Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 4
Pakiramdam ni Alex na talagang antok siya gawa nang ilang araw na puyat, pero todo pa din ang dilat ng kanyang mga mata para lang magising. Humikab siya kaya napapikit ang kanyang mata, sa pagdilat niya ay may biglang bulto na lamang na lumitaw sa kalsada.
Agad naman siya napa preno, pero ramdam niyang nabangga ito. "OMG naman!" Sigaw niya at nagmamadaling bumaba. "Miss?" Tawag niya at nilapitan ito. "Ay naku naman, saan ka ba galing? Bakit ba bigla ka na lamang sumulpot kung saan!" Naiirita niyang sabi at mabilis na binuhat ito.
Nagmamadali siyang inilagay ito sa likuran, mabuti na lang at ospital ang tungo niya kaya paniguradong madadala naman niya ito nang maayos.
*****
"Doc? How's the girl?" Agad niyang tanong, kinakabahan siya dahil bigla na lang itong natumba.
"She's okay now, wala naman akong nakitang fractures. And mukhang, dala ng stress kaya siya nawalan ng malay." Paliwanag nito
Nakahinga naman ng maluwag si Alex.
"You can check her. Excuse me." Paalam ng Doctor.
Napatango na lang siya at pumasok sa silid, pansin niyang tulog ito at nakatalikod. Humakbang pa siya palapit, mabuti naman at hindi ito nasaktan ng labis kundi problema pa niya.
Gumalaw ang kamay nito na agad niyang napansin, kaya mas lalu siyang napatingin. "Miss?"
Unti-unting gumalaw ito hanggang sa mapalingon, pagmulat nang mga mata ay bumungad sa kanya ang mukha nang lalaking matagal na niyang hindi nakita.
"Miss?"
Napakurap pa siya bahagya, pero dahil sa labi na galit ay agad niyang sinampal ito.
Nagulat si Alex sa nangyari, pero agad din siya nakabawi. Sabagay hindi niya masisisi kung ito ay magagalit sa kanya pagkat nabangga niya ito, pansin ni Alex ang mabili nitong pagkilos. Tumayo ito sa kama at nagmamadaling isinusuot ang sapatos.
"Miss hindi ka pa yata okay?" Sabay lapit dito.
"Don't touch me, don't."
"Fine?" Sabay taas ng kamay ni Alex. "Masakit ang sampal mo ahh." Pansin niya ang masamang titig nito sa kanya. "What?"
"What? Masakit." Natawa ito ng mapakla. "After all these years, tinaguan mo na ako, iniwan. Inabandona, pero bakit— bakit hanggang ngayon mahal pa din kita." Pumatak ang luha nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Naiwan si Alex na tila nalilito, kaya napalingon siya sa pintuan. "Baliw ba siya? Ang shocks ahh?" Naiiling niyang sabi at lumabas na lang din sa kwarto.
******
Nag iiyak pa din siya nang makalabas sa Hospital, kanina may blanko ang isipan ng malaman na hindi natuloy ang kasal ni Adrian. At eto pinagtagpo silang dalawa, na para bang hindi siya kilala. "O talagang gusto lang niya ako iwasan?" Naiiyak niyang sambit at pinunasan ang luha. Pakiramdam niya na sa pagkikita nilang ito ay tila nanlambot ang kanyang mga tuhod, ngunit ngayon lang siya kinabahan. Tila ang puso niya ay tinambol ng husto. Marahil dahil nagkita muli sila ng lalaking inibig niya. "Pero kinalimutan niya ako, kinalimutan niya kami ng anak niya." Bulong niya.
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...