Vote and comment, please! Thank you!
-
August 7, 2015
Friday
Dear DIARY,
Ilang araw na pala ang lumipas Diary simula nang huli kitang sinulatan. Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga nangyari noong nakaraang Sabado. Ang haba kaya ng hair ko sa mga panahong yun. Siguro mga 1.018327 kms. yung haba niya Diary. Naging magkaibigan kami ni Thin at nagkaroon pa ako ng isang aso na bigay ni Dragon.
Raising a dog is so very hard, Diary! Chos! English 'yan ah. Mahirap talaga. Mahirap talaga mag-English kaya magtatagalog na lang ako. Nasa Pilipinas naman tayo kaya pwede magtagalog, diba Diary? Aangal ka pa ba? Dakilang notebook ka lang naman sa istoryang ito.
Ayun nga Diary, mahirap mag-alaga ng isang aso. Anim na araw pa lang kami nagkakasama sobrang hirap na. Parang love lang yan, mahirap. Mahirap magmahal lalo na kapag di ka naman talaga mahal ng taong mahal mo. Martir ka! Martir ka, Diary!
Alam mo Diary? Ang ganda ng pangalan ng aso ko. Pinag-isipan ko ito ng mabuting-mabuti! Ang pangalan niya ay Bagon! Hindi siya BAYGON na pamuksa sa lamok kundi BAGON (Beygon) na pumupuksa sa mga malalanding lamok na sumisipsip sa taong gusto ko. Gusto kong ipalapa kay Bagon ang mga malalanding yun!
Galit ako sa mga malalandi, Diary. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ko kinagagalitan ang sarili ko.
Ganito kasi Diary ang nangyari...
Noong Monday, masayang-masaya akong pumasok. Siyempre napansin agad yun ng mga malalandi kong kaklase.
"Look Guys! The pig is so happy." Pangunguna ni Sussanna.
Sinuportahan naman siya ng mga kapwa niyang mga "M3an Girlx" na nagmamaganda. Oo, nagmamaganda lang sila kasi ako ang tunay na MAGANDA!
Feelingerang baboy talaga ako, Diary.
Pinabayaan ko lang sila. Tawa lang sila nang tawa. Ayokong labanan ang mga talunan. Hinanap ko agad si Thin My Love <3 pero wala pa siya. Umupo na lang ako sa upuan ko at hinihintay siyang dumating.
Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na siya. Balak ko sana siyang batiin pero naunahan ako ni Sussanna Impakta kasama ang mga M3an Girlx.
"Good morning Thin!" Malanding sabi nila. Tapos itong si Sussanna nilapitan si Thin at hinaplos-haplos ang mukha at kamay niya.
Pinabayaan lang ni Thin na gawin ito ni Sussanna tapos naglakad na siya na parang walang nangyari. Bakit pinabayaan lang ni Thin ang nga bagay na yun? Dahil dun nagselos ako ng kunwa-kunwari.
Sarap balatan ng buhay si Sussanna. Kaya ayun ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko silang ipalapa kay Bagon! Tuturuan ko ng tricks si Bagon kung paano niya kakagatin ang mga malalandi. Siyempre exempted ako, gusto ko sa istoryang ito ako lang ang malandi! Chos!
Alam mo ba Diary? May kaartehang taglay itong si Bagon. Ayaw niya ng mga normal na pagkain lang. Gusto niyang kainin ay yung mga pagkain sa Jollibee, Mcdo at sa iba pang mga fastfood chain. Pinapakain ko kasi siya nung Sabado ng mga tirang ulam namin Diary pero ayaw niya ito kainin.
Pinagpapalo ko pa siya ng stick noon para kumain lang siya Diary. Pero ayaw niya talaga. Hanggang nung Sunday, after ko magsimba nagtake-out ako sa Jollibee ng Spaghetti. Takang-taka nga ako nung bigla niya akong sinalubong at bigla niyang nilapa ang bag ko!
Nung una binalibag ko siya kasi puro kagat niya na yung bag ko. Naawa nga ako sa bag ko eh, nasira na. Ilang beses ko ring pinagpapalo si Bagon pero ayaw pa ring magpaawat kinakagat-kagat niya pa rin yung bag ko. Kawawang bag. Hanggang sa nilabas ko yung Spaghetti, mabilis pa sa alas-kwatro, kinain na agad ito ni Bagon. Pulubi pala itong si Bagon. Hanggang sa nalaman kong ito pala ang mga gusto niyang pagkain. Kaya araw-araw na akong bumibili ng mga kinakain niya.