumating na si Payatot. Pagkakita ko sa kaniya, bigla kong naramdaman na parang may mga gumagapang na ipis sa tiyan ko. Bat ganun? Iniipis na ba ang mga kinain ko? Huhu. Parang di normal ang mga nangyayari sa akin. Bigla rin akong kinabahan at bumibilis ang tibok ng puso ko! Teka? Ano ba itong nararamdaman ko? -_- Iniipis at para akong aatakihin sa puso! Kailangan ko na yatang pumunta sa hospital.
