Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 3
"Nakaka shocks 'yun ah?" Si Lester
Tila di makapaniwala sila sa binanggit ni Alex.
"Kaya pala, super mo mahal si Baby Shan." Si Larry
"At kung bakit ka pumayag na last name mo gamitin." Si Mark.
"Pero, tulad niyang dumating na ang tunay na magulang ni Shan. Anung balak mo?" Tanong ni Nathan.
Umiling si Alex. "I really don't know, parang ang hurt kasi— kung bigla ko na lang ibibigay si Shan sa kanila." Naupo siya at di maiwasan na pumatak ang luha. "All these years, ako na ang tumayong magulang niya. And, hindi ko talaga kaya kapag nawala si Shan sa akin." Napaiyak na siya nang tuluyan.
Nagtinginan ang apat kaya lumapit na kay Alex.
"Shhhss, tama na ahh" samo ni Lester.
"It's alright, ilabas mo lang yan." Tugon naman ni Larry.
"May kakilala kami na lawyer, if ever na mag apila ang kapatid mo sa court at bawiin si Shan." Sabat ni Mark.
"Alex, andidito lang kami okay. Pero, sa batas kasi— lalu at wala sa tamang edad pa si Shan, i'm sure na mapupunta si Shan sa tunay niyang magulang." Si Nathan.
Muling napaiyak si Alex at umiling, "Parang di ko carry 'yun, parang ikamamatay ko mga bakla." Sabay iyak niyang muli. Pero napahinto siya nang may tumawag sa kanyang cellphone, agad niyang kinuha iyon. Napapunas pa siya nang pisngi bago sagutin ito. "Yes?" Pero tila naging seryoso ang ekspresyon niya sa nadinig kaya siya napatayo. "What?! Sa-saang hospital?" Magkasunod niyang tanong. "Okay, okay!" Agad na niyang pinatay ang linya.
"What?" Tila tanong ni Nathan.
"Na-na aksidente si Adrian, need ko siya puntahan. " hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Kahit ganuon pa ginawa sa kanya ng kakambal ay mahal ito dahil kapatid niya ito.
"Sasamahan ka na namin." Prisinta ni Nathan
*******
Dumiretso na nang ICU si Alex, pumatak ang luha niya nang makita ang kalagayan ni Adrian. Ilang taon silang pinaghiwalay ng mga magulang, ganuon talaga kapag mayayaman. Kapag hindi magkasundo sa isang bagay ay bigla na lamang mapupunta sa hiwalayan. Napalapit siya at hinawakan ang kamay nito. "Hindi ko, hindi ko intensyon ung sinabi ko kagabi." Garalgal ang boses niya at di mapigilan ang luha. "Galit lang ako, kaya ko nasabi ang bagay na 'yun Adrian, pero please wag kang mamatay." Napahinga siya nang malalim. At mas lalu niyang hinigpitan ang hawak sa kamay nito. "Sabi mo, gusto mo mabuo ang pamilya na hiling mo. Then bumango ka d'yan, bumangon ka para pakasalan ang ina ni Shan." Muli siya napaiyak, bakit parang sa tono niya ay gusto na niyang ibigay si Shan sa tunay na magulang nito. Dahil ba mas may karapatan ang mga ito keysa sa kanya? Paano naman siya? Na halos kay Shan umikot ang buhay niya.
******
"How's Adrian condition?" Tila tanong Nathan.
"Brain dead, still a low percent of chances. Pero naniniwala ako sa miracle." Tugon ni Alex at di na naman mapigilan ang maiyak.
"Do you know the girl?" Si Larry naman ang nagtanong.
Umiling siya. "He never told me the name, isa pa... Ni wala nga akong alam sa History nila."
"So panu yan, pano natin masasabi sa girl ang sitwasyon ng kapatid mo?" Si Mark naman ang nagtanong.
"Mystery si Girl ahh." Tila imik ni Lester.
Bumuntonghininga si Alex. "Isa pa problema natin, kung paano nga ba yan magigising si Adrian?"
"Wag ka mag alala, kumausap na ako ng mga doctor na pwedeng tumulong sa kakambal mo." Wika ni Nathan.
"Salamat Nathan." Tugon ni Alex.
********
"Daddy!" Masayang salubong ni Shan at agad na nagpabuhat sa kanya
"Oh, i miss my little girl. Hindi ka ba nagpasaway kela tita jackie ?"
"Nope! I played with tita Jarriel and Meilyn." Sagot nito na ang tinutukoy ay ang anak nila Jackie at Fei.
"That's good " sabay ngiti ni Alex.
"Hey, mag dinner ka muna kaya."
Lumingon si Alex at nakita si Jackie kaya ngumiti siya. "Wala pa akong gana." Sabay lapit niya.
"I know, nakwento na sa kin ni Larry."
"Uuwi na muna ako, sa ngayon. Pwedeng dito muna si Shan. Magbabantay lang ako sa ospital.."
"Sure, alam mo naman na parang anak na namin si Shan."
"Thank you talaga Jackie, ang hirap maging mommy at daddy sa kanya." Sabay singhap niya.
Ngumiti lang si Jackie.
"Wait papaalam lang ako." Sabay lapit na muli kay Shan. "Baby!"
"Yes daddy!"
"Need ni daddy na bumalik sa hospital, sana maunderstand mo." Sabag ngiti niya at inayos ang buhok nito.
"Hindi pa tayo uuwi daddy?"
Umiling bahagya si Alex. "You gonna stay here with tita Jackie okay, she will take care of you habang busy pa si Daddy."
Yumakap bigla si Shan sa kanya. "I miss you na po."
Muling napasinghap si Alex, eto pa nga lang hirap na siya malayo kay Shan. Paano pa pag talagang kinuha na ito sa kanya. "I love you and i miss you too baby." Sabay kalas dito para tingnan ito. "Basta behave ka lang at good girl."
Tumango si Shan at muling yumakap sa kanya, napapikit tuloy siya. Ayaw niya umiyak at baka magtanong pa ang anak. Kaya hinaplos na lang buhok nito.
*******
#AuthorCombsmania
![](https://img.wattpad.com/cover/286055548-288-k346032.jpg)
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...