Chapter:33

86 2 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 33

"Mag overtime ka?" 

Napaangat ng tingin si Alex. Nakita niyang nag aayos na nang gamit si Ivan. "Well, may mga gusto pa akong i-check, you can go now." 

"Okay." At kinuha ni Ivan ang kanyang body bag. "Goodnight." Paalam nito at lumabas na.

"Akala ko naman sasamahan niya ako." Bulong niya at pinagmasdan ang designed na nagawa niya. "Ang ganda, kung makakasal ako. Ikaw ang gusto ko suotin, kaso ayoko yung Trisha na yun ang mag model." Irita niyang sabi. Nag pokus ulit siya sa ginagawa, nang biglang makadinig naman siya ng ingay. Napatayo siya, at tila tinanaw ang pintuan pero wala naman siyang nadinig na yabag papalapit.

Napailing siya at lumapit na lang, sabay labas sa opisina. Pansin niyang madilim. "Bakit ba pinatay ang ilaw?" Bulong niya at tila napayakap sa sarili. Muli niyang nadinig ang ingay, "Hey, sino and'yan?" Pero agad din siyang lumapit. Nang makitang walang tao ay agad na siya bumaling nang tingin, kaso ay tila nakadinig na naman siya nang ingay agad siyang lumingon. Pansin niyang may anino. "Naku naman, ako na lang ba mag-isa dito?" Bulong niya at napahakbang na pabalik sa office niya, nagmamadali siya at napapansin niya na mukhang palapit din ang anino. "No!" Sigaw niya at tila napaupo sa may pintuan ng opisina.

"Alex?" 

Napalingon siya at agad na nakita si Ivan, halos mapatayo siya at yumakap dito. 

Ramdam ni Ivan ang pangangatal ng katawan nito, talaga yatang natakot ito. "Sorry." Sambit niya. "Dapat di kita iniwan." 

Napaiyak si Alex at mas lalung humigpit ang yakap kay Ivan.


*******

"Juice." 

"Thank you " tinanggap na niya ang binigay ni Ivan na orange juice, nasa convenience store silang dalawa. 

"It seems na, takot ka talaga sa madilim na lugar." Imik ni Ivan.

"Bata pa lang ako, kinukulong ako ni Papa. Sa madilim na kwarto. Pinamamalupitan niya ako ng sobra, pakiramdam ko kapag nakakita ako ng anino siya na nakikita ko, lalu nuong umalis si Adrian at Mama. Mas lalung naging malupit sa akin si Papa." Bigla niyang kwento. 

Napatitig si Ivan kay Alex.

"Kaya siguro naging malambot lalu ako, patpatin. Natutukso, wala akong— maayos na pamilyang kinagisnan." Pumatak ang luha niya. "Hanggang nakilala ko sila Lester at Mark. Bago sina Larry at Nathan." 

"Sorry, dapat pala wag ka na mag overtime." Sabay hawak ni Ivan sa kamay niya.

Napatingin si Alex sa palad nito na nakahawak sa kamay niya, hanggang sa mapatingin siya kay Ivan. "Mahina ako, simula't-sapol. Sinubukan ko maging malakas at baguhin sarili ko. Pero ganun pa din pala ako, mahina pa din." 

"Huwag mo isipin 'yan, you look smart and brave now. At wala na ang ama mo. Kaya alisin mo na ang takot sa dibdib mo."  Sabay ngiti ni Ivan.

Napilitan ngumiti si Alex. "Thank you."  Tumayobnansiya ,kaya napatayo na din si Ivan. Lumabas na silang dalawa sa store. "I need to go now."

"Ihahatid na kita." Prisinta ni Ivan.

"It's okay, naghihintay na sa akin si Jc."

"Yung driver mo?" 

"Ivan."

"I know na hindi mo siya boyfriend." Sabay hawak muli sa kamay ni Alex. "Just, give me a chance to show again how much i care you."

Kitang-kita ni Alex ang seryosong awra nito. "Listen, i look different now.  Dahil nagpa retoke at nagpapalit na ako, pero sa mata ng diyos lalaki pa din ako na nagtatago sa katawang babae. " napahinga siya ng malalim. "Ayoko na dagdagan ang kasalanan ko, kaya wag mo na ipilit na magbalikan tayong dalawa." Humakbang siya para lagpasan ito.

"Bakit?" Tila tanong ni Ivan at nilingon si Alex.

Napahinto si Alex, at huminga ng malalim. "Dahil hindi ko kayang ibigay, ang isang bagay na kailangan mo Ivan." Humarap siya. "Hindi kita mabibigyan ng pamilya na sigurado ako, na kahit sinong lalaki hangad 'yun." Pumatak ang luha niya, pero mabilis din niyang pinunasan. "Excuse me." At muling tumalikod.

"Alex!" Tawag niya at habol ngunit mabilis na ang mga hakbang nito.



**********


#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon