Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 6
"What?!"
"Maka what ka? Parang natanggal yung ear drum ko lester." Sabay iling ni Mark.
"Sigurado ka ba sa plano mo?" Tanong ni Larry.
Napatango si Alex. "Gusto ko lang makatulong sa kakambal ko, and the best way is this.." Tugon ni Alex.
"Paano kung magising si Adrian?" Sabat na tanong ni Nathan.
"Sana sinabi mo na lang totoo sa kanya, bakla!" Tila padabog na tumayo si Lester at napa crosshand. "Mamaya isipin niya, niloko mo pa siya."
"Suportahan niyo na lang ako, magulo na din isip ko. I don't have any choices, paano kung— hindi na magising si Adrian? Paano ang mag ina niya?"
"Ang tanong, magagawa mo bang maging si Adrian?" Si Mark
"Ang pagiging maalaga at mapagmahal na nobyo ni Kierra?" Si Larry
"Kaya mo ba magpaka lalaki? Para lang sa plano mong iyan?" Si Nathan.
Tila nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga kaibigan. "Bakit magpaka lalaki agad? Pwede naman ako magpanggap ahh." Sabay buntong hininga ni Alex. "Ikaw Nathan, nag panggap ka nuon kay Jill. Ikaw Larry, pinakasalan mo din kuno si Jackie para sa ama mo. Ikaw Mark, tunay ka palang Adan, pero mas gusto mo magpanggap na eva. At ikaw Lester. Nahulog ang loob mo kay Fei dahil sa pagpapanggap."
"So, ibig mong sabihin— okay lang sayo na magpanggap ka dahil ginawa namin?" Tila tanong ni Nathan. "Alex, iba ang sitwasyon namin sa sitwasyon mo sa ngayon."
"Yun nga ,iba-iba naman talaga tayo di'ba?!" Tumaas ang tono niya.
"Alex!" Saway ni Lester.
"Porket ba, may kanya kanya na kayong pamilya. So minamaliit ninyo ako? Porket, naging mga lalaki kayo at ako eto bakla pa din!"
"Hindi yun ang ibig sabihin ni Nathan. " sabat ni Larry.
"Ang punto kasi dito Alex. Puso ang usapan, mahal ng kambal mo si Kierra at si Kierra mahal ang kakambal mo." Paliwanag ni Mark
"Ayaw ka namin masaktan, dahil baka matuto magmahal ang puso mo. Pero dahil desisyon mo 'yan, susuportahan ka namin. Tutulungan ka namim, na i- aarange ang kasal ninyong dalawa para kay Shan." Lumapit si Nathan at hinawakan ang balikat ni Alex. "Ikaw lang naiisip namin, kasi kami napili namin ang mga taong para sa amin. Paano kung malaman ni Kierra ang totoo? Baka masaktan ka sa huli."
"Hindi ako masasaktan Nathan." Sabay iling pa niya. "Dahil kahit kelan, hindi ako magiging lalaki na tulad ninyong apat." Sabay pakawala ng hangin. At tumalikod, humakbang siya palabas sa opisina.
"See! Kaya kami lagi nag aaway, kasi nga matigas ang ulo." Inis ni Lester.
"Hayaan na lang natin siya. Di na natin pwede pa bawiin yung naging desisyon niya." Wika ni Larry.
"My point din si Larry, dahil nakapag propose na siya sigurado kay Kierra." Si Mark.
"Basta, wag na lang natin siya pabayaan. Alam niyo naman na si Alex ang pinaka mahina sa ating lima, wala na siya maisip na desisyon kaya ito na lang naisip niyang plano." Humarap si Nathan sa kanila. "Asikasuhin natin kasal nila, hangga't hindi nalalaman ni Kierra na kambal lang siya ni Adrian, kaya natin kumilos."
"Okay boss!" Tugon ni Lester at sumaludo pa.
******
Sumilip muna bahagya si Nathan sa pintuan ng opisina ni Alex, nang mapansin na mag isa lang ito ay kumatok siya. "Can i come in?"
"Nasa loob ka na naman na." Tugon nito at sumandal sa swivel chair. "I want to say sorry din kanina."
Lumapit si Nathan at ngumiti kay Alex. "I know what you feel, sigurado ako na gulong-gulo ka dahil sa nangyayari. Pero, isang tanong lang ang itatanong ko sayo." Naupo si Nathan sa bakanten svivel chair at bahagyang lumapit kay Alex. "Once you in, hindi ka na basta- basta makakalabas. Kaya— are you willing to do this thing?"
Napatitig si Alex kay Nathan, tila napabuntonghininga siya at tumango. "I have no choice, but to bring together Adrian family."
"What about you?" Muling tanong ni Nathan.
"Sana'y na akong mag isa. Basta atlis nakatulong ako. Sa kapatid ko." Tugon ni Alex at ngumiti kay Nathan. "Isa pa, may bf naman ako noh."
"Teka, bakit di ko alam 'yun?"
Ngumiti si Alex. "Ngayon lang kami nagkaayos, after ng ilang taon." Masaya niyang sabi.
Napatitig si Nathan. "Don't tell me."
Tumango si Alex. "Yess, siya yung lalaki duon sa kasal nila Fei at Lester, alam mo masaya ako kasi— tanggap niya ako. At hindi pera ang habol sakin."
"I'm happy for you. Basta andidito lang kami, kapag need mo nang tulong. Okay." Sabay ngiti ni Nathan.
"Thank you talaga Nathaniel." Tila namasa na ang mata niya, pero pinigilan niya ang maiyak.
********
#AuthorCombsmania
![](https://img.wattpad.com/cover/286055548-288-k346032.jpg)
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomantikCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...