Chapter: 23

114 5 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 23

Nasa labas lang si Alex, kasama din niya ang mga kaibigan habang nasa malayo halos dalawang buwan ang nging recover ni Adrian. Tinuruan niya ito ng mga dapat sabihin at gawin, at ang balak niya ay pabalikin na lang sa state ang mga ito. Alam niyang may bahay si Adrian duon.

Nakita niyang lumabas si Kierra at Shan, lahat sila ay nanunuod sa pagkikita ng dalawa. Wala naman siyang nilihim kay Adrian, pati ang kasal bawat detalye, maliban sa nararamdaman niya. 

Ngayon ay kitang-kita niya ang higpit ng yakap ng kambal sa babaeng minsan ay minahal niya. 

"Nakakaiyak sila " si Lester na naiiyak.

Pinigil ni Alex ang maiyak at inistart na ang kotse. "Tara, mag inom tayo bilang celebrate!" Yaya niya 

"Ay gusto ko yan." Palakpak ni Lester.

"Okay go!" Si Mark

"Saan ba ang place? Baka sa gaybar yan, Bawal na kami duon?" Tanong ni Larry.

"Gaga ,bakit ko naman kayo duon dadalhin noh." Natawa si Alex 

Nakatingin lang si Nathan sa kanya.

******

"Ayos ang view, talagang tayo lang naririto?" Tanong ni Larry na natatanaw ang mga ilaw na nasa building sa baba.

"Nakita ko lang eto, nag ask kung pwede uminom dito habang pinagmamasdan ang mga street lights." Tugon ni Alex.

Iniabot na ni Mark ang mga beer na nabili nila, lahat sila ay mayroon na at isa-isang nag toast. 

"Tapos na kaya ang problema?" Biglang tanong ni Lester at nilingon si Alex. "Lalu ngayon na, gusto mo silang lumayo?" 

Tumango si Alex. "Ayos lang ako noh." Sabay inom.

"Sigurado ka?" Si Nathan.

Napahinto si Alex at nilapag ang can ng beer. "Maliit pa si Shan, makakalimutan niya din ako. Sigurado 'yun." Tugon niya at ngumiti, pero maya maya ay pumatak ang luha niya. "Makakalimutab niya ako."

"Masakit di ba?" Tanong ni Nathan

Napatingin din ang tatlo kay Alex... "No, ginusto ko to eh, ginusto ko mapag isa." Sagot niya at inistraight ang beer na iniinom.

"Sabi mo eh." Wika ni Lester at uminom.

Hindi na lang din sila umimik, at tila pinagmamasdan na lang ang mga street light.




******


Bumuntong hininga si Alex at muling itinapon ang papel, halos isang linggo na mula ng umalis ang mga ito, pakiramdam niya na hindi na kumpleto ang araw niya sa tuwing uuwi siya.

"Uy gaga ka, maubos naman ang sketchpad natin." Puna ni Lester.

"Di ako makahanap ng magandang design." Sagot niya at sumandal. Nakita niya ang picture nilang tatlo nasa frame niya at napatong sa kanyang table. 

"Sabi mo hindi masakit, pero yang itsura mo. Mukhang kang nalugi nang limpak-limpak na salapi sa casino." 

"Naku naman bakla, wag mo na nga ako asarin." Naiiling si Alex at sumimangot. "Kamusta na kaya sila?" 

"Bakit kasi nagtago ka pa?" Tanong ni Lester 

"Para anu?, para lalu akong masaktan. Buti nga kayo may happy ending eh." Sabay buntonghininga niya 

"Hay naku, kung inamin mo totoo kay Kierra. Sa tingin mo kaya, sino pipiliin niya?" 

"Pa'no naman si Adrian?" Balik tanong niya at tingin kay Lester. "Pa'no kambal ko? Oo, nahulog loob ko kay Kierra. Pero— hindi ko pwede itulog iyon, dahil ginawa ko nga magsakripisyo para sa kanilang. Para mabuo sila."

Pansin ni Lester na lumungkot ang mukha nito. "Kaya kahit nasasaktan ka, kinakaya mo? Kasi, may promise ka?" 

Suminghap siya at napatango. "I'm okay, nakaya ko nga maka move on kay Ivan."

"Ang swerte mo sa kanya day, mahal ka ni Ivan." 

Ngumiti si Alex at tumango. "Sobra, sana nakatagpo na din siya ng babae maibibigay sa kanya ang lahat. At hindi sa isang tulad ko."

"What if, magkita ulit kayong dalawa?" Muling tanong ni Lester.

"Well, sabi ko naman kung kami talaga— kami siguro talaga." Sabay muling ngiti niya.



********

#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon