Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 18
Hindi lubos maisip ni Ivan na si Kierra pala ang pinakasalan ni Alex, labis ang sakit na naramdaman niya ngunit kailangan niya magparaya. Uminom na lamang siya at habang umiinom ay pinagmamasdan ang kanilang litratong dalawa.
*****
"Mula noong makilala kita sa simbahan, hindi na kita nakalimutan."
Natawa si Alex, pakiramdamn niya kinilig siya. "Wag ka ngang ganyan, tsaka— bakla ako noh."
"So?" Sabay hawak sa kamay ni Alex.
"Anung so?" Sabay tingin niya kay Iva. "Gwapo ka, mayaman, maraming babaeng mas bagay sayo."
"Pano kung— hindi iyon ang tinitibok ng puso ko." Napatitig siya kay Alex. "Hindi mahalaga sa akin ang pagkatao mo, ang mahala sakin ay yung totoong ikaw."
Napatda si Alex, pakiramdam niya ay kinilig siya sinabi nito. Natural, malambot ang puso niya kaya siya ganito. "Ivan. Walang, walang tumatanggap sa isnag tulad ko—"
"Because your a gay? Doesn't mean, wala ka nang karapatan magmahal." Sabay lapit dito. "I never felt this before, oo aaminin ko na may mga naging past girlfriends ako, pero iba.... Iba itong naramdaman ko ng makilala kita."
Pumatak ang luha ni Alex. "Oh my.... I don't know what should i say."
"Gusto mo bang patunayan ko sayo, liligawan kita araw-araw. Ipapadama ko na tunay ang hangarin ko sayo." Sabay ngiti niya. "Just, give me a chance to prove to you, na pwede mag work ang relationship natin."
Napangiti si Alex na kahit naiiyak siya ay biglang napayakap kay Ivan. "Thank you Ivan, thank you...." Bulong niya.
*****
Nilapag ni Ivan ang baso niya, nabalot na nang luha ang kanyang mga mata. "Mahal kita alex, that's why.. I need to set you free, dahil mahal ko din kapatid ko." Bulong niya at napayuko sa lamesa sabay hagulgol ng iyak.
*********
Nanatiling nasa garden si Alex, hindi pa siya umaakyat at sinubukan na munang uminom. Gusto niya mapag isa.
Dati hiniling niya na sana maging katulad siya ng mga kaibigan niya, kung hindi man siya magbago ay sana makatagpo siya ng lalaking magmamahal ng tapat sa kanya. Dumating sa buhay niya si Ivan, pakiramdam niya ay kumpleto na dahil naririto si Shan.
Pero tila panandalian lang ang kaligayahan na 'yun. Muli siyang napaiyak, nasasaktan siya dahil ginagawa niya ang lahat para sa kakambal. Na kahit sariling kaligayahan ay kailangan niyang isakripisyo.
Napailing siya at nagsalin muli ang alak sa baso. Bakit kaya, naging mahirap ang kapalaran niya? Ngayon, sigurado siya na tuluyan nang lalayo si Ivan, magiging akward na kasi dito lalu at alam nitong siya ang pinakasalan ng kapatid. "Kung alam mo lang." Bulong niya at ininom na ang alak.
"Adrian?"
Mabilis niyang pinunasan ang luha, "Bakit, gising ka pa?"
Lumapit si Kierra at nakita ang itsura niya. "May problema ka ba? Bakit ka umiinom?"
Napailing si Alex at muling nagsalin ng alak.
"Adrian." Napaupo si Kierra sa harapan niya.
Mabilis na ininom ni Alex ang alak. "Okay lang ako, may iniisip lang." Naramdaman niyang hinawakan nito ag kanyang baba na parang bang tinitingnan ang mukha.
"Ngayon lang kita nakitang, naging malungkot ng ganyan." Wika ni Kierra. "You're crying."
Hindi na nga napigilan ni Alex at kusang lumandas ang luha, at tuluyang lumabas ang kanyang emosyon bigla siya napahagulgol.
"Ssshhh...." Sabay yakap ni Kierra.
"I'm sorry." Sambit niya habang nakayakap kay Kierra. "Sorry."
"Anu ka ba, wala ka dapat ihingi ng sorry." Sambit ni Kierra at pinagmasdan si Adrian. "Adrian, mahal kita..."
Mas lalung naiyak si Alex, at tila napapikit ng mariin, nadidinig niya ang salitang mahal mula sa bibig ng babaeng unti-unti na din nahulog ang loob niya.
Ang kanyang damdamin ay nahahati na ngayon, kay Ivan at kay Kierra. Alam niyang mali ngunit paano nga ba niya mapipigilan, lalu at lahat ng pagmamahal na nais niya ay sa babae nakita.
Napadilat siya at tinitigan ang mukha nito. "I love you too." Tugon niya na hindi bilang Adrian na nagpapanggap kundi si Alex na ngayon ay nagbukas ang puso para dito.
Ngumiti si Kierra. "Lasing ka na, magpahinga na tayo." At tinulungan niya ito.
Napatango lang si Alex. "Mauna ka na susunod na ako."
"Sige, wag ka na uminom." Bumuntonghininga ito at tumalikod na.
Napasunod ng tingin si Alex kay Kierra, napailing siya at muling napakagat labi. Ngayon ay tila gulong-gulo na ang isipan pati ang puso niya.
********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...