Chapter: 36

113 2 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 36

Nakangiti si Alex, habang pinagmamasdan ang sarili sa harapan ng salamin. Hindi niya lubos maisip na ikakasal na talaga siya.

"Uy, naiimagine na niya." Wika ni Lester.

Lumingon siya at nakitang pumasok ang apat.

"Wala na akong ma-say!" Napapailing si Mark 

"Taray, ganda ng make up mo. Girl na girl." Puri ni Larry 

"Nakakaloka, tinalo mo mga beauty namin." Mataray na sabi ni Nathan.

Natawa si Alex, na- miss niya talaga ang mga kaibigan niya na nuon ay keri magsalita at baklang-bakla. "Na miss ko kayo mga bakla." Bigla siya napaiyak.

"Gaga wag ka ngang umiyak, masira make up mo." Saway ni Larry

"Ikaw ang pinagpala sa lahat." Si Lester na nakangit

"True, nabibiyaan ng magandang mukha. At lalaking tunay na magmamahal sayo." Ani ni Mark.

"Kaya proud kaming apat, dahil hindi ka nagkamalinsa lalaking nakilala mo." Wika ni Nathan


"Can i have a group hug!" Sabay lapit sa apat at niyakap ang mga ito.

"Sobrang proud kami sayo, hindi na kita masasabunutan." Wika ni Lester.

"Basta andidito lang kami palagi." Si Mark.

"Forever and ever!" Si Larry.

"G-5 always forever, walang iwanan." Wika ni Nathan.

"Promise, always forever.." Tugon ni Alex at muling yumakap sa mga ito.

******

Garden wedding ang style ng kanilang kasal, ang totoo nasa state silang lahat. Hindi pa naman kasi approval ang same sex marriage sa pinas, kaya sa america sila nagpunta para idaos ang kanilang kasal.

Unang naglakad sina Nathan at Jill, hindi na kasi kumuha nang ibang abay si Alex at Ivan. Sumunod naman si Larry at Jackie, na animo'y mga modelo din habang naglalakad. Hindi naman nagpapahuli si Mark at Alicia, na parehas pang nakangiti ng malapad, masaya sila dahil natagpuan ni Alex ang lalaking makakasama nito sa habang buhay at syempre si Lester at Fei. 

Napahinga nang maluwag si Ivan, nang matanaw na ang kanyang Bride. Sa wakas ay tila nakita na din niya si Alex.


Whenever I'm weary

From the battles that rage in my head

You make sense of madness

When my sanity hangs by a thread

I lose my way but still you seem to understand

Now and forever

I will be your man


Hindi mapigilan ni Alex na maluha, pakiramdam niya na talagang babaeng-babae siya at eto. Dumating ang pinakikihintay niya, ang makasal sa lalaking mahal. 

Naroroon din si Adrian at Kierra, at syempre si Shan na masaya habang pinagmamasdan si Alex na naglalakad.


Sometimes I just hold you

Too caught up in me to see

I'm holding a fortune

That heaven has given to me

I'll try to show you each and every way I can

Now and forever

I will be your man

Bawat hakbang ay tila hindi maitatanggi ang damdamin niyang nararamdaman, walang kasing saya na sa wakas isang lalaki ang tumanggap at nagmulat na maaring mahalin ang isang tulad niya.

Now I can rest my worries and always be sure

That I won't be alone anymore

If I'd only known you were there all the time

All this time

Until the day the ocean doesn't touch the sand

Now and forever

I will be your man

Now and forever

I will be your man


Huminto na siya sa harapan ni Ivan, agad na hinawakan ni Ivan ang kamay niya. 

"Now and forever, i will be your man." Sambit ni Ivan.

Ngumiti si Alex at hinayaan na alalayan siya ni Ivan palapit sa paring magkakasal sa kanila.


Napapunas si Nathan ng luha, hindi niya inaasahan na isa talaga sa kanila ay magbabago ang kapalaran, at masaya siya na dahil sa daming pinagdaanan ni Alex na pagsubok sa buhay, ay natagpuan naman nito ang lalaking magiging kahati sa hirap at ginhawa.

"Di man siya nagbago, hindi ka naman niya binigo." Wika ni Jill.

Ngumiti si Nathan at nilingon ang asawa. "Tama ka, karapatan niya 'yun. Atlis napunta siya sa totoong kaligayahan niya." Tugon ni Nathan at muling tumingin sa dalawa.


"Ivan Harley, you may now kiss your bride."

Humarap na si Ivan at itinaas na ang belo ni Alex. "I love you." 

Ngumiti ng malapad si Alex. "I love you too."

"Finally, you are Mrs. Harley now." Dagdag ni Ivan at lumapit para hagkan na ang labi ni Alex.

Lahat nang saksi sa kanilang ay masibagong nagpalakpakan.



*********

#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon