Chapter: 21

114 5 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 21

"Thank you Jill, medyo ngayon hindi na ako masyadong ma boring sa bahay kasi mula nagbaksyon si Shan lagi na siya na kela Alicia." Wika ni Kierra

Ngumiti si Jill. "Okay naman dito sa hotel, dati si Jackie ang katuwang ko. Kaso mas pinili ni Larry na mag stay na si Jackie sa bahay. "

"Sa totoo lang nakakatuwa kayong lahat."

Napatingin si Jill kay Kierra, alam naman niya ang totoo. Wala naman nililihim ang mga ito sa kanya, lalu nang umalis si Ivan. Ramdam nila ang sakit kay Alex, ngayon lang nila nakita ito na laging nagbabad sa trabaho at tila kay Shan at Kierra na lang ibinuhos ang lahat ng oras. Tuwing weekend, sinasama din sila mamasyal, nag pi-picnic o kaya ay magpupunta sa mga childrens playground. 

Minsan naman sama-sama sila kapag sunday ay bonding, nakikita niya ang mga titig ni Kierra kay Alex na tila para bang ngayon lang na inlove. 

Halos isang taon na, pero mabuti at hindi nagtataka si Kierra kung bakit hindi sila nagtatabi ni Alex. "Kierra."

"Bakit?" Masigla nitong tugon na patanong.

"Gaano mo kamahal si Adrian?" 

Natawa ng bahagya si Kierra at tila nag isip. "Sa totoo lang, ibang-iba si Adrian ngayon. Hindi katulad nuon, mas minahal ko siya ngayon." Sabay tingin kay Jill. "Why'd you ask?" 

Napailing si Jill at ngumiti. "Dahil ba, alam mong mas malaki ang pinagbago niya ngayon?" 

"Isa na din 'yun, mas naging caring at sweet siya sa ngayon. Hindi lang 'yun. Dahil ramdam ko na, para bang lagi niya ako ipagtatanggol sa anumang bagay." Sagot ni Kierra.

Muling ngumiti si Jill. "Ang sweet din ninyong dalawa." Tugon niya.

******

"Anu 'yan?" Tanong ni Lester 

"Chocolate, at flowers, nakikita mo naman." Sagot ni Alex at iniayos na ang mga gamit.

"Uy, uuwi siya ng maaga." Tukso ni Larry.

"Dadaanan ko kasi si Adrian." Tugon niya.

"Samahan na kita." Sabat ni Nathan. "Para makausap ko din ang doctor."

"Sayang gusto ko din dumalaw, kaso tambak ako ng photoshoot." Sabat ni Mark.

"Kaya nga, sige kayo na muna dalawa." Si Lester.

"Gora na kayo ni Nathan, at mukhang may date pa si Alex." Tukso ni Larry

"Gaga." Sabay tawa ni Alex.




******


Nakatitig lang si Alex kay Adrian, halos isang taon na ang lumipas. Ngunit ganuon pa din ang kambal niya, wala silang balak na ipahinto ang mga aparato nito, dahil naniniwala siya na isang araw ay gigising din ang kakambal. Ang mahirap lang, sa loob ng isang taon na pagkalimot niya unti-unti sa damdamin kay Ivan, ay biglang sumibol ang damdamin niya kay Kierra. 

Tila nalimutan niya na ang lahat ay pagpapangap at eto, tuluyan ng nahulog ang damdamin niya sa babaeng mahal ng kakambal niya.

"Steady pa din ang sitwasyon ni Adrian." 

Lumingon siya kay Nathan. "Natatakot ako, paano kung— hindi na magising ang kakambal ko?" Biglang pumatak ang luha niya at nilingon si Adrian. "Hiling niya lang naman na, mabuo sila." 

Bumuntonghininga si Nathan at hinawakan ang balikat niya. "Alex, alam ko na matapang si Adrian at magigising siya." Sabay tingin kay Alex. "Pero isa lang ang tanong ko sayo, handa ka na ba— na kapag nagising siya, mawawala na lahat ang binuo mo." 

Huminga siya ng malalim at tumango, kahit masakit 'iyon sa kanya tatanggapin niya. Dahil una pa lang, alam niya ang pinasok niya ,kaya kailangan niya magtiis. "Yes... Tulad ng promise ko." Sagot niya 



******

"Hey!" Bati ni Kierra 

"Hi!" Nakangiti niyang bati dito at inilabas ang flowers at chocolate. "Happy Wedding anniversary." 

"Happy Anniversary, siya nga pala nag handa ako ng dinner natin. Para sa atin dalawa.."

"Really?" Tila tanong niya at hinanap si Shan. "Where's Shan?" 

"Gusto niya daw muna mag sleep over sa mga tita Alicia niya, kasama din ang dalawang bata. Pinayagan ko na." Sagot ni Kierra.

"Kaya pala, tahimik at walang sumalubong sakin." Tugin niya at pinagmasdan ai Kierra. Hinawakan niya ang kamay nito, kaya napalingon sa kanya ang babae. "Can you have a some time to yourself?" 

"Anung ibig mo sabihin?" 

"Change some suit, para dinner natin. Ako na mag prepare sa garden, please." Ang boses niya na animoy naguutos, at masyadong malambing.

Ngumiti si Kierra. "Okay, sige magpapalit lang ako."  Inalis na niya ang apron at ipinatong ito sa upuan.

Napasunod lang ng tingin si Alex habang nakatalikod si Kierra.



***********

#AuthorCombsmania



Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon