Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 10
"Welcome home!"
Nagulat si Alex sa surprise na ginawa ng mga kaibigan, para isang gabi lang naman sila nasa Hotel.
"Daddy, Mommy!" Sigaw ni Shan at lumapit, mabilis itong yumakap sa kanilang dalawa.
"I miss you baby." Masayang sabi ni Kierra
"Well, naghanda kami ng kaunting salo-salo!" Wika ni Jill
"Yes, para naman mayroon tayong pagsaluhan." Sabat ni Jackie.
Lumapit si Nathan sa mag-asawa. "Congratulations, sa inyong dalawa!"
Ngumiti si Kierra. "Thank you." Sabay lingon niya sa kanyang asawa. "Hindi ko akalain na may, mga kaibigan ka na mababait."
Ngumiti si Alex at tumingin sa kanila. "Lunch na tayo!" At hinawakan niya ang kamay ni Kierra para samahan ito sa table.
*****
Kakapasok lang ni Kierra sa study room ni Adrian, pansin niyang busy ito kaya lumapit siya at nilapag ang kape. "Nag iba ka pala ng course mo?"
Napatigil si Alex at tumingin kay Kierra. Hindi kasi niya alam kung ano ang course ng kakambal.
"Oh, ba't parang namutla ka?" Tila tanong niya
Napailing si Alex. "Pwede bang, bukas ikaw na muna maghatid kay Shan sa school. Maaga meeting ko bukas?"
"Oo naman, no problem." Ngumiti si Kierra. At tila lumapit ang mukha.
Napa atras ng wala sa oras si Alex, hanggang sa pati upuan niya ay malaglag kasama siya.
"Adrian?"
"Ahmm." Napatayo na siya at ngumiti. "Kierra, sorry ahh. Kasi— parang..."
"Parang?"
"I mean, noong nanganak ka kasi nahirapan ka. Kaya, naisip ko na umiwas munang tumabi sayo." Sabay ngiti niya. "Baka kasi mabuntis kita, mapahamak ka." Lumapit siya at hinawakan ang kamay nito. "Ayoko na mangyari na malayo ka sa akin." Sambit niya
Ngumiti si Kierra at hinaplos ang mukha niya. "Alam ko naman na, poprotektahan mo na kami ni Shan."
Ngumiti si Alex. "Pahinga ka na, mamaya pa ako matutulog."
"Sige." Paalam niya at ngumiti, tumalikod na ito at lumabas sa kwarto.
Nakahinga naman ng maluwag si Alex ng makalabas na ito sa study room, "Di ko talaga alam kung hanggang kelan ako magpapanggap " naiiling niyang sabi at muling pinagmasdan ang mga papel para sa new project nila Nathan.
*******
Napatulog na niya si Shan, nakangiti siya habang pinagmamasdan ito. "Nakakatuwa na ang laki mo na anak." Bulong niya, at hinagkan ang noo nito. "Gusto ko sana makabawi sa daddy mo, lalu at hindi ka naman niya pinabayaan. Nabulag ako sa galit, pero masaya na ako dahil buo na tayo."
Napangiti na lang si Alex nang madinig ang si Kierra, sinilip niya din kasi si Shan. Balak niya sana na halikan ito, hindi na nga lang siya tumuloy dahil nakita si Kierra sa kwarto. Umalis na siya sa pintuan, at agad nang nagtungo sa kwarto. Dumiretso na siya sa kanyang kama, inilapat na niya ang likuran sa higaan. Agad siyang pumikit ng madinig na pumasok si Kierra, ayaw niya na makita siya nitong gising.
Naramdaman na lamang niya na humiga na ito sa kanyang tabi, humalik pa sa kanyang pisngi at yumakap.
"I love you, Adrian." Bulong ni Kierra at pumikit.
Hindi na siya nagpahalata at talagang tinuloy na lang pagpapanggap na tulog.
**********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...