Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 8
Nakatitig lang si Shan sa babaeng kasama ng kanyang daddy, hindi niya kasi ito kilala at ngayon lang niya nakita. Napansin na lamang niya na bigla itong napaiyak.
"Shan?" Sambit ni Kierra at agad na lumapit sabay yakap sa bata. "Anak ko." Bulong nito at niyakap ito ng mahigpit.
Naging emosyonal si Kierra, ramdam iyon ni Alex dahil sa tagal na hindi nakasama ang anak. Ang buong alam nito ay namatay na ang sanggol.
Kumalas si Keirra at pinagmasdan ang anak. "Shan, it' me.. I'm your mom." Naiiyak na sabi niya.
Hindi nakaimik si Shan at tumingin sa daddy niya, tila naunawaan ito ni Alex kaya lunapit siya at naupo para pantay si Shan. "Baby, your real was here now."
Muling bumaling ang tingin ni Shan sa babae. "Mommy?"
Napatango si Kierra at muling hinaplos ang buhok nito. "Yes baby, ako ang mommy mo."
Ngayon ay tila naunawaan na ni Shan kaya mabilis niyang niyakap ang ina. "Mommy, sabi ni daddy nasa heaven na ikaw."
Napakamot si Alex sa nadinig mula kay Shan, napalingon pa si nang makita ang mga kaibigan na nag iiyakan.
"Yakapin mo!" Utos ni Larry at Mark.
Nahampas ni Lester ang dalawa, "kayo talaga puro kalokohan." Bulong niya
Napapunas din si Nathan nang luha, syempre masaya siya para kay Shan dahil nakilala na nito ang tunay na ina.
*****
Kalalabas lang ni Kierra sa kwarto ni Shan, masaya siya dahil tila hindi siya nilubayan ng anak at kung anu-ano pa ang mga pinakita at itinuro sa kanya. Napansin niya si Alex na kaka akyat lang, kaya napangiti siya at sinalubong ito.
"Tulog na ba ang bata?"
Tumango si Kierra. "Pwede ba tayo mag usap?"
"Sure. Sa baba na lang?" Sagot niya at nauna nang bumaba.
Nagtungo silang dalawa sa garden, naupo naman si Kierra, kaya naupo na din siya.
"Anung, paguusapan natin?"
Napasinghap si Kierra at tumingin kay Alex. "Adrian, i know na ginawa mo lahat ito para proteksyunan kaming mag ina. And i thank you, for all the sacrifice you've done." Huminto siya at tila humugot ng paghinga. "Gusto ko sana na makabawi."
"Makabawi? Para saan?" Tila tanong ni Alex.
"Sa lahat, lalu at kapag nagpakasal na tayong dalawa." Nguniti bahagya si Kierra
"Ahmm." Tila napalunok si Alex.
"Uuwi na din ako." Paalam ni Kierra at tumayo.
Napatayo din siya, alam niyang aalis na ito. Pero naalala niya ang mga bilin ng kaibigan.
****
"Kung ayaw mo na mahalata ka niya, do your best as Adrian." Wika ni Larry.
"Tama, nagpanggap ka na din naman. Kaya need mo lubusin." Si Mark.
"Maging ready ka dapat bakla." Si Lester na tila may pananakot ang tono.
"Wag kang tutuka, duon kami nahulog. Baka mahulog ka din." Biro ni Nathan.
*****
Napailing si Alex. "Bakit kaya ang gulo nilang apat." Inis niyang bulong. "Kierra wait!" Habol niya dito.
Napahinto si Kierra at lumingon.
"Bakit ka pa uuwi, pwede ka naman mag stay dito. You can sleep right beside Shan, she loves to see you in the morning. Isa pa, magpapakasal na din tayo next week."
Ngumiti si Kierra at lumapit kay Alex, napatitig si Alex. Pansin niya kasi ang paglapit nito. Kaya nagkunwari siyang inubo.
"Ehemm., i'm sorry."
"Okay ka lang ba Adrian?"
"Yeah." Sabay ngit niya. "Sige na, magpahinga ka na sa kwarto ni Shan."
Ngumiti si Kierra. "Goodnight."
Tumango si Alex at nasundan na lang ito nang pumasok na sa loob, duon na siya nakahinga ng maluwag.
Napatingin siya sa kanyang cellphone, pansin niyang tumatawag sin Nathan sa kanilang Group chat, napatingin muna siya muli sa bahay mukhang wala nang tao kaya sinagot na ito. Nagulat pa siya na kumpleto ang magko-couple.
Nathan:
Kamusta?
Larry:
Tumuka ka na ba?
Mark:
Masarap ba?
Lester:
Pagbutihan mo ahh.
Jill:
Baka ma inlove ka na diyan.
Jackie:
Go for it ka lang!
Alicia:
Wag niyo nga i preasure si Alex.
Fei:
Oo nga , pero balita ko maganda si Kierra.
Natawa lang siya sa mga kaibigan pero umiling siya. "I didn't do anything, pero dito ko siya pinagstay. Gusto ko kasi na— pagkagising ni Shan, siya ang unang makita."
Nathan:
Well, magpahinga ka na din.
Larry:
Tama, at bukas mag prepare pa tayo.
Mark:
Malapit na ang kasal ninyo.
Lester:
Kaya dapat beauty rest ka na, sistah!
Muli siyang ngumiti. "Goodnight!"
Pansin niya kumaway ang mga babae sa kanya, pabirong nag flying kiss si Lester.
*****
Hindi pa siya dalawin ng antok, kaya napili niyang silipin ang mag ina. Pagkabukas niya ng pintuan ay pansin niyang nakayakap si Kierra kay Shan, napangiti siya. Ganito marahil kasaya ang mga kaibigan niya, lalu at may mga anak na ang mga ito.
Napabuntong hininga siya. Ito ang pamilyang nais ng kakambal niya, at ngayon siya tutupad sa pangarap nito. "Habang di ka pa nagigising, gagampanan ko muna ang dapat ay tungkulin mo." Bulong niya.
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...