Chapter:16

118 4 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 16

"Kierra."

Napalingon si Kierra sa pagtawag ni Iva, kababa lang nila sa kotse.

"Emergency lang, need lang ako sa bahay." At lumapit sa kapatid, "May ibang araw pa naman." 

"Sure, mag iingat ka." Tugon ni Kierra.

Agad nang sumakay ng kotse si Ivan at pinaandar na ito, sakto naman dating ni Alex. 

Napansin niya si Kierra na nasa labas, kaya lumabas siya. 

"Kierra?"

Ngumiti si Kierra. "Naku, sayang di ka na naabutan ng kapatid ko."

"Kapatid mo?" Takang tanong ni Alex.

Tumango si Kierra, "Hindi ko na nabanggit sayo, nakilala ko ang tunay kong ama mula nang magkahiwalay tayo. And may kapatid akong lalaki."

Napalingon si Alex sa kotseng palayo. "Sayang naman noh?" At bumaling na kay Kierra pansin niya ang basa gilid ng gate. "Anu 'yun?" 

"Halika na sa loob para malaman mo yan." Yaya ni Kierra at lumapit sa malaking box na may balot, nauna na itong pumasok sa loob.

Napailing na lang si Alex at bumalik sa kotse, kinuha niya ang regalo niya para kay Kierra. Dahil ngayon ang anniversary ng kakambal niya at nito. Kinuha din niya ang bouqet na bulaklak.

Pagkapasok ay napansin niya agad na nakangiti si Kierra, pero lumapit siya at iniabot ang bulaklak dito. "Happy Anniversary." Bati niya at may inilabas na box. Pinakita niya ang kwintas na ang pendant ay orchids. 

"Adrian?" Naluha ang mga mata niya, lalu nang tanggalin na ito sa box at isinuot sa kanya. "Ang ganda." Bulong niya at tumingin kay Adrian. "Natandaan mo pa pala eto." Sambit niya

Ngumiti si Alex, ang totoo nanghula lang siya nang mapansin niya sa litrato ang kwintas na suot ni Kierra nuon. 

"Ang tagal ko inalagaan ung unang bigay mo sakin. Kaso, nawala siya noong nawalan na ako ng malay." Sambit niya na naiiyak.

"Bakit ka ba umiiyak?" 

Napailing si Kierra at kinuha na ang box na nakabalot. "Para sayo." 

"Nag abala ka pa." Sambit niya at binuksan, nang mabuksan niya ng tuluyan ay agad siyang napahinto. Isang gitara iyon. 

"Naalala mo noong High School, nawala ung gitara mo kasi— ginastos natin sa gamot ng inay sa Hospital. Kaya, hindi mo na ako nakakantahan nuon." 

Napalunok si Alex at bumuntonghininga, ngumiti siya at kinuha ang kamay ni Kierra. Iginiya niya ito para makaupo sa sofa, tumabi siya at kinuha ang gitara sa box. "Gusto ko ba na kantahan kita ngayon?" 

"Pwede?" 

Ngumiti si Alex at nagisip ng kanta, maya-maya ay ngumiti siya at sinimulan na magpatugtog.

Alex:

Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago

Ikaw lang ang iibigin ko

Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako

Asahan na 'di maglalaho

Ang pag-ibig ko'y alay sa 'yo lamang

Kung kaya, giliw, dapat mong malaman

Ngumiti si Kierra, habang nakikinig... Matagal na nitong hindi kinakanta ang unang kanta na inialaya sa kanya ni Adrian.

Alex:

Minsan lang kitang iibigin

Minsan lang kitang mamahalin

Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan

Dahil ang minsan ay magpakailanman


Napatitig si Alex kay Kierra, pansin niya na nakikinig ito sa kanya... Kaya ngumiti siya hababg kumakanta,  tama nga naman si Nathan, makikita niya muli ang sagot.

Ang sagot na nasa likuran nang notebook ni Adrian, ang kantang Minsan Lang Kitang Iibigin ay iniaalay nito kay Kierra nuong una siyang sinagot. Mabuti na lang talaga, at maalam siya mag gitara at kabisado niya ang kanta.


Alex:

Minsan lang kitang iibigin

Minsan lang kitang mamahalin

Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan

Dahil ang minsan ay magpakailanman

Dahil ang minsan ay magpakailanman


"Ang galing, hanggang ngayon ang galing mo pa din kumanta." Puri ni Kierra.

"Syempre para sa mahal ko." Tugon niya at ngumiti.

Napatitig si Kierra sa kanya, lalu nang lumapit ang mukha nito. Napalunok si Alex, pero agad din siya umiwas. "Si Shan pala?" 

"Ahmm." Napakagat labi si Kierra. "Tulog na siguro, ginabi na din kasi ako ng uwi."

Napatango si Alex. "Silipin ko lang siya." 

Napatango si Kierra. "Okay." 

Ngumiti na si Alex at tumalikod, nakahinga naman siya ng maluwag at umakyat na sa hagdan.

*******


#AuthorCombsmania


Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon