Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 20
Hindi umaalis si Kierra sa tabi ni Shan, nakatulog na nga ito ng hindi kumakain.
Ito ang eksenang naabutan ni Alex, pagpasok niya kasi sa kwarto ay pansin niyang nakayuko ang ulo ni Kierra sa kama. Lumapit siya at nakita niyang hawak nito ang kamay ni Shan.
"Ayaw mo talaga siya bitawan.." Bulong niya at hinubad ang kanyang Jacket, at ipinatong sa likuran ni Kierra.
Bumungad iyon kay Ivan, dadalawin niya kasi ang kanyang pamangkin. Tinawagan kasi siya ni Kierra at sinabi na wala pa silang kasama, hindi niya inaasahan na naririto na pala si Alex at eto tila ang sweet na nilagyan ng jacket ang likuran ng kapatid at hinagkan pa ito sa ulo.
Napaiwas na siya at hindi na tinuloy ang pagpasok, agad siyang lumayo sa pintuan ng kwarto. Siguro ay magpapakipas muna siya ng oras bago siya muling magpunta.
Lumingon si Alex, para kasing nadinig niya na bumukas ang pintuan kanina. Pero agad din siya napailing at marahil ay guni-guni lang.
******
"Ivan!"
Napatigil si Alex at nilingon ang pintuan, nakita niyang pumasok si Ivan na may dalang prutas.
"Sorry, dapat kanina pa ako." Agad na sambit niya
"Okay lang, dumating naman ng maaga si Adrian."
Lumapit si Ivan kay Shan. "How are you?"
"I'm okay na po uncle, thank you nga po pala sa gift." Masiglang sagot ni Shan.
"Mukhang magaling ka na pala talaga." Nilingon niya si Alex. "Tinawagan kasi ako ni Kierra kanina, nagpapasama siya kanina. But, i guess na nauna ka pa din makarating."
"Oo, nagpaalam ako ng maaga sa office. Tsaka papasyal din mga ka workmate ko. After nila matapos ang pictorial." Sagot niya.
"Tha's good, atlis may makakasama na ang kapatid ko." Lumingon si Ivan kay Kierra. "I need to go now."
"Aalis ka na agad, pero kararating mo lang." Wika ni Kierra.
Ngumiti si Ivan. "Sorry sis, medyo busy lang ako. Promise babawi ako kapag nakalabas na si Shan." Sabay lingon kay Shan. "Okay ba 'yun Shan."
"Yes po uncle!"
"Basta magpapagaling ka." At lumapit na kay Kierra. "Sige sis."
"Mag iingat ka sa pag drive Ivan." Paalala niya.
Tumango lang siya at dumiretso na sa pintuan. Nadinig ni Alex na sumara na ang pinto, kaya tumayo siya at nilingon si Kierra. "Ahmm, Kierra."
"Yes?"
"May bibilhin lang ako sa labas." Paalam niya
"Sige."
"Wala ka bang— ipapabili?" Tila tanong niya.
Nag isip saglit si Kierra, pero agad din umiling.
"Okay." At agad na tinungo ang pintuan, pagkalabas ay agad niyang hinanap si Ivan.
Nagmamadali siyang magtungo sa elevator, pero tila nakasara na 'yun kaya tumungo na lamang siya sa exit.
Mabibilis ang kanyang hakbang, hanggang sa makababa. Pero tila hindi na niya nakita si Ivan hanggang sa naisip niyang lumabas.
Hinanap niya sa paligid si Ivan, na baka naririto pa ang kotse nito pero bigo siya, tila napailing siya kaya agad ng tumalikod. Pero napatigil siya dahil may nakatayo sa harapan niya.
"I know na susundan mo'ko." Wika ni Ivan.
Agad na pumatak ang luha ni Alex. "Ivan.. " at naiiyak na napayakap dito. Napapikit siya, tila nanghihina ang kanyang kalooban at nais sabihin dito ang totoo, lalu sa ngayon na gulong-gulo ang puso't-isipan niya.
"Bakit ka umiiyak? Dapat maging masaya ka, dahil— sa wakas nagkasama na kayo ni Kierra."
Kumalas si Alex at tumitig kay Ivan. "Maybe you are right, but let me ask you one more thing?" Napatitig siya sa mga mata nito. "Do you still, love me ?"
Napatitig si Ivan sa kanya at pinunasan ang luha niya sa pisngi. "Yes... Kaya nga ako nagparaya, para lang sa maging maligaya ka." Lumapit pa ito bahagya. "I love you Alex, minahal ko lahat sayo. At wala akong pinagsisishan, but now. We both know, our paths change."
Muling pumatak ang luha ni Alex.
"Now ako naman magtatanong, do you still love me? Or, you si Kierra na talaga ang pinipili mo."
Napapikit ng mariin si Alex, saglit lang yun at muli siyang dumilat. "It's hard for me to choose now, but i never stop loving you." Sagot niya at hinawakan ang kamay nito.
Napaiyak si Ivan. "I love you, and i'm also saying Goodbye now." Kinuha niya ang kamay ni Alex. "I didn't mean to hurt you, but i need to do this thing, for the both of us." Sabay halik niya sa kamay ni Alex at bitaw na rin dito, sabay lakad.
Nilagapasan na siya ni Ivan, halos napahawak siya sa bibig niya dahil sa pag iyak. Pati sa dibdib niga ay napahawak siya dahil sa sakit na nararamdaman.
Agad na sumakay si Ivan sa kotse, pero muli niyang sinulyapan si Alex. Pansin niya ang pag galaw ng ng balikat nito. Buo na ang desisyon niya na bumalik sa state, dahil ayaw niyang makagulo siya sa dalawa. "I'll say goodbye, for the two of us." Bulong niya at muling pumatak ang luha bago paandarin ang kotse.
*********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...