Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 1
Pumatak ang luha ni Alex, nang makita niya ang isang lalaking matagal nang nawalay sa buhay niya, hindi niya inaasahan na sa ganito sitwasyon sila magtatagpo. Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito, matapos silang makapag usap ng gabing iyon ay ito naman ngayon ang kinalalagyan nito, kaya labis ang kanyang hinanakit at sinisisi ang kanyang sarili....
****
"Naku naloloka na naman ako!" Inis niyang sabi at naupo.
Napalingon sa kanya si Lester. "Bakit ka naman naloka diyan?"
Napa crosshand lang si Alex. "Ang dami kasing dumating na designed, ang problema ko kailangan ko pa magpunta sa school ni Shan.". Napasimangot siya nasa day care na kasi ang bata, at talagang di niya pinababayaan ito.
"O siya ,puntahan mo na muna ang bata. Ako na lanv mag received ng mga dumating." Wika ni Lester.
Ngumiti siya malapad. "Thank you sisteret!" Tumayo na siya at kinuha ang kanyang bag, pagkabukas ng pintuan ay bumungad si Nathan.
"Aalis ka?" Tanong ni Nathan
"Pupuntahan niya si Shan sa school, may meeting ata." Si Lester ang sumagot.
Pansin ni Alex, ang gumuhit na pagka bahala sa mukha ni Nathan.. "Sabi ni Lester, siya na ang mag assikaso ng mga darating na designed."
"Sige, ingat ka. " sabay tingin ni Nathan kay Lester. "Let's go Les, baka ma late tayo sa meeting." Nauna nang tumalikod si Nathan.
Napatingin na lang sa relo si Alex.
"Uy bakla, umalis ka na baka naghihintay na si Shan." Wika ni Lester at lumapit na sa pintuan.
"Sige.. Salamat ulit Lester." Tugon ni Alex.
"Go!" Sabay ngiti niya at sumunod na kay Nathan.
*******
Nagmamamdali talaga si Alex na makababa sa kotse nito, inayos na muna niya ang sarili dahil nahihiya naman siya na humarap sa mga ka schoolmate ni Shan pati teacher nito kung isang bading siya.
"Carry mo 'to." Bulong niya sa sarili at huminga ng malalim sabay pasok na sa school.
"Mr. Greyson!" Sigaw ng teacher ni Shan.
Ngumiti si Alex at agad na hinanap si Shan.
"Daddy!" Sigaw ni Shan na nagmamadaling lumapit sabay yakap.
Agad niyang binuhat ang tatlong taon na niyang alaga, ngmiti siya at hinagkan ang pisngi nito. "How's the school?"
"It's ok." Tugon nito na nakangiti.
"Mr. Greyson, medyo na late ka na nga lang sa meeting ng parents. And i should discuss to you again, about sa naging meeting earlier." Wika ng teacher.
"Sure." Tugon niya at tumingin kay Shan. "Daddy, will talk to your teacher ok, can stay and play with your classmates?"
Tumango si Shan.
Ngumiti si Alex at nilapag ang bata, tumakbo naman ito sa mga kaklase at tila nag start na makipag laro ulit.
"This way Mr. Greyson."
Napalingon siya sa guro at sumunod.
Pinaupo siya nito sa bakanteng upuan.
"I know that, you are— a busy man. But, still na need ng mga bata ang kalinga ng isang parents or guardian." Una ng guro.
"I'm doing my best Ma'am." Tugon niya.
"Mr. Greyson, ang ibig kong sabihin ay.... Tulad sa mga activities ni Shan, she needs someone will be here to guide her. Can i know where's the mom?"
Napatigil si Alex, bahagyang nilingon si Shan. Halos isang buwan pa lang ito ng makita niya, nasaktan pa nga siya ng kunin ni Mariel ito sa kanya, mabuti na lang at hindi pala ang bruha ang totoong ina ng bata.
"Mr. Greyson?"
"Her mom is dead, while giving birth Shan. " pagsisinungaling niya, hindi niya din inopen na ampon lang niya si Shan, ayaw niyang lumaki ito na tampulan ng tukso. Ayaw niya ito matulad sa kanya, na bata pa lang ay kung ano-ano na ang naibabato sa kanyang salita.
"Oh, i'm sorry. Kaya pala, ikaw na ang gumaganap bilang ina at ama ng bata. So i guess, ako na lang ang mag guide sa kanya. Kapag na late ka."
Ngumiti si Alex. "Thank you Ma'am, ayoko kasi na ibilin siya sa mga katulong lang, i'm doing my best para lang makaapila sa mga activities ni Shan." Sagot niya.
*******
"Yan, seatbelt." Sabay ngiti niya, inayos niya ang pwesto nito sa likuran.
"Daddy, your voice changin na?"
Natawa si Alex at inayos ang buhok ni Shan. "Ssshhh." Sabay halik sa noo nito. "I love you shan. Whatever will happen, i will be your dad and mom."
"I love you daddy, but—" tila nalungkot ang mukha ni Shan.
"Why baby, what's wrong?"
"My classmate asked me, where's my mom."
Napangiti ng matipid si Alex, at muling hinaplos ang buhok nito. "Your mom is an angel na, i know na kasama na siya ng Guardian mo." Tugon niya pero sa kanyang isipan. "Sana na impyerno ang babaeng 'yun dahil iniwan ka lang noong sanggol." Isang bahagi ng utak ni Alex. Muli na siyang ngumiti. "Halika na, diretso muna tayo sa mga tita Jackie mo." Tugon niya.
"Yehhey!" Sigaw ni Shan.
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...