Tuesday
Dear DIARY,
Magandang gabi sa iyo aking Talaarawan!
Ngayon ang pangalawang araw para sa "Operation: Alamin ang KATOTOHANAN" para kay Mark Thin.
Ewan ko ba kung successful ngayon ang operasyon na yan o hindi. Pero ikaw na lang Diary ang manghusga mamaya. Sa ngayon, ikwekwento ko muna sa iyo ang lahat.
Okay na ako ngayon Diary. Kahapon kasi medyo lang. Alam mo kung bakit?
Nagising ako kaninang umaga, napag-isip-isip ko na hindi na pala ako nakakapag-exercise Diary.
Kaya balak kong itimbang ang sarili ko.
Medyo natagalan pa akong nagdecide kung gagawin ko ba o hindi. Natatakot kasi akong malaman ang katotohanan at baka madisappoint lang ako.
Pero sa huli, nagtimbang ako!
Alam mo kung ano ang resulta?
95.7 kilos Diary!
Yehey! Pumayat ako! Dati kasi nasa 96.something kilos ang timbang ko at ngayon 95.7 na! Sobrang saya ko!
Congratulations sa akin!
May mabuti rin palang naidulot ang nangyari sa akin nung Saturday at Sunday. Akala ko puro sakit lang.
May pakinabang din pala si Mark Thin.
So ayun OKAY na ako!
Diba ang saya Diary? Gumaan na ako!
Pag-usapan naman natin ang "operation."
Kanina sa klase ni Ma'am Kate Palma, may ipinapagawa siya sa amin.
Siya nga pala yung TLE teacher namin. Ngayon ko lang siya nabanggit noh Diary? Puro kasi ako Mark Thin.
Yung ipagagawa niya raw ay scrapbook. Medyo nakakainis nga siya ngayon eh. Alam niya na exam na sa Friday tapos magpapagawa pa ng project.
Pero by pair yung scrapbook na yun. Buti na lang. :D
Siya na rin yung nagpair sa amin Diary. Gusto mo malaman kapair ko? Sige sasabihin ko na. Pero mas maganda na magflashback tayo haha. xD
✏✏FLASHBACK✏✏
Hinihintay naming lahat si Ma'am Kate na sabihin yung pairings. Ang tagal niya magpair, nakakainip.
"Oy Ria, sana tayo magkapair." Pabulong kong sabi kay Ria.
"Sana nga Matty. Tiwala lang." Malumanay niyang sabi.
Nakakainis. Bakit kasi pairing pa?! Kinakabahan tuloy ako. Sino naman kaya makakapair ko?
"Class. Pasensiya kung masyadong matagal yung paghihintay niyo. Ito na ang mga pairings." Sabi ni Ma'am habang nakatayo.
"Pair #1 ay sina Frederico at Alexandria. Ang topic nila ay about LOVE."
What? Sila ang magkapair? Si Ria at ang bad boy na si Frederico? Mukhang magiging masaya ang pagsasama nila. Tsaka LOVE pa ang kanilang topic!
Lahat kami ay napa-AYIEEE sa kanilang dalawa. Tiningnan ko naman si Ria ng natatawa. Halata sa kaniyang mukha na naiinis siya.
"Pair #2 ay sina Sussanna at Vanessa Jane Tolentino. Ang topic nila ay Fashion."
Kilala niyo na si Susanna diba? Natatandaan niyo pa ba yun? Siya yung mataray na nakakainis. Tapos si Vanessa Jane Tolentino naman ay mataray rin pero sobrang maldita. Sila yung tinaguriang mean girls sa room. Sarap nilang balatan ng buhay! Pero joke lang!
![](https://img.wattpad.com/cover/28982170-288-k583759.jpg)