Entry #19

1.2K 59 20
                                    

P A R T  2  o f  E N T R Y  # 1 8

~*~

C o n t i n u a t i o n . . . .

Ang dami ko talagang etchos Diary. :D May papart 2 part 2 pa akong nalalaman. Pero may rason naman ako Diary kung bakit ko ginawa ito. Sasabihin ko na lang ito mamaya after kong ikwento sa iyo ang lahat. Pero kung matalino ka naman Diary, malalaman mo rin ang rason habang sinusalatan kita. Pero kung di mo malaman Diary, uupakan kita at ihuhulog kita sa Ilog Pasig. Haha joke lang. XD Ayaw ko namang ihulog ka, mas gusto kong sunugin ka na lang! Hihi joke lang uli! Di ko yun kayang gawin kasi loves kita! ^_^

Hayyy. San san na naman napupunta ang usapan natin Diary. Di ko kasi alam kung saan ko uumpisahan ang sasabihin ko eh! Pero sige uumpisahan ko na. Ikukwento ko muna sa iyo ang nangyari nung BREAK time namin nung hapon.

All of my classmates ay busy samantalang kami ni Mark Thin ay papetiks-petiks lang. Hihi xD Nakakatuwa lang, kasi dati late pa kaming nag-umpisang gumawa ng scrapbook. Kainis kasi si Payatot noon eh! Ang dami niyang arte.

Imbis na magpraktis kami nung BREAK time, kumain na lang kami ni Payatot sa canteen. Nagtaka pa nga si Ria dahil daw nagsasayang kami ng oras. Nginitian ko na lang nun si Ria. Bakit pa kami magpapraktis kung perfect na namin ang pinapraktis? Haha. Yabang ko ay!

So ayun nga, kumain na kami. Actually kaming dalawa lang ang lumabas! Talagang kina-career ng mga kaklase ko ang praktis.

Habang kumakain kami, malamang sa malamang nag-uusap kami. Ang ganda nga ng usapan namin eh, ang BORING. Hihi XD Medyo nao-awkward ako sa kaniya eh. Tsaka habang kinakausap ko siya may gumagapang na mga ipis na naman sa tiyan ko. Paano kaya nagkaroon ng mga ipis sa tiyan ko? Di naman ako kumakain ng mga ganun. Alam mo ba Diary kung bakit may mga ganun sa tiyan ko? Kung alam mo, comment ka naman diyan. Naguguluhan na kasi ako eh. Please. Help me!

Gusto mo malaman mga pinag-usapan namin? Sige ishashare ko. Sinisipag ako magshare ngayon eh! Sige eto na . . .

"Ang dami mo namang pagkain!" Sabi sa akin ni Thin.

"Ang konti nga eh." Sagot ko naman. Totoo w konti eh!

"Wow! Konti pa sa iyo yan?" Sarkastiko niyang sabi sa akin.

"Oo konti pa sa akin itong spaghetti, hotdog sandwich, Cloud-9, at Chuckie!"

"Hiyang-hiya naman ang C2 solo at Spaghetti ko sa iyo Tabachoy." Pabulong siyang nagsalita kaya ayun yung C2 lang at spaghetti narinig ko! Ano kaya yung sinabi niya? Di ko na lang siya pinansin at kumain na lang ulit. Hihi xD

Hindi lang yan Diary ang pinag-usapan namin. Actually, marami pa. Saka ko na lang sasabihin yung iba! Pero naiinis pala ako Diary sa puso ko. May sakit na yata ako sa puso! May nangyari kasi kanina! Diba sabay kaming kumain ni Thin kanina sa canteen pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kami. Medyo tahimik ang atmosphere nun. Makalipas ang ilang minuto, nagsalita si Payatot.

"May sauce ka pa sa labi."

Ayan ang sinabi niya. Sobra akong nahiya nun. Di ko alam ang gagawin ko, parang biglang nawala yung utak ko nun eh! Di ko alam gagawin. Then after a while, kinuha niya yung panyo niya tapos IPINUNAS ito sa labi ko! Doon bumalik ang utak ko! Doon bumalik ang mga pakiramdam ko. Biglang kumabog nang pagkalakas-lakas ang puso ko at parang lalabas na ito sa katawan ko. Nagsigapang na rin ang mga ipis sa tiyan ko! Huhu! Ano ang tawag dito Diary? Ano ba talaga ang sakit ko? May lunas ba ito?

Ayan ang nangyari kanina! Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga nangyayari sa akin!

And then, ngayon ko na ikukwento ang pinakahihintay ng lahat! Pinakahihintay talaga? Haha xD Ge. Ikukwento ko na. Ikukwento ko na ang nangyari sa presenting.

Diary Ng BABOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon