Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 26
Nag pa late na talaga si Alex ng uwi, nagpapa abot talaga siya ng gabi kahit na takot siya. Gusto niya kasi na matutulog na lang siya kapag nakauwi siya sa kanyang bahay.
Nilabas na niya ang susi, balak na niyang susian ito nang makadinig ng yabag palapit sa kanya.
"Alex?"
Napahinto siya dahil kilala niya ang boses na 'yun, agad siyang lumingon at nakita si Ivan na nakatitig sa kanya. "Ikaw pala." Pormal niyang tugon. "What are you doing here?"
"Bakit?, bakit hindi mo sa akin sinabi na may kakambal ka?"
Napahinto si Alex ngunit nakabawi din siya. "Nagkita pala kayo."
"Kaya nga nagtataka ako, kung bakit ibang-iba ang kaharap ko sa state, keysa sa kaharap ko dito." Tugon ni Ivan at lumapit. "Why, bakit di mo sa akin sinabi agad?"
Lumayo siya bahagya. "Sabihin ko man o ipaliwanag sayo ngayon, magpapakasal ka na din naman." Sabah talikod at binuksan na ang pintuan, ngunit sinara iyon ni Ivan at pinaharap siya.
"Alex, tingnan mo'ko."
Napatitig siya kay Ivan, pansin niyang may luha ang mga mata nito. Kaya hindi na din niya napigilan ang mapaiyak. "Sorry."
"Sorry?" Tila ulit ni Ivan. "Sa tingin mo ba, hindi ako seryoso sayo nuon?"
"Hindi yun." Tugon niya. "Hindi mo alam ang dinanas kong sakripisyo." Umiyak na siya nang tuluyan. "Aminin ko, naging selfish ako. Inisip ko ang kapakanan ng kambal ko, keysa sa kaligyahan ko. Keysa sa atin!"
Napatitig si Ivan sa kanya.
"Pero walang araw, oras na hindi kita naisip Ivan. Dahil si dinadami nang lalaking minahal ko, ikaw lang ang nagpadama sa akin ng tunay na pagmamahal." Naiiyak niyang sabi.
Umatras bahagya si Ivan.
Muling napaiyak si Alex. "Pero ang hirap— nawalan ako ng choice kasi, kasalanan ko kung bakit nadisgrasya ang kambal ko. Kasi pinanalangin ko!" Sigaw niya. Bigla siya napaupo habang nakasandal sa kotse.. "Ang sakit dito." Sabay suntok niya sa dibdib niya. "Masakit sobra dito, na iwanan kita ng una at magpakasal kay Kierra. Dahil gusto ko mabuo sila." Huminga siya ng maluwag. "Ang sakit dito, ng malaman ko na magkapatid kayo. Kasi— unti-unti kong minahal yung pamilya na 'yun."
"Alex."
Napatingin siya kay Ivan. "Tama ka, gusto ko mamili sa inyo pero mas pinili ko sila. Kasi alam ko kung gaano kamahal nila ang isa't-isa, na kahit sarili kong kaligayahan. Inalis ko, para lang sa kanila."
"At alam mo din ba, kung gano ako nagdusa Alex?" Sabay tingin kay Alex. "Sobrang sakit, na magparaya din ako. Dahil ang buong akala ko ikaw si Adrian."
Napatayo na si Alex. "Ngayon alam mo na, our paths already change."
Napatigil si Ivan
"Ito naman yung hiniling ko, na makatagpo ka ng babaeng para sayo. Yung mamahalin ka ng tunay, yung babaeng maibibigay sayo ang lahat." Sabay muling patak ng luha niya at tumalikod. Pero nagulat siya nang yumakap ito mula sa likuran niya.
"Dahil ba, nasa puso mo na si Kierra kaya gusto mo na ako bitawan?"
Napasinghap si Alex, pakiramdam niya na muli siyang tinatanong nito. "Minahal ko si Kierra, dahil bilang Adrian." Humarap siya at pinagmasdan si Ivan. "Pero minahal kita nang totoong ako." At hinaplos ang mukha nito. "Ngayon, ngayon ko lang sasabihin ito." Sabay lapit kay Ivan. "I'll say Goobye for the of us now." At mariing pumikit.
Hinawakan ni Ivan ang mukha ni Alex at hinagkan ang labi nito.
Kapwa sila umiiyak habang pinagsasaluhan ang halik na 'yun. Ang huling halik nang lalaking mahal niya.
Kumalas na si Alex kay Ivan at binatawan na ang kamah nito, sabay talikod at pasok sa kotse. Mabilis niyang pinaandar ito para makalayo na sa lalaking mahal niya.
Napasinghap si Nathan, wala siyang eksenang pinalagpas. Dama niya ang bawat hinagpis ng dalawa, ngayon at nasabi niya na tunay ang pagmamahal ni Ivan para kay Alex. Pero paano na lang ngayon na ikakasal na si Ivan.
*******
Halos ihagis na ni Alex ang gamit niya nang makapasok sa kwarto, tila agad siyang padapa na humiga sa kama at duon umiyak, labis-labis ang sakit na nadarama niya. Para siyang babae, o dahil angkin niya ang puso ng isang babae.
Sobrang sakit, ang buong akala niya naka move on na siya kay Ivan. Pero eto, sinasaktan na naman niya ang sarili niya. Sabi niya na magiging masaya siya kapag nakatagpos si Ivan ng babaeng mamahalin nito, pero eto naghihinagpis siya sa sakit na nararamdaman sa ngayon.
"I love you Ivan, i'm so sorry. Pero ganun talaga, ang lalaki ay para lang sa babae. Baliktarin man natin ang panahon, wala akong karapatan na lumigaya sa piling mo." Bulong niya na umiiyak.
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomansaCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...