Finale:

308 7 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 38

Finale:

"Wow! Binata at dalaga na talaga ang kambal, pati na din ang bunso ninyo." Puna ni Alex nang sa wakas ay nakasama din ang mga anak nila Nathan at Jill.

Napili kasi nila magbakasyon, at syempre kunpleto sila 

"Buti nga, pinayagan nila mama." Tugon ni Nathan

"Teka, nasaan pala ang mag ama mo?" Tanong ni Jill kay Alex.


Napalingan siya at nakitang naghahabulan sina Ivan at Ariella, nag try sila mag adopt nang baby. At si Arriella ang pinagkaloob sa kanila halos tatlong taon na din ang kanilang baby girl, kaya masasabi niyang nakabuo na din siya ng pamilya.

"Larry gusto ko pa neto." Imik ni Jackie.

Kumuha ulit si Larry nang marshmallow. "Baka masobrahan si baby sa tiyan." 

Natawa si Nathan at Jill. 

"Marshmallow lang 'yan, hindi apektado si baby mo." Sabat ni Lester 

"Ako din gusto ko nun." Sabat ni Fei.

"Baka din yang tiyab mo ahh." Saway ni Lester.

"Akala ko ba marshmallow lang." Si Mark.

"Nagsabay pa kasi ang pagbubuntis ng dalawa." Wika ni Alicia.

Muling natawa sina Nathan at Jill, maging si Alex ay natawa na din. Pero muli niyang tinanaw ang mag-ama kaya tumayo na siya. "Lalapitan ko lang sila, para makapag lunch na tayo."  Paalam niya.

Tila nakasunod lang ang mga ito kay Alex.

"Akalain niyo nga naman, halos si Alex ang kawawa sa inyo nuon. Pero eto, siya ang pinaka diyosa." Wika ni Jackie.

"Oo nga eh, lagi pa sinasabunutan ni Lester.." Segunda ni Fei.

"Pero siya ang pinaka winner." Sabat ni Alicia

"At pinaka magandang dilag, sa inyong apat." Si Jill.

"Oo na, siya ang pinagpala eh." Tugon ni Nathan.

"Super, nagkaboobs at maganda katawan siya." Si Larry

"Taray din nag curve niya ahh." Si Mark

"Ay basta, instant pak na pak, na swerte siya." Si Lester.

Nagtawanan ang mga misis nila dahil sa mga boses nila na pabakla.


Lumapit na si Alex kay Ivan. 

"Mommy!" Sabay lapit ni Ariella.

"Hey baby!" 

"Oh, kakain na ba tayo?" Tanong ni Ivan at agad na humalik sa labi niya. 

"Oo, kaya nilapitan ko kayo." Tugon niya.

"I love you Alex." 

"Ang sweet naman." Sabay ngiti niya.

Hinaplos ni Ivan ang buhok niya. "Araw-araw kitang mamahalin, at palaging sasabihan ng sweet ma words, dahil 'yun ang alam ko. At yun ang nararamdaman ko. Dahil ang minsan, ay magpakailanman." 

Ngumiti si Alex at lumapit kay Ivan. "I love you too, Ivan." Sambit niya  at muling naglapat ang kanilang mga labi....



*******

                                    The End


Alex Love Ivan


Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon