Minsan Lang Kitang Iibigin
Chapter: 25
"Nakakainis talaga itong si Lester, pinagmamadali pa ako. " bulong niya at halos magmadali sa paglabas sa kotse, kinuha na niya lahat ng gamit pati mga bids. Hindi kasi nadala ni Lester kaya, siya pa ang kumuha ng mg ito, pagharap niya ay may nabangga siyang bulto. "I'm so sorry!" Sambit niya at nagmamadaling nilapag muli ang mga gamit niya. Sabay tulong sa babae.
"Thank you, i'm okay."
"Sorry talaga miss, di ko kasi alam—"
"Tricia, are you okay." Sabay lapit ng isang lalaki ag tinulungan ito.
"Okay lang ako Ivan." Tugon nito at tumayo, bumaling siya sa nakabangga sa kanya. "Sorry din, hindi ko sinasadya."
Napatigil si Alex sa nadinig na pangalan, sakto pag lingon niya ay lumingon din ito sa kanya. Tila ba hindi ito makapaniwala sa nakikita ng dalawang mata.
"Ahmm, i'm sorry again miss." Sambit ni Alex at umiwas, muling kinuha nito ang mga gamit at nagmamamdaling humakbang palayo sa mga ito.
Napasunod si Ivan ng tingin, tama— si Alex ang nakita niya ngayon. At ang katanungan sa isipan niya, sino ang kasama ng kapatid niya sa state na kamukhan ni Alex.
"Ivan, are you okay? Do you know him?" Tanong ni Patrisha
"Yes, i know him." Sabay muling tingin kay Alex ba nakasakay na sa elevator. "I know him very well."
*******
"Shit!" Bulong niya, pakiramdam niya bumibilis pa din ang tibok ng puso niya. Para bang hindi nagbago ang nararamdaman ng makita si Ivan, pero agad din siya napasandal sa loob ng elevator. "Girlfriend niya na kaya 'yun? Bakit kaya sila naririto?" Mga katanungab niya sa kanyang isipan.
Bumukas na ang elevator kaya agad na siyang lumabas, kailangan muna niya isantabi ang mga iniisio dahil may trabaho sila ngayon.
*****
"Are you okay?" Tanong ni Adrian kay Kierra.
Lumingon si Kierra at pinagmasdan ito, tila iba ang mga mata nito keysa noong nagpakasal sila. Iba ang yakap at halik nito. Kahit na palagi nitong ginagawa ang mga bagay na lagi pa din ginagawa.
"What's wrong?"
"You changed a lot." Sambit ni Kierra at ngumiti, sabay haplos sa pisngi ni Adrian.
"Kierra."
Ngumiti si Kierra at hinawakan ang kamay ni Adrian. "I love you, at masaya ako na sa wakas nabuo na din tayo." Sambit niya at niyakap ito.
"I love you too Kierra, kayo ni Shan ang buhay ko." Sabay mahigpit na yakap ni Adrian sa kanyang mahal.
*****
Hindi mapalagay si Alex, hindi na siya sumama sa meeting nila. Lalu ng madinig niya ang pangalan ng kanilang mga guest. Talagang kinabahan siya, kilala na modelo si Patrisha Ingrid sa Paris at ito din ang isa sa mga top na naging model nuon ng Montenegro, pero hindi niya alam kung bakit magkasama si Ivan at si Patrisha.
Mas lalu pa siyang kinabahan ng bumukas ang kanilang opisina, pumasok ang mga kaibigan niya. At ang huli ay sina Ivan at Patrisha.
"Listen, napili ni Mr. Ivan Harley na dito magpagawa ng wedding gown nila para sa kanilang kasal ni Ms. Patrisha Ingrid.". Announce ni Nathan, at tumingin kay Alex.
Napatigil si Alex sa nadinig, mabilis siyang tumalikod. Parang di niya kakayanin ang mga balita na nadidinig.
"Wait." Sambit ni Trisha at lumapit ,nakangiti ito ng lumapit kay Alex. "Yeah, i remember you. One of staff ka din pala dito?"
Napalunok si Alex.
"Yes, he is one of my designer." Si Nathan ang sumagot. "His Alex Greyson."
"Nice to see you Alex." Sabay lahad ng palad ni Trisha
Nahihiyang tinanggap ito ni Alex. "Hi."
"By the way, this is my fiance." Pakilala ni Trisha at yumakap sa braso ni Ivan. "Hopefully, this project will work out to us... Hihintayin ko ang result ng wedding gown."
"Sure, no problem Ms. Ingrid." Tugon ni Nathan, pansin niya si Ivan na nakatitig kay Alex.
"Let's go Ivan. Asikasuhin na natin ang reception." At bumaling muli sa kanila si Patrisha. "It's really a pleasure to work with you, and to your friends Mr. Montenegro."
Napatango lang si Nathan, at ngumiti naman sina Larry at Mark.
Maging si Lester ay kumaway pa.
Maliban kay Alex na natahimik na sa sulok, nang makita niyang lumabas na ang dalawa ay nakahinga na siya.
"Yan mga exhale ka, pigil na pigil mo hininga mo." Wika ni Lester.
Napailing si Alex at tila napahawak sa dibdib niya, parang natusok iyon ng karayom dahil magpapakasal na si Ivan. Nanghihinang napaupo na siya sa upuan.
"Kaya mo yan sis." Wika ni Larry at lumapit. "Be strong lang "
"Andito lang kami." Sabat ni Mark.
"Yahh. G-5 tayo okay " si Lester.
Napatingin lang si Nathan sa kanyang kaibigan, na sa simula pa lang ay ito na ang pinaka mahina sa kanila.
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kitang Iibigin (Completed)
RomantikCould be Alex find his true love? 'Yan ang madalas niyang madinig sa mga kaibigan. Tila napag-iwanan na siya ng panahon at umaasa na isang araw ay may lalaking tatanggap sa kanyang pagkatao. He focused to his career lalu at may isang Shan siyang ina...