Chapter:12

108 4 0
                                    

Minsan Lang  Kitang Iibigin

Chapter: 12

Maagang umuwi si Alex, pansin niyang busy sa kusina si Kierra. Dahan- dahan siyang lumapit at tila inilabas na ang nakatagong orchids sa kanyang likuran, agad niyang pinakita kito kay Kierra.

Napahinto si Kierra nang makita ang mga bulaklak, agad siyang lumingon at ngumiti. 

"Akala mo, nakalimutan ko na noh?" Wika niya kay Kierra. 

Lumapad ang ngiti ni Kierra at agad na kinuha iyon, hindi niya napigilan ang luha niya. "Adrian, salamat dito. Hindi mo nakalimutan yung paborito ko." At napatingin kay Adrian, mabilis siyang yumakap. "I love you."

Saglit na napahinto si Alex, napansin niya si Shan na patakbo kaya agad niyang niyakap si Kierra para makita nito.

"Yeheey, ang mommy at daddy ko ang sweet!" Masayang sabi ni Shan na nagtatalon.

Natawa si Kierra at kumalas, pinunasan niya ang luha niya. "Look baby, daddy brought me flowers!" 

"Wow! Ako daddy, may pasalubong ?" 

"Syempre, meron. Pwede ba mawalan ang baby ko." Sabay lapit niya at buhat kay Shan. "Bumili ako ng favorite mo na cake." 


"Yehheey! I love you Daddy!" Sabay halik sa pisngi niya. 

"Oh, kiss mo din si Mommy."

Nagpababa na si Shan at lumapit sa mommy niya, yumuko naman si Kierra at hinayaan na humalik sa pisngi ang bata.

"Dapat kayo din, mommy— daddy, mag kiss!" Hiling niya 

"Ahh, ehh.." Sabay kamot ni Alex pero agad na ninakawan na siya ni Kierra ng halik sa labi, mabilis lang iyon. Ngunit ikinabigla niya.

"Yeheey!" Muling natuwa si Shan.

"Hay naku baby, kakain na tayo punta ka na sa table." Wika ni Kierra at tumingin kay Alex. "Adrian, mauna na kayo ni Shan sa table, aayusin ko lang etong niluto ko." 

Napatango siya at tila hinila na ni Shan ang kamay niya.



******

Hindi pa dalawin ng antok si Alex, bumaling siya ng higa at nakita si Kierra na natutulog. Nakaharap ito sa kanya, kanina ay talagang nakita niya sa mga mata nito ang kasiyahan ng bigyan niya ng bulaklak. 

Umangat ang kamay niya at hinaplos ang buhok nito, wala siyang masasabi kay Kierra dahil sadyang maganda ito. Hindi lang 'yun napakabait pa, kaya marahil mahal na mahal ni Adrian. 

Gumalaw si Kierra at unti-unting dumilat, napangiti pa siya ng makita si Adrian na nakatitig sa kanya. "Bakit?"

Napailing si Alex. "Gusto lang kita titigan." 

"Like the old times?" Tanong ni Kierra.

Ngumiti si Alex, wala siyang alam sa story ng dalawa. Kundi sa mga diary lang niya nabasa, pero sigurado siya na ganito din si Adrian nuon. Napatango na lamang siya bilang sagot sa tanong ni Kierra. "Yeah, like the old times." 

Ngumiti si Kierra at lumapit, yumakap siya kay Alex na inaakalang si Adrian. "Na miss ko ang umunan sa braso mo." 

"Do you like?" 

Napatango si Kierra. 

Umayos si Alex at pinaunan dito ang kanyang braso, mas lalu itong yumakap sa kanya.

"Goodnight, Kierra." Bulong niya at hinagkan ang noo nito.

Ngumiti si Kierra, "I love you Adrian, goodnight." Tugon niya.


********


#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon