Chapter: 19

113 5 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 19

"Pansin mo ba 'yan?" Bulong ni Lester kay Mark

Nilingon niya si Alex, pansin nila na nakatulala ito.

"Kahapon pa siya walang gana mag work." Sabat ni Larry at nilapag ang kape.

"Siguro, iniisip lang niya ang tungkol sa kanila ni Ivan." 

Tumingin ang tatlo kay Nathan.

"Ivan?" Takang tanong ni Lester at tumaas ang kilay.

"Ung kapatid ni Kierra?" Si Larry.

"Don't tell me na jowa niya 'yun?" Si Mark

Napatango si Nathan.

"Gosh!" Sabay-sabay na bulalas ng tatlo.

"Bakit wala kaming alam?" Si Lester

"Katampo kayo ah." Ani ni Mark

"Naglilihim na kayong dalawa." Sabay isnab ni Larry.

"Wag na kayo makisabay, sigurado ako. Magulo pa isipan ni Alex." Sagot lang ni Nathan.


*****

"Lunch time na." Sabay lapag ni Nathan ng pagkain sa table ni Alex.

"Oh, i forgot "

"Na forgot mo, o ayaw mo lang talaga kumain." Tugon nito. "Mabuti na lang, malapit office ko. Kaso lahat sila lumabas, ikaw lang nagpa iwan." 

Ngumiti si Alex at tumigin kay Nathan. "Am i, a bad person?" 

"Bakit mo naman natanong 'yan?" Balik tanong niya kay Alex.

"Pakiramdma ko, kinakarma ako." Sagot niya at sumandal. "Dahil ba, hindi ko agad ibinigay si Shan kay Adrian? O dahil nillihim ko na may nobyo ako sa inyo." 

Napahinga ng malalim si Nathan. "That's not karma, siguro binigyan ka lang ng challenge ngayon." 

"But i'm losing my mind now." Sabay iling niya at pumatak ang luha. "I'm losing my mind.." At tila garalgal na napaiyak, naikulong niya ang mukha sa kanyang palad. 

Lumapit si Nathan at hinawakan ang balikat nito. "I told you, masasaktan ka."

"Hindi ko naman ginusto Nathan, i just risk everything. My own happiness, but now— nahahati na ako." Katwiran niya at muling napatingin kay Nathan. "I'm gay, i'm inlove to Ivan, but— there is something here...." Sabay turo sa dibdib niya. "I feel, i'm inlove also to Kierra."  Muli siya napahagulgol ng iyak at di na napigilan na yumakap sa beywang ni Nathan.

Nahaplos na lang ni Nathan ang buhok nito at napalingon, nakita niya ang tatlo na malungkot na nakikinig sa pintuan. Kaya sumenyas na lang siya at baka makita pa sila ni Alex.


******

"Daddy." 

"Yes baby?" Pansin niya ang matamlay na mukha ni Shan at agad na yumakap sa kanya. "Mainit ka ahh." At muling tiningnan ito. Pero tila nawalan ng malay si Shan "Kierra!" 

"Bakit?"  Agad na tanong ni Kierra at lumapit sa mag-ama.

"Si Shan, nag collapsed siya." Sagot niya at binuhat na agad ito. Nagmamadali siyang lumabas para mag tungo sa kotse.

Nakasunod naman si Kierra, aga dna silang sumakay at nagmamadaling inistart ang kotse.


*******


Pabalik-balik si Alex sa paglalakad, tila di siya mapakali. 

Maging si Kierra ay panay ang usal ng dasal.

Pansin na nila ang doctor, agad na itong lumapit sa kanila.

"Doc, how's my baby?" Kabado ang boses ni Alex.

"Mabuti na lang at nadala niyo siya agad dito, typhoid fever na maaring mapunta na sa dengue ang sakit ni Shan. Pero ginawan namin ng paunang lunas, para hindi ito mahulog sa dengue. Kailangan pa din siya ma confined, para matingnan ang kanyang blood counts." Paliwanag nito.

"Salamat po doctor." Wika ni Kierra at tumingin kay Alex.

"Gagaling siya." Hinawakan niya ang kamay ni Kierra.

"Pwede na kayo pumasok sa loob, nagpapahinga lang naman ang bata." Utos nito.


Ngumiti silang dalawa at nagmamadaling pumasok sa kwarto. Pansin nilang tulog si Shan at may dextrose.

Agad na lumapit si Kierra at hinawakan ang kamay ni Shan. "I'm here Princess." Sambit niya.

Napahinga ng malalim si Alex at humawak sa balikat ni Kierra. "She will be fine soon, matapang si Shan parang ikaw." 

Tuamngo lang si Kierra at tila hinawakan na lang nga isng kamay ang kamay ni Alex na nakapatong sa balikat niya.



*******


#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon