Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 34
"Look!" Sabay turo ni Lester.
Napalingon din si Alex, lahat sila ay napatingin lalu at tila escort si Ivan ni Patrisha. Pansin din niya ang ngiti ni Ivan habang nakayakap sa braso nito si Patrisha.
"Makangiti, samantala noong isang gabi.." Inis niyang bulong.
"May nagseselos." Tukso ni Larry
Nilingon niya ang mga kaibigan na nagbubulungan, umirap siya at muling tumingin sa dalawa. Pansin niya ang pagrampa ni Patrisha at nang hubarin na nito ang sunglasses.
"Oh, magandang dilaggg...." Kanta ni Nathan
"Sige mang asar ka Nathan." Sabay lingon niya dito
Natawa lang si Nathan.
Naiinis na nag walk out si Alex, naiirita lang siya lalu at patuloy na sa pictorial sina Patrisha at Ivan. Napaupo siya sa tabi at nakita niya ang next na susuotin nito.
"Kulang tayo ng model." Wika ng staff
"Panu 'yan?" Tanong ng isang staff at napalingon sa pwesto ni Alex. "Miss Alexandra?"
"Yes?" Tila sagot niya
"Baka pwedeng ikaw na po muna ang maging model namin, kinulang po kami at hindi makaka attend ang isang model."
"Ahmm, teka swimwear kasi ito? Di ba?" Tanong ni Alex.
"Yes!" Sagot nang dalawa
Muling napatingin si Alex kay Partrisha, pansin niya na pumasok na ito sa ginawang dressing room. Muli siyang lumingon sa dalawang nag aasist. "Okay." Pagpayag niya
****
"Ready sa next model." Wika ni Mark.
Tumango si Nathan, sakto naman na lumabas na ang kanilang next na model. Maging sila ay napatigil sa itsura nito, lalu sa swimwear na suot nito.
Magandang dilag
Puso ko'y yong nabihag
Wala nang ninanais
Biyaya ng langit
O magandang dilag
Maging si Ivan, ay napalingon lalu at tila may sound pa talaga ng rumampa si Alex.
Umikot siya at tila tinanggal ang cover up, lalung lumabas ang maliit niyang katawan, flat na tiyan ang dibdib niya na bagay lang sa kanyang katawan. At tila ang coca- cola body nito. Ngumiti si Alex at tumingin sa kanila.
Maging si Mark ay napahinto sa pagpi-picture, halos malaglag ang baso ni Larry na may lamang kape napaso naman si Lester.
Si Nathan naman ay napalunok, bakit ba napaka diyosa ni Alex, pinagpala na yata sa lahat ito.
Lumapit si Alex kay Ivan, tila malagkit ang titig niya dito.
Magandang dilag
Puso ko'y yong nabihag
Wala nang ninanais
Ligaya kang labis
O magandang dilag
Tinatanaw tanaw kita
Para bang isang tala
Sa gitna ng kalawakan
Magandang dilag
Puso ko'y yong nabihag
Wala nang ninanais
Ligaya kang labis
O magandang dilag
"Oh my, ang ganda niya." Bulong ng mga staff
Siniko ni Nathan si Mark at tila pinicturan na ang dalawa, lalu nang tumingin si Alex sa kanila habang nakahawak ang balikat ni Ivan, at ang hita ay nakaipit sa hita nito.
"Perfect" bulong ni Mark.
Ramdam ni Alex na hinapit siya ni Ivan sa beywang. Kaya napatingin siya dito.
"Mukhang, you trying to seducing me." Bulong ni Ivan.
Napatitig si Alex sa kanya. "Why? Are you, afraid?"
Lumapit bahagya ang mukha ni Ivan, mas lumapit ito sa bandang teynga niya. "No, but one thing i know. You jealous, kaya ginagawa mo'to." Pabulong ni Ivan.
Lumayo bahagya si Alex, at muling rumampa. Saglit siyang huminto at tuluyan nang hinubad ang cover up niya, kaya mas lalung nakita ang kabuuan ng katawan nito, sabay harap.
Mas madami ang kumuha ng litrato dito, keysa kay Patrisha kanina...
Kumindat pa si Alex kay Ivan, bago tuluyang umikot muli pabalik sa backstage.
"Gosh, pinagpawisan ako." Sabay punas ni Mark sa noo
"Bakit ang sexy niya!" Inis na sabi ni Lester.
"Kaya nga, ang ganda niya." Sambit ni Larry
"Sa sobrang tulala mo, tinapunan muna ako " reklamo ni Lester.
Napabuga ng hangin si Nathan. "Hindi ko inaasahan 'yun ahh." Sambit niya.
"Taray talaga ng muse natin." Natatawang sabi ni Lester.
Muli silang nagtawanan apat.
*********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomanceCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...