Chapter: 22

112 4 0
                                    

Minsan Lang Kitang Iibigin 

Chapter: 22

Nagtataka si Kierra, dahil puno nang candle ang dadaanan niya. Pansin niya din ang red carpet na parang bang talagang inihanda ni Adrian para sa kanya, nakasuot lang siya ng simpleng bestida. Kulay cream na plain lang, wala itong manggas at tila nag fitted sa kanyang katawan. 

Sinimulan na niyang humakbang, pero agad siyang napahinto sa pamilyar na musika na biglang pinatugtog, napangiti siya at hindi mapigilan ang hindi maluha.

Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago

Ikaw lang ang iibigin ko

Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako

Asahan na 'di maglalaho

Ang pag-ibig ko'y alay sa 'yo lamang

Kung kaya, giliw, dapat mong malaman


Napangiti si Alex nang lumingon at humarap kay Kierra, pansin niya ang simpleng ganda nito sa suot na damit talagang binili niya ito at inihanda na sa kama para masuot ng babaeng pinakasalan niya.

Minsan lang kitang iibigin

Minsan lang kitang mamahalin

Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan

Dahil ang minsan ay magpakailanman


Tuluyan nang nakalapit si Kierra, lumapit din ang asawa sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Hinapit siya nito sa beywang.

"Can we dance?" 

Natawa si Kierra, gusto niya kasi pigilan ang luha niya sa sobrang kasiyahan. Kaya napatango na lamang siya.

Sinimulan ni Alex gumalaw, kapwa sila sumasayaw, sinasabay nila ang musika. 

"Adrian?" 

"Yes?" 

"Naalala mo nuon, nang ibigay mo sakin ang kantang ito."  Tanong ni Kierra.

"Bakit?" Bigla niyang tanong, dahil wala siyang ideya kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kantang ito sa dalawa.

"Sabi mo, kaya mo naisip ibigay sa akin ito. Dahil madalas mo madinig sa kapatid mo, madalas niya kantahin ang mga kanta ni Ariel Rivera. Habang nag gigitara." Sagot ni Kierra

Napatigil saglit si  Alex at tumitig kay Kierra.

Minsan lamang sa buhay ko ang 'sang katulad mo

Ako rin ba'y iniibig mo?

Dinggin, puso'y sumasamo, sinusumpa sa 'yo

Ikaw ang tanging dalangin ko

Ang pag-ibig ko'y alay sa 'yo lamang

Kung kaya, giliw, dapat mong malaman

"Kierra." Sabay haplos niya sa pisngi nito, hinawakan nito ang kamay niya at tila dinama ni Kierra ang palad niya na nakadampi sa mukha.

"Lagi kasi kayo nasasaktan, kaya nangako ka— na kapag nagmahal ka. Ang Minsan na 'yun ay magpakailanman." Sambit ni Kierra.

"Maniniwala ka ba, na minsan sinabi ko sa sarili ko na hindi ako matuto magmahal." 

Napatitig si Kierra. 

"Pero dumating ka sa buhay ko, binuksan mo ang puso ko. Ngayon, naramdaman ko. Na ang minsan ay mananatili sa puso ko." Sabay yakap niya kay Kierra at napaluha. "Magpakailanman, mananatili ka sa puso ko Kierra. "

Ngumiti si Kierra at gumanti ng yakap dito. "Mahal na mahal kita Adrian."

Napapikit si Alex. "Mahal na mahal din kita.." Kumalas siya at pinagmasdan ang mukha nito. Hinaplos niya ang buhok nito at ngumiti. "Ikaw ang pinaka magandang regalo na dumating sa buhay ko."  At lumapit ang mukha para hagkan ang labi ni Kierra.

Napapikit si Kierra sa pagdampi ng labi nito, dama niya ang halik nito na puno ng pagmamahal. Kakaiba na hindi man niya nadama nuon. Pakiramdam niya na ibang Adrian ang kasama at kahalikan niya,  maya-maya ay kumalas na ito. 

Napatitig si Alex kay Kierra. "Babawi ako pagbalik ko, kailangan ko muna harapin ang mga susunod kong project."

"Kaya ka ba bumawi ngayon?" Tanong ni Kierra

Tumango si Alex at hinawakan ang kamay ang mga kamay nito. "Tandaan mo, na mahal na mahal ko kayo ni Shan."

"I know, mahal na mahal ka din namin." Tugon ni Kierra at muling niyakap si Adrian. "Bakit pakiramdam ko, nagpapaalam ka sakin." 

Napapikit si Alex.


*****

Paalis na sana sila ni Nathan ng mapansin niya ang pag galaw ng kamay ni Adrian. Kaya mabilis siyang lumapit, agad naman na lumabas si Nathan para tumawag ng Doktor. 

"Adrian?" Tawag niya at hinawakan ang kamay nito

Napadilat na si Adrian at nakita niya agad ang mukha ni Alex. "A-alex." 

Napangiti si Alex ng madinig niya ang pangalan niyang nasambit ni Adrian.  Halos mapaiyak siya dahil sa wakas ay gumising na din ang kakambal niya.

******

Napadilat si Alex, kaya siya naghanda ng ganitong kalseng specialnna dinner para kay Kierra. At kanina, ay kinausap na si Shan. Kailangan niya samahan magpagaling si Adrian, at masabi ang totoo dito.

Muli siya kumalas kay Kierra at pinagmasdan ito. "Napakaganda mo."

"Adrian, kailangan kita ngayong gabi." Sabay yakap ni Kierra. 

Napalunok si Alex, alam na niya na hihilingin ito ni Kierra. Kaya nakaisip na siya ng paraan maaga pa lang. "Uminom muna tayo." Sambit niya at kumalas.

Kinuha niya niya ang wine na sinalin na niya sa wine glass, ang isa ay nilagyan niya ng pampatulog. Ayaw niya makita siya nito na aalis. 

Tumingin siha kay Kierra at ngumiti, "Let's toast." 

Nakipag cheers si Kierra at ininom na nito ang laman ng baso, napatigin lang si Alex. Masakit sa kanya na ngayon ay lilisanin na niya ang pamilyang binuo at prinoteksyonan niya. 

Nilapag na ni Kierra ang baso, medyo nakaramdam siya ng hilo. Hanggang sa matutumba, mabilis na inalalayan ito ni Alex.

"I'm sorry, i'm sorry Kierra na minahal kita." Sambit ni Alex at napaiyak na lamang.


********

#AuthorCombsmania

Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon