Chapter: 28

97 3 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 28

"Anu yan Nathan?" Tanong ni Larry

"New invitation." Sagot niya at tiningnan ang envelope. 

"Kanino galing?" Tanong ni Mark.

"I don't know. Pero, mukhang kailangan natin magpunta." Sabay tingin sa mga kaibigan.

"Excited ahh. Pero sana, mas masaya kung andidito si Alex." Tugon ni Lester.

"Nakakamiss nga din siya." Malungkot na sabi Larry.

"Three years na tayong walang balita sa kanya, ni hindi lang man niya tayo tinawagan or email." Sagot ni Nathan.

"Feeling ko, iniwasan niya tayo. Kasi iniisip niya na naawa tayo sa kanya." Si Mark.

"Kaya nga— pero alam ko na magpaparamdam din 'yun." Sabay ngiti ni Lester.


*******


"Ang gwapo naman ng asawa ko." Puri ni Jill.

"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ni Nathan.

"Hindi na siguro." Tugon ni Jill. "I-enjoy na muna ninyo ang party tonight, basta wag lang titingin sa mga babae ha." 

Natawa si Nathan at hinalikan ito sa labi. "Ikaw lang mahal ko noh." At pinisil ang ilong nito.

"Namimiss mo na si Alex noh?"

Napatango si Nathan. "Mula nang umalis siya, madami nagbago." Sabay buntong hininga ni Nathan 

"Sigurado ako, hinihintay pa din siya na Ivan." Tugon ni Jill.

Napatango lang siya, naalala lang niyang hindi na sumipot sa kasal si Ivan. Mas pinili nito si Alex, pero maaga umalis si Alex ng araw na 'yun. Kaya hindi na nito naabutan, ang masakit lang bumalik si Ivan mula sa state at tila hindi nahanap si Alex. Wala talaga silang ideya kung saan nagpunta ito, dahil pati sila ay hindi na nito tinawagan.

"Three years, na wala tayong balita sa kanya." Sambit ni Nathan.

*****

Tila engrande ang pa-party na ito. Isa daw kasi na modelo ang umuwi at balak na sa Montengro mag model. Wala pa silang alam sa pangalan nito, lalu at tila misteryoso ang pagkatao ng babaeng nag bigay ng invitation sa kanila. 

"Ivan." 

Napalingon si Ivan at lumapit sa apat. "I'm sure talaga na naririto kayo."

"Oo nga, ikaw?  Buti at na invite ka din dito?" Tanong ni Nathan

"Pina fixed na kasi ng family ko ang business, then etong ka business nila medyo ka share dito." Paliwanag niya.

"Lasing na ba ako, o naguguluhan lang ako sa shares?" Sabat ni Larry 

Napailing si Mark at Lester sa sagot nito, natawa lang si Nathan.


Napatigil sila ng patayin ang ilaw, at tila binuksan ang spotlight na nasa stage...

Napatingin silang lahat duon, lalu sa music na biglang tumugtog. 


Magandang dilag

Puso ko'y yong nabihag

Wala nang ninanais

Biyaya ng langit

O magandang dilag


Binuksan na ang red na curtain at tumama ang spotlight sa babaeng nakatalikod, naka red ito na open back. Deep V Neckline at sleevless, kitang-kita ang makorte nitong likod at maupitin balat.

Bahagya lang ang pagharap nito, at halos hindi pa ipakita ang mukha.

Napatitig ang apat sa modelong iyon, ang balakang nito na kumorte at ang damit nito masasabing sexy sobra.

Bawat lakad mo

Lahat sila napapatingin

Di mawari ba't

Ganun ang nagyayari sa kin

Isang ngiti mo lang

Parang nakakabaliw

Ano bang ginawa mo

Ako'y naaaliw

Tinatanaw tanaw kita

Para bang isang tala

Sa gitna ng kalawakan

Humarap na ito, at tila nakita na ang mukha. 

Halos ang lahat ay napatitig sa angking ganda nito, hindi masasabing noseline ang ilong dahil sadyang matangos. Ang labi nito na maliit lang na may pagka kissable lips, ang mga pilik na tila bumagay para sa mata. 

Lumakad ito na patungo sa gitna, habang nakahawak sa beywang ang dalawang kamay, pa-cross ang lakad. Ang disenyon ng dami na kulang na din ay mag pa v-shaped dahil kaya ang dibdib nito ay mapapansin bahagya.



Magandang dilag

Puso ko'y yong nabihag

Wala nang ninanais

Ligaya kang labis

O magandang dilag


"She's perfect " nasambit ni larry.

"Yeah, pati damit." Sambit ni Mark.

"Nice.." Hangang sabi ni Lester.

Kahit na pilitin pang umiwas iwas sa yo

Paikot-ikot ka dito sa isipan ko

Wala na ngang iba

Nag iisa ka lang

Nag iisang bituin

Sa kalangitan ko

Tinatanaw tanaw kita

Para bang isang tala

Sa gitna ng kalawakan

Magandang dilag

Puso ko'y yong nabihag

Wala nang ninanais

Ligaya kang labis

O magandang dilag

Magandang dilag

Puso ko'y nahalina

Wala nang ninanais

Biyaya ng langit

O magandang dilag.

Ang buhok nito na tila naka halter style, kaya kusang nagwa-wave ang kalahati ng buhok niya sa pagrampa. Pagdating sa harapan ay ngumiti siya, lumabas ang pantay-pantay niyang ngipin na maputi at ang smile nito na may malalim pang dimple.

Napatitig si Nathan ng husto, talagang kahit siya at napahanga. 

Binigyan na ito ng mic, ng host kaya ngumiti muli ito. "Hello Ladies and Gentleman, thank you so much for being here to my party." Nadinig nito palakpakan. "Before we continue the party, let me introduce myslef." Pinatay na ang sound at muling tinutok ang mic. "I'm Alexandria Greyson, from the Filnest Fashion in Parish." 

Muntik masamid ang tatlo sa nadinig na last name, at muling tumitig sa babaeng nasa stage. 

"Don't tell me." Si Larry at lumingon kag Nathan.

"Siya si Alex." Sambit ni Nathan.


**********


#AuthorCombsmania




Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon