Chapter:27

115 3 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin

Chapter: 27

Pagkabukas ni Alex ay nagulat pa siya sa bumungad, hindi agad siya nakakilos at tila napatda sa kinatatayuan niya. 

Ngumiti si Kierra. "Hi!" 

"Daddy!" Sabay lapit at yakap ni Shan. 

"Oh, Shan!" At binuhat ito sabay halik. "Namiss kita ng sobra!" 

"Miss din kita daddy, ang tagal natin di nagkita." Wika ni Shan.

Napatigil si Alex at tumingin kay Kierra. "Why, why are you here?" 

"Alam ko na sa simula pa lang na di ka si Adrian, alam ng puso ko 'yun." Sambit niya at agad na lumapit. "Nagbulag-bulagan ako at bingi-bingihan, dahil ginawa mo ang lahat para sa amin. Maraming salamat Alex." Sabay yakap niya kay Alex

Pumatak ang luha ni Alex. "Kierra, i'm sorry." Naiiyak niyang sabi. 

"Daddy why you crying?" 

Kumalas siya at ngumiti, "because i'm you finally here. Almost 6 months kitang hindi nakasama." At nilingon si Kierra. "Kayong dalawa." Sambit niya.

"Kaya nga madali ko nakilala, kasi kahit sa halik ibang iba si Adrian." Napangiti si Kierra. "Pero, anung balak mo ngayon? Lalu at magpapakasal na si Ivan."

"You know?" 

Napatango si Kierra. "Nang gabing makita ko kayo sa ospital, naghinala ako nuon kasi nung Birthday ni Shan, kaya kutob ko at instinct sinunod ko." 

Napasinghap si Alex.

"Pero hindi ako nagalit sayo, kundi— nagpapasalamat pa ako. Dahil ginawa mo lahat ito para sa aming tatlo." Tugon ni Kierra.

Ngumiti si Alex. "Salamat at hindi ka galit sa akin,."

"Why naman siya magagalit sayo, kaya nga inexplain ko sa kanya ang lahat." Sabat ni Adrian.

"Adrian." Smabit niya, saglit niyang binitawan si Shan at lumapit sa kambal para yakapin ito.

"Hayss, sana lang makatagpo ka din ng para sayo." Bulong ni Adrian.

"Sana nga, kaso pinakawalan ko na siya." Tugon niya at naiyak 

Nagakatinginan naman sina Kierra at Adrian.



******

"Magbabakasyon ka?" Tanong ni Larry.

Napatango si Alex. 

"Ilang days?" Tanong ni Mark.

"Gagang 'to, kami na heartbroken pero hindi kami umalis." Inis na sabi ni Lester.

"Guys, cool lang kayo... I need some air, yung pwede ko muna i refresh utak ko." Sagot niya.

"Kung sabunutan ka namin!" Sabay tingin ni Lester kay Larry at Mark.

"Kaya yata nalalagas buhok ko." Sabay simangot 

"Buo na ba desisyon mo?" Tanong ni Nathan.

"Yes, kuya Nathaniel." Sabay ngiti niya at tumayo. "Nakapag decide na ako ng bonggang-bongga. Beside, may mga company pa si Mama at Papa sa states, hindi lahat kaya ni Adrian." 

Natawa si Nathan at niyakap ito. "Mamimiss ka namin." 

"Ngayon lang talaga may aalis sa grupo." Malungkot na sabi ni Larry

"Ngayon pa lang naiiyak na ako." Si Mark

"Haisst, basta babalik ka agad! Magdala ka na din ng foreigner!" Kilig na sabi ni Lester.

Natawa si Alex. At ngumiti sa kanila. 

"Teka bukas na din kasal ni Ivan ahh?" Biglang natanong ni Nathan.

Tumango si Alex. "Yup, kaya nga aalis na ako." Sagot niya.

"Sabi mo carry mo at di ka masasaktan." Sabat ni Lester 

"Kinain ko na ngayon mga words ko, ang hirap pala mga bakla." Sabay ngiti niya ng malungkot.  

"Basta mag iingay ka, tatawag ka sa amin lagi." Wika ni Nathan.

"Yes, naman boss. Basta pagbalik ko may work pa din ako." Sagot niya na sinamahan ng kindat.



*********


#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon