Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 2
"Alex, mauna na ako sayo. May promise kasi ako kay Fei na may dinner kami tonight."
"Oo no problem baks, tapusin ko lang printing nito." Tugon niya.
"Sige, kaso ok ka lang ba dito? Kasi—" sabay tingin pa ni Lester sa paligid. "Ikaw na lang mag isa?"
Napatigil si Alex hate niya kasi talaga ang mag isa, madilim na lugar o kaya naman ang mga horror na palabas. "Nananakot ka ba?"
"Hindi naman." Sabay ngiti ni Lester at nagmamadaling lumabas.
"Walanghiya kang bakla ka!" Sigaw ni Alex, at tila hindi na tuloy makapag concentrate sa ginagawa, pakiramdam niya ay nananayo ang balahibo dahil sinabi ni Lester. Napailing siya, "Siraulo talaga ang baklang 'yun, makapag kape na nga lang." Bulong niya.
Tumayo na siya at lumabas sa office, nasa alas-otso pa lang naman pero may iba nang bahagi ng opisina ang madilim. Muli siyang napailing at tila nilalakasan ang loob na magtungo sa vending machine, kaso ay bigla siya nakaramdam nang kakaiba kaya agad siyang napalingon. "Agghhhhhh!!!" Sigaw niya dahil nakita niyang nakatayo sa harapan ang sarili at tila nakatutok ang flashlight.
"Hoy! Alex!"
Napakurap siya at tila tinitigan ito, "A-Adrian?"
"Exactly bro kamusta!" Sabay ngiti nito
Pero agad niyang hinampas ang balikat nito. "Siraulo ka, alisin mo nga ang flashlight na yan!" Inis niyang sabi dito.
"Look at you, same pa din ng dati." Nakangiting sabi ni Adrian.
Napairap siya, ngunit muling tiningnan ang kakambal. Tama, may twin brother si Alex. At ito ang tinangay ng mama niya sa state, hindi lang basta twin kundi identical twin. Mula ulo hanggang paa yata ang kanilang pagiging magkamukha, yun lang ay lalaking tunay ito keysa sa kanya.
"What are you doing here?" Inis niyang tanong.
"Magpapakasal na kasi ako, finally nagkita na ulit kami."
"So! After a long years, pupunta ka lang dito para sabihin na magpapakasal ka?" Mataray niyang sabi.
"Alex, alam ko na galit ka sakin. Pero, may isang bagay na dapat kang malaman."
Napataas muli ang kilay niya nang titigan ang kakambal, lalu nang may ilabas itong litrato. Napatitig siya roon at nakita ang litratong iyon. "Shan?" Nasambit niya at tumitig kay Adrian.
"I left her here, hindi alam ng ina na buhay ang anak namin. I'm afraid na malaman ni Mama nuon na nakabuntis ako, dahil may arrange na ako. Pero nang mamatay si Mama. I couldn't forget the mother of my child."
"Child?" Inis niyang sabi. "Ngayon tatawagin mong anak?"
"Alex, i know i'm wrong." Samo ni Adrian.
Tumalikod si Alex at humakbang, alam niyang nakasunod si Adrian sa kanya.
"Please, gusto ko siyang pakasalan bumawi at mabuo ang pamilya na nasira ko nuon."
Huminto si Alex at humarap. "5years, Adrian! " gigil niyang sigaw. "Ako ang tumayo ina at ama kay Shan— ngayon babawiin mo siya, dahil gusto mo lang ulit mabawi ang babaeng 'yun!"
"Alex."
"Gagawa gawa ka nang kabalbalan, tapos iiwan mo sakin ang anak mo! Ngayon babawiin mo! Then, let's see on the court."
"Fine, may karapatan ako dahil anak ko siya.."
"Anak ko din siya! Mas tinuring kong anak keysa sa iyo!" Pagdidiin ni Alex. "Sana di ka na nagpakita, how i wish na sana mabundol ka na lang para wala ka na sa buhay namin ni Shan!" Sabay talikod niya.
"Alex!" Habol ni Adrian. Pinigilan niya ang braso nito at pinaharap ang kakambal. "I know my wrong, pero kung ikaw nasa sitwasyon ko, i know you will do the same things. Ayoko mawala anak ko nuon, kaya kinuha ko at nilayo siya, pero naaawa din ako sa ina. Dahil— she never knew, na buhay si Shan. "
Napatitig lang si Alex.
"Tama ka, sana nga mabundol na ako at mamatay. Pero hinihiling ko lang naman na maibigay sa kanila ang dapat, mahal ko siya at mahal ko din ang anak ko. I'm sorry na nadamay ka." Tila pumatak ang luha ni Adrian.
Pumatak din ang luha ni Alex, pero mabilis na pinunasan iyon.
"Kung may mangyari man sa aking masama, i know na ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko. Lalu kay Shan, kaya sayo ko siya iniwan." Binitawa na niya ang braso ng kapatid at bagsak ang balikat na tumalikod.
Bumuntonghininga na lamang si Alex at tila naiiling na bumalik sa opisina niya.
*******
Kabababa lang ni Adrian sa taxi, babalik na sana siya sa Hotel nang mapansin niya ang bata na patawid, mabilis siyang tumakbo para alisin ang bata sa kalsada, pero sa hindi inaasahan ay siya ang nabundol.
Mabilis ang mga pangyayari, tila blanko ang kanyang isipan at tanging naipikit na lamang ang kanyang mga mata.
Nagsigawan ang mga tao sa paligid, dahil may isang lalaking duguan na nakahandusay sa kalsada. Kaya mabilis na rumesponde ang mga pulis at tumawag ng ambulansya.
******
Nakatitig lang si Alex kay Shan, tulog na tulog na ito. Kaya pala, hindi niya kayang mawala si Shan sa buhay niya, at kung bakit sobrang gaan ng loob niya dito. Yun pala ay kanyang pamangkin. "I love you Shan." Bulong niya at pumatak ang luha. "Parang di ko kaya, kung ibibigay lang kita sa kanila." Naiiyak niyang sabi
*********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...